Unedited
FENRIZ'S POV
Nagsalubong ang mga kilay ko nang makitang pababa nang hagdanan ang iba pang mga soccer player na ka-team ni Rhett. Mariin akong napapikit at matalim na tumingala sa kanila sa itaas na bahagi ng hagdanan.
"Look, I don't want to fight." madiin kong sabi sa kanila, ngunit ang paningin ay deretso sa mga mata ni Rhett. "Not now!"
Bahagya siyang napatawa sa akin at hindi na nawawala ang ngising nakakabwisit makita. Bumaba siya ng isang hakbang sa hagdan habang nakikipaglaban din ng titig sa akin.
"Don't worry, it's not a fight." Humakbang ulit siya pababa. "We're not going to fight, Wolf. Because it's massacre."
Sumama ang titig niya sa akin at nag iba bigla ang timpla ng mukha. Nagsalubong naman ang mga kilay ko at napuno ng pagka inis ang buo kong sistema. Kailangan kong puntahan si Mei Mei! Kailangan ko siyang maligtas bago ang lahat! Pero heto't sadyang malulupit ang mga demonyo, talagang sumasabay tuwing may pagkakagulo!
Hindi ako nakakilos agad at nagulat na lang ako dahil mabilis na nakatalon si Rhett sa mga hagdan at sa isang kurap ko lang ay nakatayo na siya sa harapan ko! Isang malutong na suntok ang agad na tumama sa panga ko! Dahil sa lakas ng pwersa no'n ay nawalan ako ng balanse dahilan nang pagkasubsob ko sa katabing pader.
Narinig ko ang mga halakhakan ng mga kasamahan niya.Nagtiim ang bagang ko at madiin kong naikuyom ang kamao dala nang pagkagalit at pagkainis! Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong akma akong kukwelyuhan ni Rhett nang inisan kong hablutin ang pulsuhan niya at salubungin siya ng suntok sa mukha bilang pambawi!
"I said I don't wanna fight!!" Bulalas ko at tuluyan nang nilamon ng galit nag sistema ko!
Bumagsak sa sahig si Rhett at kamuntikan pang mahulog sa ibabang hagdan! Sandali ring natigilan ang mga kasamahan niya na kanina'y humahalakhak, umamba silang susugod sa akin ngunit mabilis na nakabagon si Rhett at sa isang matalim niyang titig ay huminto ang mga iyon! Saka niya ako binalingan nang may sarkastikong ngisi pero mahahalata ang talim at galit sa mga mata.
"This is not a good place for massacre, you know?" Ngisi niya sa akin. "How about we go down to the basement? Where your girlfriend killed my sister---It's a good place to kill you too without her knowing."
Pinakatitigan ko siya at bahagyang gumalaw ang panga ko. "You can take me there, but not now! I can fight you but fucking not now! How many times do I have to say not now, you bastard!"
"Whoa! Easy, Wolf! Don't bite me!" Sarkastiko siyang tumawa at umastang pinapakalma ako. "Just calm down, you cursed too much! I thought you are a good boy?"
Matalim ko siyang tinitigan at pakiramdam ko ay nag aapoy na ako sa galit. Nakakatawang isipin na nagagawa ko pang kontrolin ang sarili ko!
Lumaki ang pagkakangisi niya na para bang mayroong sumagi sa isipan niya. "Can I asked you a question? Are you willing to date a raped-girl? Aren't you digust that she's not a virgin anymore?"
Sumilay ang kislap sa mga mata niya pagkatapos magtanong ng nakakaasar. Lalo kong naikuyom ang kamao at halos bumaon na ang mga kuko ko sa palad ko.
"You know what, Wolf? It's not the end of the world. Why dated a raped girl? I already marked her. Maraming mga babae ang mas puro at nakakahigit sa isang tulad ni Mei Yezidi. Mas maraming inosente kaysa sa kaniya. She.is.so.dirty. Why you choose her?"
Nandilim ang paningin ko at hindi ko magawang mailarawan ang namuo kong emosyon. Naghalo-halo ang lahat at bumilis ang bawat tibok ng puso ko! Deretso at matatalim ko siyang tinitigan sa mga mata niya mismo! Ngunit hindi ko magawang mapigilan ang kaunting tubig na namumuo sa mga mata ko.
YOU ARE READING
THE DEAD GIRL HAS COME ALIVE
Mystery / ThrillerMei Yezidi is one of the best students at Murim School. She was killed by her half-sister, Mal Yaotzin, a year ago, but suddenly appeared again at Murim School as a new student. Mei Yezidi wants revenge for what happened in the past. During the proc...