Unedited
MEI'S POV
Pwersahan nila akong pinaluhod sa tapat ng aking hukay habang iginagapos nila ang aking mga kamay sa aking likod. Blangkong emosyon ko silang pinapanood at hinayaan ko lamang silang gawin ang gusto nila sa akin. Subalit hindi ko inaasahang pag iinteresan pa rin nila sina Freon at Eunecia.
Si Dean Chicago ay wala na sa katinuan. Sa palagay ko'y natutuwa siyang pagmasdan ang dalawa na nahihirapan. Tulad ko ay nakagapos ang mga kamay nila't nakaluhod pa rin sa putikan. Maging sila ay hindi pinapalagpas ni Deam Chicago. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak niya ngayon subalit sa nakikita ko ay nagkakaroon na ako nang ideya.
Hindi ko gugustuhin na madamay din sila sa gagawin ko, ngunit wala na akong magagawa ngayon. Hindi ko ito pinag isipan noon. Hindi ko inakalang mapapalapit din ang loob ko sa kanila sa maikling panahon. Noong nagsagawa ako ng plano ay hindi ko naisip ang magiging lagay nila sa gagawin ko sapagkat wala akong pakialam. Wala akong pakialam sa kalagayan ng iba na kabilang din sila. Ang tangi ko lamang na hinangad ay ang makapaghiganti at malagay sa kaligtasan ang buhay ni Fenriz. Ang iba'y hindi ko na naisip..
Paano na sila? Ano ang magagawa ko? Mayroon pa ba akong magagawa? Ngayong nandirito na kami at oras na nang huli kong paghihiganti..
Magkakasunod na sampal ang inabot ni Eunecia kay Vee. Iniutos iyon ni Dean sa kaniya upang pahirapan sa aking harapan. Bumagsak sa sahig si Eunecia at tanging iyak lamang ang kaniyang nagagawa. Kitang kita ko ang galit ni Freon, ngunit dahil sa samurai na nakatutok sa kaniya ay wala rin siyang nagagawa kundi ang mapaiyak at mapasigaw na para bang nararamdaman niya ang sakit na nararamdaman ni Eunecia.
Mariin kong naipikit ang mga mata nang mayroong tumusok sa aking puso dahil sa nasaksihan.
"P-Please.. stop!! Don't hurt her pleaseee!!! T-Tama na!!! Ako na laaaang!!! Aaaahhhhh!!!"
Bawat pagsigaw ni Freon at pagmamakaawa ay parang sirang plakang nagpaulit-ulit sa aking isipan. Batid ko ang pagmamahal niya para kay Eunecia subalit hindi ko aakalaing masasaktan siya nang ganito. Napamulat ako ng mga mata at tinuon ang atensyon sa kanila.
Sumenyas si Dean Chicago kay Vee dahilan upang tumigil ito sa pananakit kay Eunecia. Ni hindi magawang makalapit ni Freon sa kaniya, pare-pareho kaming walang mga kapangyarihan sa sandaling ito.
"Tsk! None of this would happen to the both of you if you don't take sides with Mei Yezidi!" Paasik, galit na sigaw ni Dean Chicago.
Nag apoy sa galit si Freon, tinangkang tumayo at sumugod ngunit nabigo siyang gawin iyon. "Fuck youu!!! Rot in hell you fucking satan!!!"
Ngunit sa galit ni Dean ay sumenyas siya sa mga estudyante na mabilis ding kumilos. Hindi sila nagpaawat sa pagbugbog kay Freon na para bang natutuwa pang gawin iyon sa kaniya.
Naagaw ang atensyon ko kay Eunecia nang bumangon siya mula sa putikan at mabilis na tumakbo patungo sa kinapupwestuhan ni Freon.
"F-Freon.. w-wag! T-Tigilan niyo siya! P-Pakiusap! Dean Chicago maawa ka!!" Pilit niyang sinasalo ang binabatong suntok kay Freon habang nagmamakaawa ang mga mata.
Napaiwas ako ng tingin at sunod-sunod na napalunok. Gusto kong may gawin ako para sa kanila, pero..
Bumaling ako ng tingin sa aking hukay at bahagyang nagulat. Tumigil sila sa paghuhukay! Ang mga pala ay nakababa na at ang mga estudyante na naghuhukay kanina ay nakatuon na kina Freon at Eunecia. Naikuyom ko ang kamao at naiinis na bumaling kay Dean Chicago.
YOU ARE READING
THE DEAD GIRL HAS COME ALIVE
Mystery / ThrillerMei Yezidi is one of the best students at Murim School. She was killed by her half-sister, Mal Yaotzin, a year ago, but suddenly appeared again at Murim School as a new student. Mei Yezidi wants revenge for what happened in the past. During the proc...