CHAPTER 13

574 60 0
                                    

FENRIZ'S POV


"Mei-Mei!" Para akong papel na naglalakad patungo kay Mei papalabas ng building ng dorm. "Mei-Mei..."

Ang walang emosyon niyang mukha ay napalitan ng pagtataka. "Mei-Mei? Ba't mo inuulit ang pangalan ko?"

"Eh? Never ka bang nakarinig ng nickname? Psh!" Napanguso ako. "Huhu! Sakit ng katawan ko sa training ni Sir Dan kanina! Hindi ko na maangat mga braso ko!"

Pinakita ko pa sa kaniya na nahihirapan akong itaas ang mga braso ko habang naiiyak ang mga mata. Noong una akong tinuruan ni Sir Dan na humawak ng kampilan ay napaka-excited ko, pero hindi ko alam na ganito pala ang resulta! Sobrang ngalay na ngalay ang mga braso ko at gano'n na lang kahirap ang kumilos.

Napailing siya. "Sa tingin ko'y mas babagay sa'yo ang paggamit ng pana at palaso kaysa sa kampilan."

"Haa? Pero malapitan ang patayan. Bago ko pa mapitik 'yung pana, nahati na ako sa dalawa!"

"Tsk! Para saan pa't nandito ako para isipin mong may makakalapit sa'yo?" Malamig niyang tanong at nagsimulang maglakad sa hall way.

Napaubo ako at sumabay sa paglalakad sa kaliwa niya. "Mas madali sana kung may mga baril. Bakit bawal ang mga baril?"

"Isipin mo na lang na maingay ang mga baril at gusto ng katahimikan ng Murim." Psh! Siguro ay sa oras na gumamit ng mga baril ang school na 'to ay mabubunyag ang mga pinag-gagagawa nito sa gobyerno.

Nang marating namin ang classroom para umattend ng last subject ay nabaling ang atensyon ng aming mga kaklase sa aming dalawa ni Mei. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang pagtalim ng mga mata ni Mei bago bawiin ng mga kaklase namin ang atensyon nila sa aming dalawa.

Napansin ko lang na sa nagdaang dalawang linggo ay unti-unti nang nagiging mtapang ang mga estudyante pagdating sa pagtrato kay Mei. Noong una akong dumating dito ay halos hindi sila makahinga, pero ngayon ay lumalakas na ang loob nilang tumitig sa kaniya. At alam kong napansin din 'yon ni Mei. Dahil narinig ko ang sinabi niyang---"Talagang hindi sila matututo hanggat hindi paulit-ulit na tinuturuan ng leksyon."

Mabuti na lang ay kakampi niya 'ko! Ewan ko ba ag malakas ang pakiramdam ko na nasa tama akong landas. Siguro epekto 'to ng pagligtas niya sa'kin sa bingit ng kamatayan. Sino ba namang tao ang magliligtas ng buhay ng isang baguhan na gaya ko?

Sumunod sa ako kay sa pag-upo sa upuan sa likuran kung saan kami nakapuwesto. Nanatili siyang nakaupo ng deretso habang hinihintay pa ang guro. Napakalumbaba naman ako habang tinitingnan siya. Gusto ko sanang ipaalam sa kaniya kung ga'no ka-awkward matitigan! Pero hindi ko inaasahan na tataas pa ang sulok ng labi niya saka ako sinulyapan sa paraan na nang-aasar!

Gusto ko sanang mag-reklamo dahil na-misunderstood niya. Pero naputol lamang iyon nang may biglaang bumato ng papel sa ulo ko.

Nag-angat ako ng paningin at naglinga-linga bago makita si Freon mula sa kabilang row ng upuan. Sinenyasan niya akong lumapit sa kaniya. Ipinagpag niya pa ang katabi niyang upuan na parang doon ako pinapaupo. Tumaas ang isa kong kilay. Hindi ba't si Eunecia ang nakaupo ro'n?

Umiling-iling ako bilang tanggi. Ngunit patuloy siya sa pagsenyas sa akin na at pinagpipilitang maupo sa kaniyang tabi. Muli akong umiling-iling.

"Hindi ka ba lilipat ng bangko?" Nagulantang ako sa tanong ni Mei.

"H-Ha?"

Napalunok ako. Hininto niya ang pagsusulat saka bumaling sa akin nang may malamig na tingin.

THE DEAD GIRL HAS COME ALIVEWhere stories live. Discover now