CHAPTER 26

395 48 8
                                    

FENRIZ'S POV

Tanaw-tanaw ko ang mga ulap na tinatakpan ang bilog na buwan mula sa labas ng bintana. Iilang mga bituin lamang ang nagpapakita sa kalangitan. Naroon sa kanila ang paningin ko ngunit para bang nakikita ko roon ang imahe ni Mei. Napakabigat ng pakiramdam ko nang dahil sa pangyayari kanina. Halos buong araw ko siyang hindi nakasama dahil kinailangan niyang pumunta sa punishment room. Gusto kong magtiwala sa sinabi niyang babalik siya. Pero hindi ko maiwasang hindi mangamba! Paano na lang kung hindi na siya makabalik? Paano na lang kung...

Iisipin ko pa lang ay nanghihina na ang loob ko! Naiinis din ako kay Dean Chicago! Ano bang klaseng pamumuno ang ginagawa niya dito?! Kung meron lang akong magagawa...

Mariin akong napapikit at nagpakawala ng mabigat na hininga. Bukas ba ay babalik na si Mei Mei? Makikita ko bang nasa maayos siyang kalagayan?

"Gabi na, bakit 'di ka pa matulog?" Nabaling ang paningin ko kay Freon. Nakahiga na siya sa sariling kama at halatang antok na antok na.

Napahilamos ako ng mukha at matamlay ang mga matang tumanaw muli sa labas ng bintana. "Ikaw? Bakit 'di ka natutulog?" Balik kong tanong sa kaniya.

Narinig ko ang buntong-hininga niya. "Hinihintay lang kitang matulog. Maaga pa ang klase bukas. Malamang ay todo-todo na naman ang training."

"Hindi pa ako dinadalaw ng antok." deretso kong tugon.

Nakita ko siyang nahiga sa sariling kama habang nakatagilid at sa akin ang tingin. "Hindi ka dinadalaw ng antok, dahil si Mei ang dumadalaw sa isip mo."

"Psh," Sininghalan ko lang siya at hindi na nagsalita pa. Tiningala ko na lang ang mga bituin sa labas ng bintana. Wala akong kagana-gana. Hindi mawala sa isip ko si Mei.

Ano na kayang nangyari sa kaniya? Ayos lang ba siya? Nakakain na kaya siya?

Nasa kalagitnaan ako ng malalim na pag iisip nang mayroon akong mamatnaan na falling star. Napaintag ako sa gulat at nagmamadaling humanap ng kahilingan. Ipinit ko pa ang mga mata ko habang humiling sa aking isipan. Sana, sana bukas nandito na siya. Malalim akong nagpakawala ng hininga. Mga bata lamang ang mga humihiling sa bituin. Psh! Alam ko namang hindi iyon totoo, pero umaasa pa rin ako.

Nang balingan ko si Freon ay nakapikit na ang mga mata niya at humihilik ng mahina. natutulog habang nakanganga ang bibig. Mabigat ang katawan ko na nahiga sa aking kama. Pinilit kong ipikit ang mga mata hanggang sa magdilim ng tuluyan ang lahat.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Ito na yata ang pinakamaaga kong gising sa lahat. Nag-ayos ako ng sarili, halos ubusin ko ang pabango sa katawan. Iniisip ko pa lang na nandoon si Mei Mei sa classroom ay hindi na ako mapakali!

"Oy! 'Wag kang mang-iwan. Sabay na tayo pumasok!" Sigaw ni Freon.

Sumama ang mukha ko. "Ang bagal mong kumilos! Mauuna na ako."

"Luh!"

Hindi ko talaga siya hinintay. Excited akong pumunta sa kabilang building at pumasok sa classroom. Sana nandoon na siya! Maagang pumapasok si Mei-Mei. Laging siya ang una sa classroom at makikita mo na lang na nagsusulat na siya sa notebook kahit wala namang lectures!

Nagmadali ako sa paglalakad. Halos takbo-lakad ang ginawa ko na maging ang maayos kong buhok ay nagugulo na. Tinuloy ko ang pag-akyat sa hagdanan at nagtungo agad ako sa classroom. Halos magkandarapa ako sa pagbukas ng pintuan nito! Ngunit parang gumuho ang mundo ko nang makitang blangko ang classroom. Wala pa ang mga kaklase ko at... wala si Mei.

Naghintay ako sa kaniya buong araw. Hindi ako nakinig sa mga tinuturo. Ang minuto ay naging oras na wala siya. Hindi ako sanay na makitang blangko ang upuan niya. Nakakapanlumo! Namimiss ko na siya agad.

THE DEAD GIRL HAS COME ALIVEWhere stories live. Discover now