CHAPTER 7

710 71 1
                                    

MEI'S POV

"Hindi ikaw si Mei Yezidi." Nanginginig man ay deretso iyong sinabi sa akin ni Terra---isa sa pinakamalapit kay Mal.

"Hindi ikaw si Terra." Paggagaya kong tugon. Pinandilatan ko siya ng mga mata at agaran ding napatawa. "Hindi ba't kakatwa ang mga salitaang iyon?"

Nangangatog ang dalawa niyang mga kamay habang hawak-hawak ang kampilan, ni-hindi niya ako magawang tingnan sa mga mata. Hindi nakatakas sa paningin ko ang panlalambot ng mga tuhod niya dahil lang sa pagkakasalubong namin sa hall way.

"M-Matagal nang patay si Mei... Matagal na siyang patay. Matagal ka nang patay!" Hindi makalma niyang pagsigaw. Agresibo ang bawat paghinga niya. "P-Papaano ka nabuhay?!"

Unti-unting tumaas ang dulo ng aking labi hanggang sa umabot iyon sa aking tainga, kasabay ng pagtagilid ng aking ulo habang tinititigan siya.Kakatawa ang pagiging magulo ng isipan niya! "Kakakilabot ang mga tanungan na ganyan, Terra."

"Hindi ito isang laro! Hindi ako nakikipaglaro sa'yo, Mei Yezidi!" Naguguluhan, nababaliw niyang hinampas sa ere ang kampilan. "H-Hindi... Hindi ikaw si Mei! Nagpapanggap ka lang!"

Naaaliw ko siyang pinagmamasdan. "Ano ba talaga, Terra? Pati ako naguguluhan sa'yo tungkol sa kung sino ako."

Napatulala siya sa akin. Pilit niyang nilalabanan ang pagkurap ng kaniyang mga mata. Tila ba'y kinakabisado niya ang bawat parte ng aking mukha.

Nakaloloko akong ngumisi na ginantihan din ang pagkabisado sa mukha niya. Wala siyang pinagbago. Dumami pa ang mga kalmot sa mukha niya. Subalit ang malaking markha ng sugat sa kaliwa niyang mata patulay sa kaniyang tainga ang nakakaagaw pansin.

Hindi ko maiwasang mapatawa. "Mas lalo kang pumangit, Terra."

"M-Mei." Magkakasunod siyang umatras at napahawak sa kaniyang mukha gamit ang isang kamay. "P-Pero hindi maaari... patay ka na. Alam mong patay ka na!!"

"Isa pang ulit." Nawala ang ngisi ko. "Ikaw ang papatayin ko." Bigla akong natauhan. "Ah! Teka... bakit pa kita babantaan kung puwede ko namang gawin na lang?" Bumalik muli ang ngisi sa labi ko at tinaas sa ere ang kampilan na aking hawak gamit ang kaliwa kong kamay.

Nanalaki ang mga mata niya. Subalit imbes na lumaban ay mabilis siyang tumalikod para humarurot ng takbo. Kaagad napalitan ng talim ang paningin ko at walang patawad siyang hinabol!

"Aaaah!!!" Kung saan-saan siya tumakbo. Paakyat nang paakyat sa hagdanan ng mga palapag hanggang sa makarating kami sa rooftop. "MEI! Fuck!! Stop!!" Ilang beses siyang lumingon sa akin at tuwing nakikita akong maabutan na siya ay ilang beses siyang napapatili.

Wala na siyang ibang nagagawa kundi ang mapaatras. Wala na siyang aalisan pa sa loob ng rooftop. Hindi nakatakas sa paningin ko ang mariin niyang paglunok ng sariling laway. Hindi na nawala ang ngisi sa labi ko at nagsimulang humakbang nang mabagal deretso sa kaniya. Ramdam ko ang pangingilabot niya dahil sa labis na panginginig ng kaniyang kampilan.

"SA TINGIN MO AATRASAN KITA?!!" Tili niyang pagtatanong. Naikuyom niya ang kaniyang kamao sa armas na hawak. Nilabanan niya ng husto ang mga titig ko na para bang pinapakita niyang hindi siya natatakot sa akin!

Naitabingi ko ang aking ulo at nagtataka siyang tiningnan. "Hindi ba't ginagawa mo na nga? Kanina ka pa umaatras diyan."

Natigilan siya. Pinanood ko siyang itaas ang kaniyang kampilan at itinutok sa akin mula sa malayo. Ginaya ko ang ginawa niya at tinutok din ang kampilan ko sa kaniya. Sandali niya pa iyong pinasadahan ng tingin. Nakita ko naman ang mga dugong tumutulo mula roon dahil sa mga estudyanteng pinatay ko kanina.

THE DEAD GIRL HAS COME ALIVEWhere stories live. Discover now