WENDY'S POV"M-Mei, salamat nga pala dahil pinagbigyan mo kami kanina." Nanginginig kong pagka-usap sa kaniya sa loob ng aming dormitoryo.
Sa mga nagdaang linggo ay ngayon lang ako muling tumapak sa aming dormitoryo magmula nang dumating siya sa eskwelahan. Dahil na rin sa alitan namin ni Eunecia kaya mas pinili kong manatili sa sarili kong kuwarto. Ngunit matapos makalikom ng lakas ng loob ay napag-desisyunan kong dito na manatili sa aming dormitoryo.
Araw-araw kong pinagmamasdan si Mei sa kalayuan at batid kong nararamdaman niya iyon dahil lagi niya rin akong tinitingnan pabalik na siya namang kinaiiwas ko. Ngunit dahil sa gingawa kong iyon ay nakumpirma ko na ang sagot sa tanong kung isya ba talaga si Mei.
Ang nakagawian niyang paghawak sa kaniyang noo, paghawi sa kaniyang buhok at pagpikit nang mariin kapag naiinis, lahat iyon ay kuhang-kuha niya. Maliban na lamang sa madalas na pagtabingi ng kaniyang leeg at paraan ng pag-ngisi ay wala nang nadagdag sa mannerism niya. Ngunit hindi ko rin mapagkakaila ang pagbabago ng hulma ng kaniyang katawan, kung kaya't ang madalas sabihin ng lahat ay hindi siya si Mei.
Nanlalamig ang mga kamay ko habang nakatingin sa kaniya. At ngayong alam ko nang siya si Mei... Bilang na ang mga oras ko.
Malamig niya akong pinasadahan ng tingin bago binalingan ang maleta ko na nakaharang sa dinaraanan niya.
"Um... Pasensya na at nakaharang ang mga gamit ko! Kakalipat ko pa lang kasi... aayusin ko muna!" Natataranta akong kumilos.
Narinig ko ang matunog niyang pag-ngisi. "Pagod ka nang magtago sa lungga ni Dean Chicago?"
Natiligan ako sa pagkilos saka sunod-sunod na napalunok. Alam kong noon pa lang, malaki na ang galit niya sa akin bilang anak ni Dean Chicago.
"M-Mei... tungkol sa nangyari noon..."
"Wendy!" Ang kaninang tahimik na si Eunecia ay nagsalita para pigilan ako. May diin ang kaniyang tono at naramdaman ko ang pagtayo niya sa likuran ko.
"Hindi niyo kailangang matakot sa akin." Malamig siyang ngumiti. "Naging kaibigan ko kayo kaya't hindi ko kayo sasaktan." Tumaas pa lalo ang dulo ng kaniyang labi.
Naging kaibigan? Paano ko panghahawakan 'yang sinasabi mo, Mei?
Hindi ako nakaimik nang tuluyan siyang pumasok sa loob ng banyo. Napatulala ako sa pintuan niyon at matunog na napalunok.
"Wendy, wala kang karapatan na buksan ang usapan tungkol sa nangyari noon." Madiing pagsasalita ni Eunecia bago ko siya inisang hinarap.
"Anong ibig mong sabihin? Bakit wala akong karapatan? Sa aming dalawa hindi lang naman siya ang walang magawa noon. Kailangan kong ipaliwanag sa kaniya kung bakit ko siya nagawang talikuran noon!"
"Huwag kang umasta na parang ang linis ng kamay mo, Wendy. Kahit anong pagmamalinis mo, hindi mababago niyon ang nangyari noon!"
Hindi ko namalayan ang pamamasa ng aking mga mata dahil sa namuong emosyon. Hinding-hindi ko malilimutan ang pagiging magkaibigan naming tatlo. Magkasundo kami sa lahat ng bagay at halos hindi na kami mapaghiwalay. Ngunit simula nang magulo ang kaniyang buhay.. kami na rin ang kusang lumayo sa kaniya upang hindi madamay.
Sunod-sunod ang pagbagsak ng aking mga luha. Napuno ng pagsisisi ang aking isip. Sana'y hindi ko siya iniwan noong panahong naghihirap siya at pinagkakaisahan ng lahat. Alam ko sa sarili kong mayroon akong magagawa upang tulungan siya. Ngunit hindi ko iyon ginamit sapagkat masyado akong nadala ng takot. At dahil sa pag-aakala kong titigilan din nila si Mei, hinayaan ko na lamang na mangyari ang lahat ng iyon sa kaniya.
Hindi tulad ni Eunecia, sinubukan niyang saklolohan si Mei nang maraming beses. Ngunit nabigo lamang siya at pinili na ring umiwas sa gulo.
"Noong araw ng katapusan, hindi ba't alam mo na rin kung anong mangyayari, Wendy?" Pagsasalita niya pa. "At ang hindi ki maintindihan ay kung bakit mo iton tinago sa aming dalawa ni Mei." Nagtatanong siyang tumitig sa mga mata ko."Ang akala ko ba ay magkakaibigan tayo, ha? Lahat ginawa ni Mei para maprotektahan ka noon pero ni hindi mo siya kayang maipagtanggol kay Dean Chicago! Sa ating dalwa, ikaw ang may mas kayang gawin pero wala ka paring ginawa! At kung makaasta ka kanina ay parang gusto mo pa ibalik ang nakaraan nating tatlo? Maging ang nananahimik kong buhay ay tatakutin mo para lang sa mga eskema mo?"
Mariin akong napalunok at nagbaba ng tingin. "Mali ka ng iniisip, Eunecia. H-Hindi ba't pwede namang magsimula ulit?" Nanginig ang aking mga labi at nagsimulang mangilid ang aking mga luha. "Bakit hindi natin subukan?" Nag-angat ako ng paningin sa kaniya.
Mapait siyang umiling. "Subukang kaibiganin si Mei kahit na hindi talaga tayo sigurado sa kung sino siya at ang pakay niya? Nababaliw ka na ba talaga? Ni hindi pa nga tayo humihingi ng kapatawaran sa kaniya?!"
"Edi mag sorry tayo sa kaniya, Eunecia! Gawin natin ang lahat para bumalik ang lahat sa dati!"
"Ano bang hindi mo maintindihan, Wendy? Kailangan pa bang ulit-ulitin ko?" Gumalaw ang panga niya at nauubusan ang pasensya akong tiningnan. "Naipakita na natin sa kaniya na hindi tayo totoong kaibigan. Kung hihingi tayo ng kapatawaran, mapapatawad niya ba tayo? Ilang beses siyang nagmakaawa ng tulong! Pero anong ginawa natin bilang kaibigan niya? Hindi ba't tinakbuhan lang natin siya? Para saan pang ibabalik ang pagkakaibigan nating tatlo? Kung nung una pa lang ay tayo itong tumalikod para hindi madamay sa gulo!?"
Sunod-sunod ang paglunok ko. Hindi ko matanggap sa sarili na tama ang lahat ng sinabi niya. "Pero gusto kong makabawi sa lahat ng kasalanan ko kay Mei!"
"Makabawi? Bakit? Dahil guilty ka? Dahil kahit isang tulong ay pinagkait mo pa sa kaniya!" Tumaas ang kaniyang boses. "Ang unfair niyon sa kaniya, Wendy. Isipin mo ang lagay nito kay Mei!"
"Natatakot ako dahil sa biglaang pagkabuhay ni Mei." Malungkot niyang saad at tinitigan ako sa mga mata. "Pero ikaw? Mukhang natatakot ka sa kung ano ang gagawin niya sa atin ngayong nagbabalik siya."
"Eunecia.. h-hindi naman sa gano'n--"
Naputol ako sasabihin ko nang lumabas mula sa banyo si Mei. Tumutulo ang tubig mula sa kaniyang buhok at nakatapis lamang siya ng puting twalya. Bumilis ang paghinga ko dala ng kaba. Unti-unting humarap siyang humarap sa aming dalawa ni Eunecia.
"Nag-aaway ba kayo?" Pagtatanong niya.
Napalunok ako at nakagat ang ibaba kong labi. "M-Mei.. sorry." Nakurot ko ang mga daliri. "Patawarin mo ako sa lahat ng nagawa ko! Mei.." Nagsusumamo kong pakiusap.
Bumaling naman siya sa akin at tinabingi ang sariling ulo. Tumaas ang gilid ng kaniyang labi at tumugon. "Kung mababago ng sorry ko ang nangyari noon, sige papatawarin kita."
Tumalikod siya at pumuwesto sa sarili niyang kama habang si Eunecia ay pumasok sa banyo. Naiwan akong nakatayo at palihim na binura ang aking emosyon. Ganoon na lang ang paglabas ng dugo sa aking labi sa diin ng aking pagkakakagat. Mei...
Fritzyland | Thank you for reading!
YOU ARE READING
THE DEAD GIRL HAS COME ALIVE
Mystery / ThrillerMei Yezidi is one of the best students at Murim School. She was killed by her half-sister, Mal Yaotzin, a year ago, but suddenly appeared again at Murim School as a new student. Mei Yezidi wants revenge for what happened in the past. During the proc...