FENRIZ'S POV
"Nasaan si Mei?" Takang tanong ni Freon sa amin nang marating namin ang canteen.
"Hindi ko alam," Tugon ni Eunecia. "Sasabay ba sila sa'ting magtanghalian ni Wendy?"
Bumalangkas ang inis ni Freon nang mabanggit ang babaeng 'yon. "Pakialam ko kung sasabay sa'tin 'yung babaeng 'yon. T'saka hindi ba't sinabihan na kita na huwag dumikit-dikit sa kaniya?"
Napalabi siya. "Alam mo rin naman na hindi ko magagawang iwasan siya dahil binabalaan niya ako tungkol sa relasyon natin."
Parehong sumama ang mga mukha namin ni Freon at nang magkatinginan ay kaagad kaming napaiwas sa isa't-isa.
Kumuyom ang kamao ko dahil sa kahihiyan sa nangyari sa nakaraang linggo. Huli kong tanda ay ininom ko ang bote ng juice na pinipilit sa akin ni Wendy. Kahit na may paghihinala roon ay hindi ko naisip na may ganoong klaseng droga sa inumin. Ininom ko lang 'yon dahil gustong-gusto ko na siyang patigilin at lubayan ako. Pero isa 'yong malaking pagkakamali.
Dahil nang magmulat ako ang mga mata ay labis ang pananakit ng ibabang parte ng katawan ko at naghahanap ng komportable at magiginhawaang katawan. Ni-lock ako ni Freon sa banyo nang nagdudusa hanggang sa muli akong mawalan ng malay. Hindi ko nga alam kung paano ko parin nagawang um-attend ng klase kinabukasan kahit wala ako sa sarili. Pero pagkatapos niyon ay muli kong naramdaman ang epekto ng droga sa katawan ko kung kaya't ganoon ang eksena namin ni Freon. Hanggang sa dalawang araw akong nilagnat, at unti-unti na ring umayos ang lagay ng katawan ko pagkatapos.
Isang linggo kong hindi nakikita si Mei dahil sa pagkakulong ko sa kuwarto, at ngayong araw ay siya namang hindi nagpakita.
Kaya naman kaming tatlo lang nila Freon at Eunecia ang kumain sa canteen ng tanghalian. Nang makabalik kami sa classroom ay agad na hinanap ng mga mata ko si Mei subalit wala siya doon. Gustong-gusto ko pa namang magsumbong sa ginawa sa'kin ni Wendy! Ngunit natapos ang maghapon na klase na hindi ko man lang siya nakausap. Ganoon din sa hapunan. Kami lang tatlo ang sabay na kumain. Maging si Wendy ay hindi na nagpapakita. Ha! Subukan niya lang talaga!! Para akong dumanas ng impyerno sa nakalipas na mga araw dahil sa kagagawan niya!! AAHH!!
"Patayin ko ilaw ah?" Paghingi ng permiso ni Freon kinagabihan sa dorm.
"Mm," Tanging tugon ko at nahiga sa sariling kama.
Maya-maya lang ay narinig ko na ang paghilik niya, samantalang ako ay hindi na naman dinadalaw ng antok.
Gusto kong makita si Mei...
Minudmod ko ang mukha ko sa malambot na unan. Siya lang ang nasa isipan ko nung mga araw na 'yon... at pakiramdam ko ay ginagawan ko siya ng kasalanan.
Nararamdaman ko ang bawat sakit ng pagpintig ng puso ko. Buong araw ay 'yon ang gumugulo sa isipan ko. Hindi ko namalayan na abutin ako ng madaling araw sa kakaisip. Buong maghapon akong nasa kwarto kasama ang natutulog na si Meiriz. Hindi ako kumain ng lunch, wala akong gana. Hanggang sa dumilim na at napagdesisyunan kong kumain sa hapunan kasama pa rin sina Eunecia at Freon. Gaya kahapon, wala si Wendy at pati na rin si Mei. Nasaan na siya?
"Fenriz Wolf De Calvacante?" Pukaw sa akin ni Sir Dan, kaming dalawa lamang sa classroom.
"Po?" Nagtataka ko siyang binalingan.
"Usap muna tayo sandali," Nakangiting anyaya niya at tumangon naman ako. "Nalalapit na ang laro natin, at ang pinal na napagdesisyunang lalaruin ay soccer."
Nanlaki ang mga mata ko at nagliwanag ang mundo ko. Soccer! Ang sports ko! Lagi akong nanonood ng laro na 'yon sa TV noong nakakulong pa ako sa mansyon at naglalaro kasama ang mga katulong namin!
YOU ARE READING
THE DEAD GIRL HAS COME ALIVE
Mystery / ThrillerMei Yezidi is one of the best students at Murim School. She was killed by her half-sister, Mal Yaotzin, a year ago, but suddenly appeared again at Murim School as a new student. Mei Yezidi wants revenge for what happened in the past. During the proc...