CHAPTER 34

351 48 3
                                    

MEI'S POV



"Ito lang para sa araw na 'to," Ani sir Dan. "Asahan ninyo ang pagpapamigay ng mga gamot at pagdagdag sa mga pagkain para sa kaginhawaan ninyo at kalusugan na siyang iniutos mismo ng mga opisyales ng eskwelahan."

Napakalumbaba ako at napaisip. Mukhang nabasa na niya ang sulat na ipinadala ko...

"YES SIR!" Pagtugon ng lahat.

Ngayong umaga ay naririto kami sa loob ng classroom para sa panibagong araw ng klase. Lahat ay naririto, lahat ay normal, lahat ay tahimik at walang kaalam-alam. Ngunit mayroong isa sa amin ang ngayo'y nagpapakalunod. Mayroong isa sa amin na nasira ang pagkatao dahil sa nangyari kahapon sa dilim. Kung sino siya, sa tingin ko'y ako lang ang nakakaalam bukod sa mga gumawa niyon sa kaniya.

"Bukas, hindi tayo magkakaroon ng pag-eensayo. Marahil ay hindi pa alam ng iba sa inyo ang taon-taong ginaganap na laro dito sa loob ng Murim School. Para na rin sa papalapit na pagtatapos ng taon ay isinasagawa iyon para makapaghandog ng aliw sa mga gustong lumahok na mga kalalakihan at pagiging parte ng lahat. Inaasahan ko ang kooperasyon ng lahat."

"YES SIR!" Muling tugon ng lahat.

"'Yun lamang sa araw na 'to. Magpahinga na kayong lahat." Pamamaalam niya at nagpaunang maglakad palabas ng aming silid.

Inayos ko ang mga kwaderno kong nagkalat sa lamesa at pinasok ang mga 'yon sa loob ng bag. Ngunit natigil ako sa pag-aayos nang masulyapan si Fenriz sa aking tabi. Kanina pa siya walang imik at kanina pa rin siya nagpapanggap na natutulog sa kaniyang lamesa. Hindi siya kumikibo, o kahit gumalaw man lang. Napabuntong hininga ako at tumayo. Sinukbit ko ang bag sa dalawa kong balikat at muli siyang sinulyapan bago tuluyang maglakad papalabas ng classroom.

Mahaba-haba ang nilakad ko upang marating ang aming dorm. May ngisi akong pumasok sa silid namin at rinig na rinig ko ang pag-agas ng gripo sa loob ng banyo. Binaba ko ang bag at hinubad ang aking sapatos. Naglakad ako sa pintuan ng banyo at naririnig ko na ang paghikbi ni Wendy mula sa loob.

"B-Bakit... ayaw mabura! A-Ahh..." Bakas ang panghihina sa pagsigaw niya.

Napangisi ako at kumatok sa pintuan. Pinihit ko ang door knob, hindi iyon nakakandado kaya't agad akong nakapasok sa loob.

"AHH!! T-TAMA NA... Ayaw ko... A-Ayaw ko na!!!" Nakapikit ang mga mata niya habang sumisigaw, binato niya ako ng sabon at ginitgit ang sarili sa sulok ng bath tub.

Suot-suot niya pa rin ang pula na bestida at basang-basa na siya ng tubig na umaapaw sa bath tub. "Wendy.." Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya.

"M-Maawa ka... P-Pakiusap..." Lumakas ang hikbi niya at napasabunot sa sarili buhok. Tinatakpan niya ang dalawa niyang tainga at halatang takot na takot.

Naitabingi ko ang ulo. "Ako 'to, Wendy.." Hinawakan ko ang buhok niya. "Ang kaibigan mo."

Natigilan siya, dahan-dahang nag-angat ng paningin sa akin. Doon lamang bumuhos ang natitira niya pang mga luha. Mabilis at kaagad siyang yumakap sa akin. "M-Mei... Mei..." Humigpit ang hawak niya at panay ang hikbi. "S-Si Rhett... hayop siya!!"

Tumaas ang gilid ng aking labi. Nanginginig ang kaniyang katawan , hinawakan ko ang likod niya at inilayo siya sa akin. Namumula na ang mga mata niya sa kakaiyak, ang labi ay kasing putla ng sa akin.

"M-Mei.. G-Ginahasa niya ako..." Pagsusumbong niya sa akin. "P-Pero hindi lang siya... marami sila ng mga kasamahan niyang lalaki!!"

Nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis. "Ano ang pakiramdam, Wendy?"

Sandali siyang natigilan sa akin at madiin na napalunok. "Mei..."

"Masaya ba? Nasarapan ka ba?" Ngiting-ngiti kong pagtatanong.

Nanlaki ang mga mata niya, nanginig ang mga labi. Napailing-iling siya sa akin. "A-Anong sinasabi mo? Mei..."

"Hmm?" Hinawi ko ang buhok niya. "Paniguradong hindi. Sino ba naman ang matutuwa kapag nagahasa? Hindi ba? Kaya huwag mo nang uulitin ang ginawa mo kay Fenriz, o maging katulad ng sarilin mong ama."

Napaawang ang mga labi niya at bumilis ang paghinga. Malakas at buong pwersa niya akong tinulak dahilan upang mapasalampak ako sa tiles na sahig. "A-Anong ginawa mo sa'kin!? Ikaw ang may pakana ng lahat! Ikaw ang gumawa sa'kin nito!!!" Tumayo siya at panay ang hikbi akong tinuro. "A-Anong klase kang kaibigan!?"

Napatawa ako at napahawak sa aking tiyan. Tiningala ko siya nang nasisiyahan. "Anong klase akong kaibigan?" Tinabingi ko ang ulo. "Ako dapat ang magtatanong sa'yo niyan."

"Mei..." Napahawak siya sa dibdib, aktong nahihirapang huminga. "Kaya mo ba ako binalaan? K-Kaya ka ba umaakto ng gano'n? Alam mo 'tong lahat!! Bakit mo ginagawa sa'kin 'to?!!"

Tinayo ko ang sarili at natawa. "Kung anuman ang nangyari sa'yo, isa 'yang napakalaking karma."

Umiling-iling siya. "H-Hindi.. kasalanan mo 'to!! Sinasadya mo 'to!! Isa kang demonyooo!!!"

Napataas ang dalawa kong kilay. "Hmm, ngayon mo lang napagtanto?"

"B-Bakit mo ginagawa sa'kin 'to?!"

Sandali akong napaisip. "Siguro dahil gusto kong maranasan mo ang bagay na naranasan ko rin noon?"

"B-Bakit... Bakit ako?"

Napatawa ako. "Bakit naman hindi? Huwag kang umakto na walang alam, Wendy. Ilabas mo na kung sino ka. Bakit nga ba natatakot ka ngayong naranasan mo ang dapat mong gagawin kay Fenriz?"

"Hindi kita maintindihan!!" Buong pwersa niyang sigaw. "Bakit kailangang ako pa?!"

"Hindi mo pa rin makuha?" sumandal ako sa gilid ng lababo. "Dahil ikaw ang hinihiling kong kabayaran sa pambababoy sa akin ng magaling mong ama."

Nanlaki ang mga mata niya at napahawak sa nakaawang niyang labi. "Nagulat ka?" Nginisihan ko siya. "Ilang beses ko ba sa'yo kailangang ipaulit-ulit? May ginawa sa akin ang ama mo noon. Pero hindi ka naniwala dahil nga daddy mo siya." Nginusuan ko siya. "Yung mga gumalaw sa'yo... Hindi ba nila nasabing... Sila rin ang gumalaw at sumira sa akin?"

Napahikbi siya, "Hindi 'to nararapat sa akin... Wala akong alam sa nangyari sa'yo!! Wala akong ginawang masama sa'yo! Wala akong g-ginawa para gawin mo sa'kin 'to..."

"Huwag kang umasta na parang ako ang gumahasa sa'yo, Wendy." Napatawa ako ng peke. "Ang ambag ko lang, ginusto ko ang nangyari sa'yo. At kuntento ako dahil naranasan mo."

Kumuyom ang kamao siya, nanginginig ang buong katawan. "AAAAAHHH!!" Nakakabingi siyang sumigaw, namumula ang mukha sa galit at bigla na lamang akong sinugod.

Ang dalawa niyang kamay ay sumabunot sa akin at pinaikot-ikot ang ulo ko. Pinagbubunggo niya ako sa iba't ibang kanto ng pader at paulit-ulit na inuntog ang noo ko sa kanto ng lababo. Habang ako ay panay ang tawa at halakhak sa pagbuhos ng galit niya. Naramdaman kong nanghina siya sa ginagawa at napagod. Hingal na hingal niya kong binitawan at nag-angat naman ako ng tingin sa kaniya.

"Tapos ka na?" Ngisi ko, ang dugo sa noo ko ay gumapang sa aking pisngi. "Ako naman."

Nanlaki ang mga mata niya nang bigla kong dakmain ang leeg niya. Napahawak siya sa kamay ko at pinagsasapak 'yon, wala namang talab sa akin. Ngising-ngisi ko siyang tinaas sa ere gamit lamang ang isang kamay sa pagkakasakal sa leeg niya.

"M-Mei.." Nauubusang hininga niyang usal.

"Gusto ko sanang baliin ang leeg mo ngayon. Pero mas masisiyahan akong gawin 'yon sa harapan ng ama mo." Buong lakas ko siyang hinagis dahilan upang tumama ang likod niya sa kanto ng lababo. Napadaing siya sa sakit, muling bumuhos ang mga luha. "Tandaan mo, Wendy... Ang kaibigan, hindi nangiiwaan sa oras ng kamatayan." Ngisi kong sambit.

Tumawa siya sa kabila nang paghikbi. "Wala ka talagang p-puso, Mei.."

Dumilim ang mga mata ko. "Naging ganito ako, dahil sa kagagawan ninyo."

THE DEAD GIRL HAS COME ALIVEWhere stories live. Discover now