CHAPTER 45

470 57 11
                                    

FENRIZ'S POV


HABOL ko ang sariling hininga nang siya na ang kumawala sa aking mga labi. Bawat pagsikdo ng aking puso ay damang-dama ko sa'king dibdib. Unti-unti akong nagmulat ng mga mata at unang bumungad sa akin ang mapula niyang mga labi. Hindi rin nakatakas sa pandinig ko ang mahina niyang paghahabol ng hininga at kung paano siya hinihingal. Marahan kong hinaplos ang ibabang niyang labi at para bang hindi makapaniwala sa nangyari.

Nang magtama ang paningin naming dalawa ay mabilis siyang nag iwas ng paningin sa akin. Sa simpleng ginawa niyang iyon ay parang natutunaw ang puso ko! Hinigit ko siya papalapit sa akin hanggang sa masubsob ang mukha niya sa dibdib ko. Ganoon ko na lamang siya niyakap ng mahigpit habang patuloy na nakakaramdam ng kakaiba sa dibdib ko! Hindi ko mapaliwanag bagaman ito ang unang pagkakataon! Binaon ko pa ang aking mukha sa kaniyang leeg.

"Wala nang bawian 'yan ah?" Paniniguro ko pa sa kaniya sa kabila nang paghikbi ko.

Napapikit ako nang maramdaman ang mahigpit na pagyakap niya sa akin pabalik. Ang yakap niya ay kasing higpit at kasing init ng pagyakap ko sa kaniya! Please lang, kung nananaginip lang ako ngayon, huwag na sana akong magising.

"Hmm..." padaing niyang tugon.

Kumibot ang aking mga labi. "Kung gano'n, hindi na kita liligawan. Gusto ko tayo na!"

"Hmm..."

Halos mapunit ang labi ko sa sobrang pagkakangiti samantalang mamasa-masa ang mga mata ko. Humiwalay ako ng yakap upang harapin siya. H-Hindi ako makapaniwala! Tinitigan ko ang mga mata niya at walang kasing sarap ang mga titig niya sa akin sa sandaling ito! N-Nararamdaman ko ang pagiging sinsero niya. Gusto niya ako! Gusto ako ng babaeng mahal ko!

"Mei..." hinaplos ko ang pisngi niya na mayroong galos nang dahil sa ginawa sa kaniya kanina. "Pahalik ulit?"

Unti-unting tumamis ang mga ngiti ko nang punasan niya ang luha ko gamit ang daliri niya. Ibang iba ang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko ay mayroong parte sa katawan ko ang bagong silang at buhay na buhay!

Walang anu-ano'y siniilan ko muli siya ng halik. Naramdaman kong natigilan siya sa ginawa ko ngunit hindi iyon dahilan upang tumigil ako. Sa bawat paggalaw ng aking labi ay nararamdaman ko kung gaano kalambot ang mga labi niya. Walang tigil ang pagtibok ng puso ko na para bang sinisigaw niyon ang pangalan niya. Mas siniil ko ang kaniyang labi na para bang pagmamay ari ko na iyon. Tanging ang ulo ko lamang ang gumagalaw sa aming paghahalikan at iginagaya siya sa tamang galaw ng aming mga labi. Naramdaman ko ang bahagya niyang pagtugon sa akin at para bang nasa kalangitan na ako ngayon!

"DAMN!!!"

Naudlot bigla ang aming ginagawa nang marinig ang boses na iyon. Malakas akong tinulak ni Mei Mei dahilan nang aking pagkawalan ng balanse at pagkahulog sa lupa! Aray!

"F-Freon..." nagugulat niya pang usal nang makita namin si Freon sa likuran at bakas na bakas din ang pagkagulat sa mukha.

Nakagat ko ang ibabang labi at napaangat ng tingin kay Mei. May malaking ngiti akong tumayo saka lumapit sa kaniya, hindi inabala ang sakit ng katawan ko. Ipinulupot ko ang aking mga braso sa kaniyang baywang mula sa likuran habang nakatingin kay Freon kasalukuyang nakaawang ang mga labi at panlalaki ng mga mata, gayundin ang butas ng kaniyang ilong.

"Tangina anong ginagawa niyo? Anong klase ng espiritu ang sumapi sa inyong dalawa at huling-huli ko kayong naghahalikan dito sa gubat!!! Kung may makakita pa sa inyong iba--ewan ko na lang talaga!!!"

Napatawa ako sa kaniya at hinigpitan ang yakap kay Mei Mei. "Freon, kami na ni Mei!"

"Shh! 'Wag kang sumigaw baka may makarinig!"

THE DEAD GIRL HAS COME ALIVEWhere stories live. Discover now