FENRIZ'S POV
Mabilis tumakbo ang oras. Nagising ako kinaumagahan nang mayroong naghalong excitement at kaba sa'king nararamdaman. Ngayon na magaganap ang una naming laban! Kung papalarin kaming manalo ay makakalaban kami sa championship! At kung manalo rin kami... mapapatunayan ko na ang sarili ko kay Mei! Sa nagdaang dalawang araw ay hindi ko na ulit siya nakausap. Kahit na gano'n ay malaking ngiti akong bumangon sa higaan at mabilis na nag gayak ng sarili. Ganoon din si Freon na bumabakas ang excitement sa kaniyang kilos. Panay kasi ang sayaw at kanta niya sa harapan ng salamin habang nagsusuot ng jersey na ipinatahi nakaraan pang linggo.
"Wolfie, tandaan mo na lagi lang akong nasa likuran mo ah?" Ngiting sabi niya. "Kapag nadapa ka, akong bahala sa'yo! Hahahahaha!"
Binato ko siya ng suklay. "Hindi ako lampa!" Napabuga ako ng hininga at sinuot ang aking jersey. Napangiti ako nang matitigan ang suot kong kwintas na galing pa kay Mei-Mei noon. Hanggang ngayon ay hindi ko ito tinatanggal.
"Kailangan mo 'yang tanggalin ngayon." Pagsasalita ni Freon at napatingin ako sa kaniya.
"Bakit? Ayaw ko nga!"
"Bawal magsuot ng kahit anong abubot sa field. Gusto mo bang mahatak 'yan at masira habang naglalaro? Tsk!"
Napanguso ako at napatingin ulit doon. Kung gano'n ay kailangan ko itong tanggalin. Ano ba 'yan! Hayst! Hindi bale, manonood naman si Mei Mei mamaya! Para akong nangingisay sa kilig habang tinatanggal ang kwintas at maingat iyong nilagay sa loob ng hunos. Ang importante ay manonood ang nagbigay nito sa akin mamaya! Kailangan kong magpakitang gilas, gusto kong matuwa siya sa akin!
"Mauuna na akong umalis sa'yo, Wolfie. Pupuntahan ko pa si Eunecia." Pagpapaalam ni Freon.
Tumango na lang ako at sinundan siya ng tingin palabas ng kwarto. Bumalik naman ako sa pag-aayos ng sarili at sinilip si Meiriz sa ilalim ng aking kama kung saan siya natutulog. "Meirz? Laban na ni daddy! Wish me luck, ah?" Hinalikan ko siya sa noo at narinig ang parang-motor niyang tunog.
Ngiting-ngiti akong tumayo at sumulyap pa sa salamin bago tuluyang umalis. Nilanghap ko ang simoy ng hangin at taas noo'ng naglakad habang nililibot ang lugar. Nagkalat na ang mga cheerleaders sa labas na nakasuot ng maiikling palda at hapit na hapit na tube. Pumasok naman ako sa loob ng gymnasium at bumungad sa akin si Freon na galit ang mukha habang kausap si Eunecia.
"Bakit ganyan kaiksi ang binigay sa inyo?" Galit niyang anas.
"H-Hindi ko rin alam! Hindi ako komportable... pero anong magagawa ko? Alangan namang hubarin ko 'to? Gusto mo ba akong sumayaw nang walang suot?" paliwanag ni Eunecia.
Nasapo ni Freon ang noo. "Alam mo namang maraming manyak dito! Kapag nakita ka ng Rhett na 'yon o kahit na sino at matripan ka?! Makakapatay talaga ako nang wala sa oras!!"
Nanlaki ang mga mata nito. "Sa dinami-dami ng babae dito sa cheering, hindi naman siguro ako ang mapagdidiskitahan!"
"Argh!! Puwede bang mag-back out ka na lang?!" Namumula na sa galit si Freon.
"Hindi nga pwede!!" Napailing naman ako at lumapit sa gawi nila. "Alam mo namang mapapagalitan ako..."
Inakbayan ko si Freon at galit niya akong sinulyapan. "Ano?!"
"Kalma lang," Ngisi ko at bumaling kay Eunecia. "Kung tutuusin ay hindi naman gano'n kaiksi ang suot niyo. Mukha rin namang nadadala mo ng maayos. Hayaan mo na 'tong si Freon, na-insecure lang dahil baka maagaw ka ng iba. Hahaha! "
YOU ARE READING
THE DEAD GIRL HAS COME ALIVE
Mystery / ThrillerMei Yezidi is one of the best students at Murim School. She was killed by her half-sister, Mal Yaotzin, a year ago, but suddenly appeared again at Murim School as a new student. Mei Yezidi wants revenge for what happened in the past. During the proc...