CHAPTER 55

521 53 0
                                    

MEI'S POV




Hindi sila makabawi sa gulat, naiwang nanlalaki ang mga mata nila at ang iba pa'y gulat na napapatakip ng kamay sa kanilang mga bibig. Sari-saring pagsinghap ang naririnig ko. Ramdam na ramdam ko ang pagpipigil nila ng hininga.

Umisa ako ng hakbang at sila ay awtomatikong napaatras nang sabay-sabay. Gano'n na lamang ang pagpinta ng takot sa kanilang mga itsura. Ang paraan ng pagtitig nila sa akin ay noong una nilang makita ang pagbabalik ko. Na para bang nakakita sila ng malamig na bangkay subalit nakatayo sa kanilang harapan.

Tumuwid ako ng tayo at bumaling kay Dean Chicago na mabigat ang bawat paghinga. Nagpalit-palit ang paningin niya sa akin at sa aking hukay. Si Vee ay nanginginig na sa gulat at takot. Ganoon din si Eunecia na mahigpit na nakayakap kay Freon.

"M-Mei.." dinig kong usal ni Mal sa aking pangalan.

Bumaling ako ng tingin sa kaniya at malalim siyang tinitigan. "You looked surprised, Mal. Hindi mo ba 'to inaasahan?"

Nakita ko ang panginginig niya.. panginginig sa galit habang matalim na nakatitig sa akin. "Y-You can't do this!"

Unti-unti akong napangisi. "Yes, I can."

Bago pa siya makatugon ay may umagaw na sa aming atensyon. Lahat ay napatingala at nakatanaw sa mataas na building ng Moorim. Awtomatiko silang napapaturo doon at mas nanlalaki pa ang mga mata nila kumpara kanina. Sari-saring sigawan at reaksyon ang nangibabaw.

"T-There's a fire!!!"

"Our building is burning!!!"

"Aaahhh!!!"

"No!!! Noooo!!!"

"F-Fuck!!!!"

"I-It's a fire..."

Napatitig ako sa malaking apoy na lumalamon sa mataas na building at unti-unti no'ng sinusunog ang lahat ng makikita roon mula sa malayo. Sobrang lakas ng sunog at kumakapit na iyon sa kalapit pang ibang building. Hindi ko aakaling gano'n kabilis na kakalat ang apoy na ako mismo ang nagpasimula.

Noong umalis ako sa rooftop at bago pa man ako makalabas ng building ay sinimulan ko na ang sunog nang wala man lang nakakapansin. Masyado silang nalinlang sa mga pangyayari kanina kung kaya't wala sila ngayong kamalay-malay. Ngayong malaki na ang apoy at tuluyan nang nasusunog ang mga building ay bakas na sa mga mukha nila ang pagkatalo.

Napatingala ako at pinagmasdan ang mga abo na nagpalutang-lutang sa hangin. Mas lumaki ang pagkakangisi ko at bumaling ng tingin kay Mal na nakatingin na rin sa akin.

"Sabi sa'yo, kaya ko." Ngisi ko sa kaniya.

Kumuyom ang mga kamao niya subalit hindi nakapagsalita. Si Dean Chicago ay biglang sumigaw nang malakas kaya't napunta sa kaniya ang atensyon ng lahat. Namumula na ang mukha niya, batid kong dahil iyon sa galit. Maging ang mga mata niya ay namumula na rin at nababakas doon ang mga luha.

"HOW DARE YOU DO THIS TO OUR SCHOOL?!!" Nanginginig at buong pwersa niyang pagsigaw sa akin. "I can't fucking describe how devil you are, Mei Yezidi!!!" Ang mga tuhod niya ay para bang nanlambot at bumagsak sa putikan. Napaluhod siya at muling napasigaw sa hinagpis. "Buong buhay ko itong inalagaan! Buong buhay akong nandirito! H-How can you do this?! How?!!"

Ang mga palad niya ay mahigpit na kumuyom sa putikan at paulit-ulit na nagsisigaw. May iilan na ring mga babae ang naririnig kong humihikbi. Gumalaw ang aking panga at seryosong nagbaba ng tingin sa kinapupwestuhan ni Dean Chicago.

THE DEAD GIRL HAS COME ALIVEWhere stories live. Discover now