CHAPTER 50

492 56 11
                                    

Unedited

MAL'S POV


Bumuhos ang napakalakas na ulan at binalot nang lamig ang buong lugar dahil sa lakas nang hampas ng hangin. Ang kalangitan ay walang kasing dilim na maging buwan ay hindi na matatanaw maging ang mga bituin, walang kasing lalim ang gabi.

Mula sa bintana ng dorm namin ay pinagmamasdan ko ang nagsisipag takbuhang mga estudyante sa silong habang kasalukuyang nagkakagulo. May kani-kanilang away ang nagaganap sa pagitan ng mga magkaibang panig. Ang iba'y nakikisali sa gulo na nauuwi sa rambulan habang ang iba nama'y panay na ang takbo upang makaiwas.

Napangisi ako nang nakaloloko at natutuwa silang pinagmamasdan. Sapak dito, sipa roon, kung sino-sino na ang natatamaan at para bang wala na silang pakialam sa kung sinuman ang madadamay.

"Whoa! Look at the mess you started, Mal." Namamangha at ngingiting sambit ni Vee sa aking kanan. Gaya ko ay pinapanood niya rin ang nangyayari.

Lalo pa akong napangisi at bahagya kong hinilot ang aking leeg na ngayo'y kumikirot sa sakit. "Yeah right. Now we must continue this mess before anything else."

"What's your plan?" Ngunot niyang tanong sa akin. "Kamuntikan ka nang malagutan nang hininga kanina. Sa kamay pa mismo ng kapatid mong si Mei. What happened, Mal? Ang akala ko ba'y kaya mo ang Mei na 'yan? Kung hindi dahil sa'kin ay paniguradong ikaw ang paglalamayan ngayon."

Nagtiim bagang ako at naikuyom ko ang isang kamao habang ang tingin ay nasa labas ng bintana pa rin. "I did not expect it, Vee. It's too imposible but it happened! She's fucking stronger than before! Triple ang dinagdag ng lakas niya!"

Nagpakawala ako nang marahas na hininga at matalim siyang tinitigan. "Hanggang ngayon hindi ko pa rin mahuhulaan kung ano ang nangyari sa kaniya 8 months ago. How was that even possible? Pagkatapos ng mga tinamo niyang sugat at sira sa katawan noon ay nakabalik siya rito nang maayos, na para bang walang nangyari! And she's a lot stronger that she nearly kill me! How was that possible?!"

Napasipa ako sa kama sa sobrang inis. Napaatras naman si Vee sa akin at seryoso akong tinitigan. "Hindi pa ba oras para alamin natin ang nangyari sa kaniya? Siya lang ang nakakaalam at makakapagsabi no'n sa atin, Mal. Wala tayong mapapala sa kahuhula."

Salubong ang kilay ko siyang binalingan. "Paano? Paano natin siya mapapaamin? We don't know where she is right now! Baka nga naghihingalo na 'yun ngayon---but no! She can't die just like that. Eh nung nilibing ko nga siya ay hindi pa siya namatay, pano na lang kaya ang saksak lang ng kutsilyo?"

Nagpakawala siya ng malalim na hininga at pabagsak na naupo sa kama. Sandaling nanaig sa amin ang katahimikan. Ako naman ay bumaling na lang ulit ng tingin sa mga estudyanteng nagkakagulo pa rin sa labas.

"Are we messed up right now, Mal?" Pagbasag ni Vee sa katahimikan.

Ngunot noo akong bumaling sa kaniya. "What do you mean?"

"I pushed dean Chicago's daughter to the roof and now, Wendy's dead." Guilty niyang saad. "Knowing dean Chicago? I won't be able to escape from his madness. Paano kung ipapatay niya rin ako? And you? Wala sa plano natin ang patayin si Wendy, wrong move 'yon."

Naningkit ang mga mata ko nang may sumagi sa isipan ko. Unti-unti akong napangisi at umiling. "No, Vee. Hindi natin pinatay si Wendy."

Bumakas ang pagkalito niya. "What do you mean?"

Umayos ako nang tayo at pinulupot ang aking mga braso. "Mei Yezidi killed her. Palalabasin nating siya ang tumulak kay Wendy sa rooftop."

"Say what?"

THE DEAD GIRL HAS COME ALIVEWhere stories live. Discover now