CHAPTER 42

433 51 6
                                    

WENDY'S POV


Nang matapos ang kanilang laban ay agad-agad akong tumakbo upang sana'y makalayo. Subalit hindi ko inaasahang hahabulin ako ni Fenriz!

Lagot!

Takbo-lakad ang ginawa ko. Kung wala lang kirot sa loob ng tiyan ko ay matulin na akong tumakbo. Ngunit dahil sa lagay ko, mabilis akong naabutan ni Fenriz nang makalayo kami sa quadrangle. Hinarang niya ang daan ko dahilan upang mapahinto ako sa pagtakbo. Mariin akong napapikit. L-lagot talaga ako nito!

Pawis na pawis na ako sa loob ng suot na mascot at halos hirap na rin ang aking paghinga. Madiin kong nakagat ang ibabang labi dahil sa dumadagundong na kaba sa 'king dibdib. Gusto ko nang lagpasan siya, ngunit ang pagkakaalam niya ay ako si Mei. Malamang ay hindi niya rin ako titigilan na habulin!

Akma na sana akong tatalikod nang manigas ako sa kinatatayuan dahil biglaang niya akong niyakap ng mahigpit!

"Mei? B-Bakit ka tumatakbo?" Mabigat na bulong niya sa akin.

Hindi ako tumugon, halos masugatan na ang labi ko dahil sa madiin na pagkakakagat ko rito.

"Mei-Mei.. Nanalo kami!" Titig na titig siya sa'kin. Lalo akong kinabahan.

Akto niyang tatanggalin ang ulo ng suot kong mascot nang mapasigaw ako sa pagkagulat.

"Wag!"

Nanlaki ang mga mata ko.Ganoon din ang naging reaksyon niya at biglaang napaatras. Napalitan ng pagtatanong ang mga mata niya.

"A-Ang boses mo..." Napaatras siya at napailing. "Hindi ikaw si Mei!"

Naiyuko ko ang ulo. Wala na akong takas. Dahan-dahan kong tinanggal ang ulo ng mascot kong suot na unti-unti naman niyang kinagulat. Nag-angat ako ng paningin sa kaniya na may nangungusap na mga mata.

Halos malaglag ang kaniyang panga, hindi makapaniwala na tumitig sa akin. "Wendy?"

Matunog akong napalunok. "S-Sorry... Sorry Fenriz!"

Labis na nalukot ang mukha niya. "A-Anong ginagawa mo?! Nasaan si Mei?! Hindi ba't..."

"Dapat na siya ang narito at hindi ako." Pagtuloy ko sa sinasabi niya."P-Pasensya na talaga, Fenriz. Aalis na ako!"

Akto akong lalagpasan siya nang hindi niya ako hinayaang makaalis. Hinarang niya ang daan ko at desperado akong tinitigan. Naroon ang pagkalito ngunit pagkagalit sa mga mata niya.

"Nasaan siya?! Magpaliwanag ka!!" Madiin niyang tanong.

Kumibot-kibot ang labi ko ngunit walang naitugon. Bawal kong sabihin! Lagot ako! "A-Aalis na talaga ako, Fenriz---"

"Nasaan siya?! At anong ginagawa mo sa pwesto niya?!" Napaintag ako sa pagtaas ng boses niya.

Dahil sa huling nangyari sa'min ay batid kong galit na galit siya sa akin ngayon! Wala akong mukhang maihaharap sa kaniya!

"S-Sorry!" Napayuko ako at halos pakiusapan siya. "Gusto ko nang umalis--"

"Hindi ka aalis hanggat hindi mo sinasabi sa akin kung anong ginawa mo!!" Naroon agad ang paninisi sa boses niya na mas lalo ko pang kinakaba.

Napapikit ako, hindi ako makatakas gayong hawak niya ako sa magkabilang braso.

"Nasaan si Mei?" Madiin niyang muling tanong sa akin.

"S-Si Mei..."

Bumakas sa aking alaala ang mga nakaraan naming plano at huli naming pag-uusap. Sa nakalipas na mga araw, halos danasin ko ang depresyon. Paulit-ulit kong sinasabunutan ang aking buhok at walang sawa akong umiinom ng kahit anong gamot upang lasunin ang sarili at ang nasa loob ng tiyan ko. Hindi ako umaalis sa piling ng banyo upang magpakalunod sa umaapaw na tubig sa banyera. Nasaksihan ni Eunecia ang aking pagpapahirap sa sarili. Ngunit hindi niya ako pinapakialamanan.

THE DEAD GIRL HAS COME ALIVEWhere stories live. Discover now