CHAPTER 47

495 53 26
                                    

WENDY'S POV

"Meow~"

Tulala at lutang ang isipan namin nina Eunecia at Freon sa loob ng dorm nila. Tanging ang impit na pag ungol lamang ng kuting ni Fenriz ang naririnig namin. Ngunit ang kaninang mahabang katahimikan ay binasag ko nang hindi na ako makapagtiis na manahimik na lang.

"So, sila Fenriz ang may ari nitong Moorim?" Kulubot na noo kong pagtatanong.

Sabay pa silang dalawa na napaharap sa akin. Naunang tumugon si Eunecia at napabaling ako sa kaniya. "Narinig natin, DeCavalcante 'yung apelyidong binanggit! Sino ba ang may gano'ng apelyido sa'tin? Hindi ba't si Fenriz lang?"

"Kung gano'n..." napakamot ako sa noo. "Sila pala ang nagmamay-ari dito. Bakit hindi niya sinabi sa'tin ang tungkol do'n?"

Nagkibit-balikat siya. Si Freon naman ay napahilamos ng mukha. "Hintayin natin siyang dumating at ipaliwanag sa atin ang lahat. Malay mo ay wala pala siyang alam? Pero sa kabilang banda," tumingala siya na wari'y may inaalala saka nanahimik, kung kaya't nabitin ako. Marahil ay may sama parin ang paraan nila ng pagtingin sa akin.

Bumuntong-hininga ako at muling nagsalita. "Narinig ko mula kay Miss Hermosa, na pinapatawag si Mei sa opisina ni Dean Chicago kung saan din naroon ngayon sina Fenriz at ang dad niya."

Napaamang si Eunecia. "Ano namang koneksyon ni Mei sa pamilya ni Fenriz? Bakit damay siya?"

Lalong naningkit ang mga mata ni Freon. "Hmm... Hindi ba't pinoprotektahan ni Mei si Wolfie sa kahit anong paraan?"

"Oh?" sabay kaming nangunot ni Eunecia. Nagtatanong siyang tumitig kay Freon. "Ano namang meron doon?"

Umayos siya sa pagkakaupo. "Hindi malayong may koneksyon si Mei sa pamilya ni Fenriz...?"

Napatanga ako. "Paano naman nangyari iyon?"

Biglaan namang napatayo si Eunecia na para bang nagkakaroon ng ideya sa isipan niya. "Hindi ba't hindi pa natin nalalaman kung paano nabuhay si Mei at biglaan na lang sumulpot dito sa Murim?" Lumapit siya kay Freon at nagkaharap na para bang silang dalawa lang ang nag-uusap. "Isipin mo! Hindi makakaligtas si Mei kung walang tutulong sa kaniya! Nilibing siya sa malalim na hukay at talagang napatunayan natin na patay na siya! Pero makalipas ang taon ay saka lamang siya nagpakita sa atin ng buhay! Hindi iyon mangyayari kung walang tutulong sa kaniya!"

Naliwanagan si Freon. "Tama! Saka hindi natin alam kung saan nagpunta si Mei sa loob nang walong buwan! Kung nandito lang siya sa loob ng Murim ay malalaman natin agad 'yon! Pero nawala siya bigla at bumalik!"

Nalukot ang mukha ko, hindi maintindihan kaya't pilit akong sumali sa kanila. "Puwede niyo rin bang ipaliwanag sa'kin? Pangako, wala akong pagsasabihan!" mapait akong ngumiti. "Tutal wala naman akong totoong mapapanigan... kundi si Mei at kayo lang.

Nagsususpetiya akong tinitigan ni Freon, subalit nakapagpaliwanag na si Eunecia bago pa siya makapagsalita. "Ang nagmamay-ari at ang mga opisyales lamang ng eskwelahan natin ang pwede makalabas at pasok dito sa loob. At ang nagmamay-ari ay ang ama ni Fenriz! Sa tingin namin ay nakalabas din si Mei ng Murim sa tulong ng ama niya! Posibleng siya ang tumutulong kay Mei---"

Hindi niya nagawang ituloy ang sasabihin nang malakas na bumukas ang pintuan ng dorm na kinaroroonan namin. Sabay-sabay kaming natigilang tatlo at gulat na napatingin doon. Bumungad sa amin ang masamang mukha ni Fenriz! Malakas niyang isinarado ang pintuan at dere-deretsong naglakad patungo sa kaniyang aparador.

Pinanood namin siyang padabog na kunin ang kaniyang maleta sa ibabaw nito at may galit na ibinagsak iyon sa sahig. Nagugulat kami nang isa-isa niyang pagtatanggalin ang mga damit na nakasabit sa loob ng kaniyang aparador! Hinagis niya ang mga damit sa maleta saka iyon binuksan at pinagpapasok sa loob!

THE DEAD GIRL HAS COME ALIVEWhere stories live. Discover now