CHAPTER 24

384 49 3
                                    


MEI'S POV

"Um," Wari'y natatakot na lumapit sa akin si Wendy. "Mei,"

Hininto ko ang pagsusulat sa aking kuwaderno at deretsong tumingala sa kaniya upang masalubong ang mga mata niya. Umayos ako ng upo.

"Hm?"

Napapikit siya at napayuko. "K-Kasi si Da--Dean Chicago..." Napalunok siya. "Pinapatawag ka niya sa punishment room."

Sinarado ko ang kuwaderno at ibinaba ang hawak na ballpen. Maingat ko itong pinasok sa itim kong bag.

"P-Pupunta ka ba, Mei?" Pinakita niya ang pag-aalala sa kaniyang tinig at mukha.

Sarkatisko ko siyang tiningnan. "Natural. Hindi ba't kasasabi mo lang na pinapapunta ako?"

"P-Pero... hindi ba't paparusahan ka do'n? W-Wala ka namang kasalan, hindi ba?"

"Ano ngayon sa'yo?"

Nangilid kaagad ang mga luha sa dalawa niyang mata. "M-Mei, syempre kaibigan kita... kaya nag-aalala ako."

Tinaliman ko siya ng tingin dahil sa narinig at 'di masikmurang akto niya. Talaga namang doble ang pagmumukha ng babaeng ito.

Magsasalita sana ako nang lumapit sa amin ang grupo nila Vee. Masama ang tingin sa akin ngunit may mga ngisi sa labi. "Kaibigan mong killer?!" Sigaw ni Vee kay Wendy. "Really, Wendy? Puwede bang huwag kang maging balimbing at kilalanin kung kanino ka papanig?! 'Yang babaeng 'yan ay lumabag na sa batas ng ilang beses kahit mag-iisang buwan pa lang siya rito!"

"Huwag ka ngang makisali sa usapan!" pagsigaw ni Wendy sa kaniya. "Ayaw ko lang ng away, Vee. Umalis ka rito!"

"Duwag!" Tinulak pa si Wendy dahilan upang mapaatras siya.

Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang aming mga kaklase na nagsisipagdatingan at nanonood sa aming tatlo.

Malamig kong tiningala si Vee na ngayon ay nakangisi sa akin. "Mei Yezidi, huh?" Mayabang niya akong pinasadahan ang tingin. "Akala mo ba espisyal ka rito? Palibahasa ay dinadaan-daan mo kami sa mga laro mo ay iniisip mong malaya ka nang magagawa lahat ng gusto mo nang walang limitasyon? Gano'n ba? Hahaha! Sinong nagmumukhang talunan ngayon, Mei Yezidi? Sino nang natatakot sa'yo?"

Humakbang ako ng tatlong beses upang harapin siya subalit awtomatiko siyang napaatras at napaintag. Natatawa akong suminghal. "Ngayon alam mo na kung sinong natatakot parin sa'kin?"

Nagsalubong dalwa niyang kilay at nagkiskisan ang knaiyang mga ngipin habang tinataliman ako ng tingin. "Wala ka nang puwedeng gawin ngayon, Mei! May nilabag kang batas, kaya dapat mo 'yong panagutan! Hindi ba't katumbas na kaparusahan sa ginawa mo ay ang ulo mo? HAHAHA!! Ano ka ngayon?!!"

"Tumigil ka nga, Vee!" Sumigaw si Wendy. "Hindi ikaw si Dean Chicago para magpakalat ng ipaparusa sa kaniya dahil unang-una, hindi pa kumpirmado na siya ang mag gawakina Ashlee at Rimmon niyon!"

"Oh fuck that, Wendy!! Talagang nagbubulag-bulagan ka pa?! Nagtatanga-tangahan?? Wala nang iba pang gagawa ng bagay na 'yon kundi siya lang!! Dapat maputol ang ulo niya dahil sa ginawa niya---"

"Sino ka para sabihin kung anong nararapat?! Hindi ba't noong kayo ang lumabag sa batas----isang taon na ang nakakalipas ay walang nangyaring parusa sa inyo?!" Ganoon na lang ang galit sa mukha ni Wendy kasabay ng pamumula ng kaniyang buong mukha. Subalit bigla siyang natauhan sa nasabi at kaagad natakpan ang kaniyang bibig, nagugulat na bumaling sa akin. "P-Pasensya na, Mei... H-Hindi ko sinasadyang ibalik iyon..."

THE DEAD GIRL HAS COME ALIVEWhere stories live. Discover now