FENRIZ'S POV
Pagkatapos kong matiis ang tensyon sa loob ng classroom na 'yon ay dumeretso kaagad ako sa kaliwang building. Nakakapanibago ang mga itsura ng mga tao rito. Kung makatingin sila para ka nilang babalatan ng buhay. May galit kaagad sa akin kahit wala pa akong ginagawa! Mukha ba akong mayabang?
Lalo na 'yung babae na katabi ko sa upuan! Bakit tingin siya nang tingin sa akin? Para siyang walang pake kahit naiilang na 'ko. Shameless! Mas napahiya pa ako dahil sa kaniya!
Nang mahanap ko ang dorm ko ay bumungad sa akin ang isang lalaki na nakahubad ang pang-itaas na damit. Nagtama ang paningin naming dalawa at pinaningkitan niya ako ng mga mata. Bahagya akong napaintag sa itsura niya. Kayumangi ang kulay ng balat niya at may mga peklat ito sa iba't-ibang bahagi ng katawan niya. Ang gupit ng buhok niya ay pang military.
Binawi ko ang reaksyon ko at malumanay na ngumiti. Kailangan ko ng kaibigan kahit papaano! Naglakad ako at huminto sa harapan niya.
"It's nice to meet you, I'm Fenriz DeCavalcante. I guess we're gonna be roommates from now on." Nilahad ko ang kanan kong kamay.
May pagkapandak siya para sa isang lalaki kaya naman nakatingala siya sa akin. Nag-aalanganin niyang tinanggap ang kamay ko. "Freon pangalan ko. Magkaklase tayo."
Namilog ang labi ko. "Oh? G-Gano'n ba?" Natikom ko ang bibig ko.
Kakapasok ko pa lang sa unang klase pero parang mainit na ag dugo ng mga kaklase ko sa'kin. Gano'n din kaya siya?
"Anong height mo?" Biglaan niyang tanong habang nagsusuot ng puting sando.
"Five-nine." Simple kong tugon at minasid ang dalawang magkaharap na double-deck na kama. Maliit lang kwarto, saktong-saktong sa apat na katao. "Saan ang bakanteng kama?"
"Parehong taas na kama bakante. Kamamatay lang ng dalawa nung nakaraang buwan."
"..."
Bahagyang bumuka ang labi ko at muli siyang binalingan para alamin kung nagbibiro lang siya. Nang makitang seryoso ay napakamot ako sa ulo. "C-Condolence."
"Tsk, anong condolence? Sinubukan nga nila akong patayin nakaraang katapusan. Dapat lang sa kanila 'yon dahil traydor sila at pumanig sa grupo ni Rhett. Bago ka lang dito, kaya mag-ingat ka sa mga sasalihan mong barkada. Baka matulad ka sa dalawang 'yon." Umiling-iling siya. Hindi ko naman naintindihan ang kwentong pinaghuhugutan niya.
Patay?
Nalukot ang mukha ko, puno ng pagtataka at kuryosidad. Gusto kong itanong kung anong nangyari pero nag-aalinlangan akong mangialam. Isa pa, normal lang siguro na may ibang estudyante ang gumamit ng martial arts para makapanakit ng iba?
"At saka, kung ayaw mong unang mamatay, umiwas ka sa katabi mo sa upuan sa klase." dagdag niya pa.
"Ano?" Hindi ko naproseso ang sinabi niya. Pero anong mamatay ng maaga?
Tuluyang nangunot ang noo ko at puno ng pagtatanong na tumitig sa kaniya. Pero imbes na klaruhin niya ay kumuha siya ng puting tuwalya at naglakad patungo sa maliit na banyo sa loob ng aming kwarto.
"Sa dinami-daming araw, bakit ngayon mo pa naisipang pumasok sa eskwelahan na 'to? Bukas na ang katapusan, paniguradong hindi mo kakayanin." Seryosong-seryosong anas niya.
"Ha?" Lukot na lukot na ang mukha ko sa pinagsasabi ng isang 'to.
Nang makita niya ang itsura ko ay bumakas ang panghihinayang sa mukha niya at umiling-iling ng ilang beses bago tuluyang pumasok sa banyo.
YOU ARE READING
THE DEAD GIRL HAS COME ALIVE
Mystery / ThrillerMei Yezidi is one of the best students at Murim School. She was killed by her half-sister, Mal Yaotzin, a year ago, but suddenly appeared again at Murim School as a new student. Mei Yezidi wants revenge for what happened in the past. During the proc...