CHAPTER 38

350 47 2
                                    


FENRIZ'S POV


"Makinig kayong lahat," Pag-agaw ng atensyon sa amin ni coach. "Bukas makalawa na magaganap ang unang laban natin. At kung sakaling ma[agtagumpayan natin 'yon ay mangyayaring makakalaban natin ang team na ipinakilala ko sa inyo. Tiyak na magagaling sila, pero sa nakikita ko---kayang-kaya ninyo silang labanan!"

Psh! Talagang gagawin ko ang lahat para lang mapatumba ang team kung saan nabibilang ang ungas na Rhett na 'yon na sobrang yabang! kala mo kung sinong malakas! Nakakapang-init siya ng dugo!!

"Wolfie, gusto mo ng tubig?" Inabutan ako ni Freon ng malamig na tubig.

Nangunot naman ang noo ko at pinakita ang tumbler ko. "Meron akong sarili."

Napakamot siya sa batok. "Ay oo nga pala, hehe.." Nagpunas ako ng sariling pawis saka tinungga ang tubig. Nakakapanuyo ng lalamunan ang init ng araw at kapansin-pansin ang pagod ng mga ka-team ko. "Wolfie, tuwalya oh!" Hinagisan ako ni Freon ng twalya.

Napaintag naman ako at agad iyong sinalo. "Ano 'to? Meron akong sariling towel!" Binato ko sa kaniya 'yon pabalik.

"Ay oo nga pala," peke siyang tumawa. "Ano.. umm, sabihin mo lang sa'kin kung anong wala ka at ako ang magbibigay sa'yo."

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. "Kadiri! Ang corny mo!"

Gulat siyang napatingin. "Ha? Oy! Walang ibig sabihin 'yon!"

Napailing-iling naman ako. "Nababaliw ka na talaga. Nakaraang araw ay pinaghihinalaan mo ako. Tapos ngayon ay panay ang bigay mo sa'kin ng kung ano-ano." Napahawak ako sa baywang. "Akala mo ba na hindi ko napapansin? Kanina sa field ay hinaharang mo ang sarili mo sa akin para hindi ako matamaan ng bola! Ano bang ginagawa mo? Maging sa pagtakbo ay inaalalayan mo pa ako! Nababaliw ka na talaga. Sa tingin mo ba hindi ko kayang tumakbo?"

Napaiwas siya ng tingin at ngumuso. "Ayaw ko lang na masaktan ka..."

Mas umawang ang labi ko kumpara na kanina at hindi makapaniwalang tiningnan siya. "Pwe! Kadiri!" para akong masusuka. "Ano ba naman 'yan! AAHH!! Nakakakilabot ka!!"

Kung si Mei ang magsasabi niyan, kikiligin ako! Pero kung siya lang din naman, nakakasuka! Bakit ba siya ganito? Nakaraang araw pa siya ganito sa akin. Pakiramdam ko'y may maling mangyayari dahil sa ginagawa niya. Para siyang naging over protective na tatay!

"Kapag may nanakit sa'yo, hindi ko yun mapapatawad! Kahit bola pa 'yan!" Humawak pa siya sa kaniyang dibdib.

Padabog kong kinuha ang bag ko at sinukbit iyon sa aking likod saka siya inilingan. "Kausapin mo na lang ulit ako kapag nasa tama ka ng pag-iisip." Sabi ko at saka siya tinalikuran.

"Hoy, Wolfie! Saan ka pupunta? Hintayin mo 'ko!"

Hinarap ko siya at kinawayan. "Mauuna na ako. Ayaw kong sumabay sa kabaliwan mo."

"Hala! Hoy! Hindi pwede!!" Paghabol niya sa akin nang tuluyan na akong umalis.

Mabilis akong tumakbo para hindi niya masundan. Kamuntikan pa akong mahabol mabuti't nakatakbo agad ako papasok ng building. Kinakailangan kong magtungo sa dorm para kumuha ng salonpas. Kanina pa nananakit ang mga binti ko. Tinodo namin ang training kanina dahil bukas makalawa na ang laban. Mukhang ayaw ni coach na matalo kami dahil gano'n siya ka-istrikto kanina. Panay pa ang pagalit niya kay Freon dahil walang ibang ginawa kundi ang bumuntot sa likuran ko.

Tuloy-tuloy lamang ako sa paglalakad hanggang sa marating patungo sa lugar. Subalit nang papaasok na sana ako sa gusali ay hindi inaasahang may sumalubong sa akin na papalabas kaya naman hindi sinasadyang mauntog siya sa aking dibdib.

THE DEAD GIRL HAS COME ALIVEWhere stories live. Discover now