FENRIZ'S POV
Hindi ako makapaniwala habang nakatitig kay Freon. Hinatak na niya ako sa loob ng kwarto namin pero katahimikan lang ang nananaig sa pagitan naming dalawa. Hindi rin siya makatingin sa akin ng deretso.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa nasaksihan kanina pagkabalik naming dalawa ni Mei sa dorm. Sa nangyaring iyon at napalitan ng gulat ang kaninang kahihiyan na nararamdaman ko dahil sa sinabi kay Mei at pang-aasar niya.
Dahil aksidente naming nasaksihan ang sakto at napakabilis na paglalapat ng mga labi ni Eunecia at Freon sa pinakasulok na bahagi. Para akong nanigas nang nakita iyon.
Kabisado ko ang mga rules ng Murim School at talagang iwas na iwas akong gumawa ng bagay na may katumbas na kaparusahan. Subalit ngayong alam ko na may nilalabag na rules si Freon at Eunecia, hindi maitatanggi ang pag-aalala ko. Sinong mag-aakala na ang magpinsan ay magkasintahan pala?
At nakasulat sa mga minor rules na bawal ang relasyon at pagtatalik ng mg estudyante sa loob ng Murim!
"Wolfie..." Usal niya nang nakayuko. "W-Wag mo kaming isusumbong. Please?"
"H-Ha?" Nagtataka ko siyan tiningnan.
"Alam kong may nilalabag kaming rule, p-pero hindi naman kami nakakasakit ng iba, 'di ba? Kaya sana... sana hindi mo kami isumbong!" Nangungusap siyang tumingala sa akin, ang boses ay puno ng pakikiusap.
Nagsalubong ang dalawa kong kilay. "Talagang 'yan pa ang inaalala mo, Freon? Na baka isumbong ko kayo ni Eunecia---sa kung anuman ang ginagawa niyo?"
Nangunot ang noo niya. "M-Malamang!"
"Ha!" Hindi ko maiwasang mapasinghal. "Hindi mo ba ako tinuturing na kaibigan para isipin mo 'yan? Eh ano lang pala ako sa'yo sa loob ng tatlong linggo?"
Napanganga siya at napakamot sa kaniyang ulo. "Kaibigan kita pero sa iksi ng panahon... ano bang malay ko kung traydurin mo ako bigla? Alam mo naman kung anong klaseng eskwelahan 'to... kaya 'wag ka na magtaka kung bakit hindi ko sinasabi sa'yo ang mga sekreto ko."
Nangulubot ang baba ko at napanguso. Kahit na naiintindihan ko naman ang paliwanag siya, hindi ko lang matanggap na iniisip niyang tatraydurin ko siya! Hindi naman ako gano'ng tao! Napaka-loyal kong kaibigan!
Sa huli ay napabuntong-hininga na lang ako. Siguro nga ang tatlong linggo ay masyado maiksi para sa pagpapalitan ng mga sekreto.
"Kung nag-aalala ka tungkol sa kung isusumbong ko kayo ni Eunecia o hindi, sinasabi ko na sa'yo na wala akong balak na magsumbong! Pero Freon, nag-aalala ako dahil sa paglabag niyo ng minor rule dahil may parusa parin 'yon!"
Nanlaki ang mga mata niya. "Hindi mo kami isusumbong? S-Salamat, Wolfie! Salamat!" Gano'n na lang ang pagliliwanag ng mukha niya.
Tumikhim ako ng hangin. "Narinig mo ba ang sinabi ko, Freon? Aksidente ko kayong nahuli ni Eunecia na naghaharutan! Paano na lang kung ibang tao ang nakakita sa inyo? 'Yung mga estudyanteng may galit sa grupo natin? Edi mapapahamak tayo!"
Dahil kapag ang isang miyembro sa grupo ang lumabag sa rules, maaaring madamay ang buong grupo nito depende sa sitwasyon ng paglabag.
"A-Alam naman ng lahat na magpinsan lang kami ni Eunecia. Kaya hindi nila pinagsususpetiyahan ang madalas naming pagsasama. At saka hindi naman kami naghaharutan madalas! Halo isang beses lang sa isang linggo at nagkataon lang na nakita niyong dalawa ni Mei..." Napahinto siya sa pagsasalita at nanlalaki ang mga mata. "S-Si Mei nga pala... P-Paano kung... isusumbo---"
"Hindi!" Kaagad kong putol sa kaniya. "Hindi magsusumbong si Mei, maniwala ka! Kung may balak man siya, magwawala ako sa kaniya!"
Tinaasahan niya ako ng kilay. "S-Siguro ka ba diyan? Ano namang magagawa ng pagwawala mo kay Mei?"
"Trust me, Freon!"
Napalunok siya at bakas parin ang pagkabahala sa kaniyang mukha. "H-Hindi mo naiintindihan. May sama ng loob si Mei kay Eunecia kahit hindi niya ipakita. Nakuwento ni Eunecia sa'kin ang naging alitan nila ni Wendy dahil narin kay Mei. Hindi malayo na isumbong niya kay Dean Chicago ang nakita niya kanina laban kay Eunecia."
Natikom ko ang bibig ko. Nararamdaman ko rin ang sama ng loob ni Mei sa mga dati niyang kaibigan. Pero madalas ang pakiramdam niyong 'yon ay kay Wendy, hindi kay Eunecia.
Muli akong napabuntong-hininga. Kalmado ako dahil buo ang loob ko na hindi magsusumbong si Mei tungkol lang sa ganitong rason.
"Psh! Bakit ba naman kasi meron pa kayong nalalamang relasyon ni Eunecia kung takot kayong mahuli!" Mapait kong sabi. "Alam niyo na ngang bawal, ginagawa niyo pa."
Napanguso siya. "Malamang... pareho kami ng nararamdaman para sa isa't-isa. At saka, hindi naman ganap ang relasyon namin dahil nga sa rules. Sadyang hindi lang namin maiawasan na maglambingan... minsan."
Napangiwi ang buo kong mukha sa sinabi niya. "Yak!"
"Anong yak! Ikaw nga kung makadikit kay Mei parang kang umaastang may relasyon kayong dalawa e! Hindi na 'ko magtataka kung isang araw mapaparusahan kayo!"
"A-Anong!" Napamaang ako. "Walang makakapagsabi no'n 'no! T'saka kahit may pumeke ng sumbong na may relasyon kami dahil sa pagdikit ko sa kaniya, ipapaimbestigahan pa bago magbigay ng pasya! Isa pa, walang magtatangkang kumalaban kay Mei sa ganoong klase ng sitwasyon! Lalo na kung ayaw nilang mamatay! Hahahaha!"
May pagsususpetiya niya akong tiningnan. "Bakit ba ang laki ng tiwala mo kay Mei? H-Hindi mo naman siya kilala. Paano kung isang araw siya pa ang magiging dahilan ng ikakapahamak mo rito? Alam kong dumidikit ka sa kaniya dahil gusto mong may magpoprotekta sa'yo at makalabas ng buhay. Pero binibigay mo ba talaga ang buo mong tiwala sa kaniya nanag gano'n-gano'n na lang?"
Sandali akong natahimik sa sinabi niya. Dahil unang-una, kaya malaki ang tiwala ko kay Mei ay dahil sinagip niya ako sa bingit ng kamatayan. Kung tutuusin ay hindi kami magkakilala at hindi rin kami pamilyar sa isa't-isa. Maliban na lang ang palagian niyang pagtitig sa akin, hindi na kahina-hinala ang mga kilos niya pagdating sa akin. Hindi ko rin nakikita ang rason ng pagsagip niya sa akin na maliban na nga lang kung may pagtingin siya sa akin. Dahil baguhan lang ako, wala siyang ibang makukuha sa akin at wala rin akong gamit para sa kaniya kung hindi ang maging daan sa pagpapataas ng ranggo niya.
"Sa palagay ko ay hindi mo kailangang alalahanin ang tungkol sa bagay na 'yon, Freon." Napabuntong-hininga ako. "Kung tutuusin, si Mei-Mei nga ang may mas disadvantage sa pagpap-partner naming dalawa eh! Sino naman ang papayag na magprotekta sa baguhan at walang karanasan na gaya ko? Kapag napatay ako, gano'n din siya! Kaya bakit naman hindi ko ipagkakatiwala ang buhay ko sa kaniya?" Napanguso pa ako. "Masuwerte nga at nauto ko siya na mapa-sa'kin."
"Nauto? Hindi ka ba nagtataka kung bakit gano'n siya makatingin sa'yo minsan? Para ka niyang lalamunin ng buhay!"
"L-Lalamunin?" Nanlaki ang mata ko at nag-init ang dalawa kong pisngi. "Lalamunin..."
"Hoy anong iniisip mo!"
"I-I mean... alam ko namang may gusto sa'kin si Mei... kaya gano'n."
"ANO?!" Nanlaki ang butas ng ilong niya habang mas umiinit ang aking pisngi.
Fritzyland | Thank you for reading!
YOU ARE READING
THE DEAD GIRL HAS COME ALIVE
Mystery / ThrillerMei Yezidi is one of the best students at Murim School. She was killed by her half-sister, Mal Yaotzin, a year ago, but suddenly appeared again at Murim School as a new student. Mei Yezidi wants revenge for what happened in the past. During the proc...