CHAPTER 53

427 42 0
                                    

Unedited


MEI'S POV


Umihip ang malakas na hangin at binalot ng lamig ang buong paligid. Ang tunog ng mga dahong kumakaliskis sa mga puno ang siyang namayanig at wala ni isang boses ang maririnig. Deretso at walang emosyon kong nilalabanan ang nakalolokong titig sa akin ni Mal. Sa mga mata niya ay pawang naglalaro ang 'di malilimutang alaala ng aking nakaraan.

Nakakabingi ang katahimikan ngunit nababasag iyon sa tuwing tumatama ang pala sa putikan. Hindi lamang si Vee ang siyang naghuhukay, tumutulong na rin ang iba pang mga estudyante at nagmamadali silang gawin iyon. Bumawi ako ng titig kay Mal at nilibot ang aking paningin sa kabuuan ng lugar. Ganitong-ganito ang mga mukha na nakikita ko noon. Ganitong-ganito ang itsura at panahon. Halos walang pinagkaiba subalit may iilan lamang ang hindi ko ngayon nakikita.

Suminghap ako ng hangin at pinakawalan ito, pakiramdam ko ay mas lalo pang lumamig ang paligid. Ang mga palad ko ay nanlalamig at pakiramdam ko'y naninigas ang aking mga tuhod. Bumibilis ang pagtibok ng puso ko at rinig na rinig ko ang bawat kabog nito.

Napapikit ako upang pakiramdaman ang aking sarili.. Ngunit sa pagbalot ng kadiliman ay isang alaala ang lumiwanag sa aking isipan..

Alaala ng aking nakaraan...

Nagpakawala ako ng maginhawang hininga nang mapreseso na ang reyalidad. Bumalik ang tunog ng mga palang tumatama sa putikan, ang kaniya-kaniyang bulungan ng mga estudyante ay gumagawa ng mga ingay. Nang matitigan ko ang hukay ay malapit na itong mangalahati.

Ilang segundo pa lamang ay naagaw na ni Mal ang atensyon ko. Pinatunog niya ang kaniyang leeg at ngingising matalim ang pagkakatitig sa akin. Maging ang mga daliri niya sa kamay ay pinatunog niya habang hindi pa rin nagbabago ang paraan ng pagkatitig sa akin.

Wala pa man ay nararamdaman ko na ang nagliliyab niyang galit sa akin. Nilabanan ko ang mga titig niyang iyon nang blangko ang emosyon, sadyang wala akong maramdamang kahit ano ngayon. Nakita at naranasan ko na ang galit niya noon, batid kong nadoble pa ngayon.

Mapakla siyang napatawa. "Isn't it funny? Mei Yezidi, ang nag iisang kapatid kong babae---oh wait!" Napabulalas siya ng tawa. "Oh shit! Hahahaha! Nag iisang kapatid lang ba kita? I'm not really sure?"

Palihim akong napalunok at naikuyom ang aking kamao. Nasa sa kaniya na ang atensyon ng lahat at nasa amin ang tensyon. Hindi ko binawi ang pagkakatitig ko sa kaniya at pinapanood lang ang bawat galaw na isinasagawa niya.

Ilang beses siyang humakbang at pabalik-balik na naglakad sa kaniyang kinapupwestuhan, kalapit ng hukay. Umaakto siyang nag iisap at para bang may inaalala habang nakatingala sa kalangitan.

"I am wondering.. bakit wala ni isa sa inyo ang nagtatanong kung bakit ganoon na lang ang galit ko sa kapatid kong si Mei." Binaba niya ang ulo at isa-isang pinagtuturo ang mga estudyanteng nakapalibot lamang sa amin. "You, you, and you! Hindi niyo ba ako tatanungin? No one? Pfft hahahahaha! Fuck you all people!"

Pinanood namin siyang humahalakhak, napapahawak siya sa kaniyang tiyan subalit hindi iyon ang kaniyang totoong tawa. Umiling-iling siya at muli akong binalingan.

"Mei! Do you think everyone here is fucking sick? Because I'm thinking the same way! Hahahahaha!!" Muli niyang bulalas. "Lahat kayo'y alam na galit ako sa babaeng 'to!! But you don't even know why?!! No one's asking! No one's gossiping about it! Ang alam niyo lang ay galit ako sa kaniya!" Napasabunot siya sa kaniyang buhok at napapailing na tumatawa. "Why? Was it because I'm jealous of her? Am I doing this because I just hate her? Am I doing this because she's the favorite one?! Am I doing this because she's weak? Because she's nothing but trash? Because she's just Mei? Hell YES! But there's one thing that I am trying to keep a secret which was the freaking reason why I'm so mad about her!"

THE DEAD GIRL HAS COME ALIVEWhere stories live. Discover now