CHAPTER 9

758 77 2
                                    

MAL'S POV

Nabalot ng katahimikan ang aming kwarto matapos ang katapusan. Wala ni anumang tunog ang maririnig sa pagitan naming tatlo nina Vee at Ashlee dahil sa pagkawala ni Terra.

Halos mapupod ang aking mga kuko sa daliri dahil sa pagkakagat ko roon. Tapos na ang katapusan nang pinatay ni Mei si Terra!!

Bakas na bakas parin sa alaala ko ang itsura ni Mei kanina! Sinasadya niya ang ginawa niya!

Noong nangyari ang katapusan, nahiwalay sa grupo namin si Terra. Nang malaman namin mula sa mga nakakita na hinahabol siya ni Mei sa rooftop ilang minuto na ang nakailipas ay Masyadong mabilis ang pangyayari at maging ako ay hindi makapaniwala sa ginawa niyang 'yon! Nandoon na ako ngunit hindi ko agad natulungan si Terra!

"I cursed you to hell, Mei!!!" Napapasigaw akong napasabunot ng buhok!

Mariin akong napapikit at napatiim-bagang. Si Vee ay bigla nang napahagulgol. Nag-angat siya ng paningin sa akin nang nababakas ang pagkagalit.

"A-Ano nang gagawin natin, Mal?! Iisa-isahin niya tayo! S-Si Terra... wala na si Terra!!" Lumuhod siya sa harapan ko at nagsusumamong tumingin sa mga mata ko. "You have to get her now, Mal! W-We have to kill her now!"

Gunalaw ang panga ko. "Sa tingin mo ba hindi 'yon ang gusto ko ring gawin?! Halos hagilapin natin si Mei kanina sa buong campus pero hindi natin siya nakita! Who knew that she's targeting Terra?! Hindi natin basta-bastang mapapatay si Mei ngayon. Pero kaya parin natin siyang takutin!"

"A-Anong gagawin natin? Mal?" Halatang kabado si Ashlee na nagsalita.

Hindi ako umimik. Kung anuman ang susunod na hakbang na gagawin ni Mei. Kailangan ko iyong alamin. Hindi pwedeng mangyari ang mga binabalak niya.

"Halina kayo." Pagbasag ko sa katahimikan.

Napatingin sila sa akin. Bahagyang nangunot ang noo ni Ashlee. "Saan tayo pupunta?"

Nalukot ang mukha ko. "Nakita niyong gabi na 'di ba? Malamang kakain ng hapunan sa canteen!"

"M-Makikita natin si Mei do'n..."

Napaikot ako ng mga mata habang nagsusuot ng leather jacket. Ano naman kung nandoon nga siya sa canteen? Sa tingin ba nila magtatago parin ako sa kaniya matapos ng ginawa niya kay Terra? Ayaw kong isipin ng mga tao na natatakot ako sa babaeng 'yon! Kung anuman ang tinatago niya, mabubunyag ko rin ang lahat ng iyon. Dahil hindi parin nababago ang isip ko na hindi siya si Mei. Hindi kapani-paniwalang babangon sa hukay ang bangkay na matagal nang nakabaon.

Binuksan ko ang drawer at kinuha ang nakatagong apat na singsing na mayroong matutulis at matatalim na patusok. Isa-isa ko iyong sinuot sa aking apat na daliri saka pinagmasdan sa kamay ko iyon.

"Aatake tayo ngayon? P-Paano si Dean Chicago? 'Yung rules--"

Malakas kong kinalambag ang drawer pasarado at galit na humarap kay Ashlee. "Kung gusto mong sumunod kay Terra, puwes ipakita mo pang naduduwag ka! Sa tingin mo ba may pagkakaiba kung magtatago ka lang o haharapin siya, Ashlee?! Naalala mo ang ginawa mo kay Mei noon?! Kung naghihiganti man ang babaeng 'yon para kay Mei, hinding-hindi ka niya palalampasin! So get your shits altogether and do as I say!"

Nanginig siya sa takot at natahimik. Tumayo naman si Vee sa aking gilid nang hindi nagsasalita. Napaasik ako at may masama ang loob na lumabas ng dorm.

After one year of planning and maintaining my fucking reputation here in this school and I was finally getting rid of that Mei in my life. All that suffering went for nothing when her shadow appeared out of nowhere!

THE DEAD GIRL HAS COME ALIVEWhere stories live. Discover now