FENRIZ'S POV
Nakabibinging sigawan ang nanaig sa buong field nang malakas na pumito ang referee. Sumenyas agad sa amin si coach at dali-dali kaming natauhan mula sa kinauupuan. Bumuo kami ng pabilog at nakinig sa sinabi ni coach.
"Ito ang unang batch ng soccer game! Kailangan nating manalo dito, Panthers! Kailangan nating manalo at magkamit ng matataas na ranggo! Maliwanag ba yun!?" Isa-isa niya kaming pinasadahan ng tingin.
"YES COACH!" Buo at malakas naming tugon.
Tinaas niya ang kamay sa ere. "Uno! Dos! Tres!"
Isa-isa naming pinatong-patong ang ang mga kamay at malakas na sumigaw. "LABAN!!"
"Kilos na! kilos! kilos! kilos! Galaw!" Tumakbo kami sa soccer field at lumakas pa lalo ang sigawan at hiyawan ng mga tao sa stadium.
"PANTHERS! PANTHERS! PANTHERS! PANTHERS! PANTHERS! PANTHERS! PANTHERS! PANTHERS! PANTHERS! PANTHERS! PANTHERS! PANTHERS! PANTHERS! PANTHERS! PANTHERS! PANTHERS! PANTHERS! PANTHERS! PANTHERS! PANTHERS! PANTHERS! PANTHERS! PANTHERS! PANTHERS! PANTHERS! PANTHERS! PANTHERS! PANTHERS! PANTHERS! PANTHERS! PANTHERS! PANTHERS! PANTHERS! PANTHERS! PANTHERS! PANTHERS! PANTHERS! PANTHERS! PANTHERS! PANTHERS!"
Nilibot ko ang paningin sa kabuuan ng lugar. Marami ang nanonood, lahat ng estudyante dito sa Murim, bago o luma ay naririto at panay ang sigaw. Marahas akong nagpakawala ng hininga nang makaramdam ng pagka-nerbiyos. Pakiramdam ko ay maraming mga mata ang nakakapanood sa akin. Ito ang unang beses kong maglaro, at hindi ko maiwasang kabahan ng todo kahit ano pang pagpapakalma ko sa sarili ko!
Malakas na nag-checheer ang mga estudyanteng panig sa amin. Ngunit ang pagche-cheer nila sa amin ay natabunan ng malakas na sigawan mula sa kabilang panig.
"AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS!"
Lahat kaming team ay napabaling sa paparating na mga kalaban. Hilera silang humarap sa amin isa-isa at ang natapat sa aking harapan ay isang hindi pamilyar na lalaki. Wala pa man ay nakataas na agad ang gilid ng kaniyang labi at ang angas ay bakas sa matapang niyang mukha.
"LABAN AMIGOOOOS! PATAYIN NIYO SILAAA!!!" Pagsigaw ng mga cheerleaders sa panig nila.
Patayin talaga? Kahit na walang sinabi sa rules na bawal ang magpatayan, hindi naman siguro nila gagawin 'yon ng bulgaran... hindi kaya?
Napabaling naman ang paningin ko sa mga iyon mula sa kalayuan. At sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagtatama agad ang paningin namin ng pamilyar na babae, si Mal Yaotzin!
Nakatayo siya sa tabi ng mga cheerleaders na para bang naiinis sa mga babaeng iyon. Palibahasa ay mukha siyang lalaki sa suot niya! Halos paminsan-minsan ko na lang din siya nakikita sa mga nagdaang mga araw at hindi naman niya ako kinakabangga. Masyado na rin kasi akong tumuon sa pag-eensayo sa laro. Pero hindi ko parin maiwasang manghinala sa posibleng gagawin niya sa susunod na mga araw. Imposibleng wala lang siyang ginagawa lalo pa't buhay na buhay ang mga taong gusto na niyang patayin.
Kitang-kita ko ang pagngisi niya at hindi man lang inalis ang paningin sa akin! Pakiramdam ko ay kanina niya pa ako pinagmamasdan. Dahil nang mapunta ang paningin ko sa kaniya ay nakatingin na agad siya sa akin.
Hindi ko nakayanan ang paraan ng pagtitig niyang iyon at kaagad din akong nag-iwas ng paningin. Tumuon na lamang ako sa kaharap na lalaking mukhang mayabang. Tiningnan ko siya sa paraang inaantok upang malaman niyang wala akong paki sa kaniya.
YOU ARE READING
THE DEAD GIRL HAS COME ALIVE
Mystery / ThrillerMei Yezidi is one of the best students at Murim School. She was killed by her half-sister, Mal Yaotzin, a year ago, but suddenly appeared again at Murim School as a new student. Mei Yezidi wants revenge for what happened in the past. During the proc...