MAL'S POV
Isang linggo na ang lumipas magmula ang away sa pagitan namin ni Mei at simula niyon ay hindi ko na nagkakasalubong ang landas naming dalawa sa kadahilanang bantay-sarado na ako ni Dean Chicago. Mas pinapamukha niya sa akin na mas may kapangyarihan siya sa eskwelahan na 'to kaysa sa akin at hindi ko basta-bastang magagawa ang mga gusto ko.
Isa pa, dahil sa nangyari sa canteen at bilang 'parusa' sa pagsisimula ko ng gulo, tinanggalan niya ako ng karapatan na makatanggap ng gantimpala sa pagiging rank 1 sa nangyaring katapusan na siyang kinasiklab ng sama ng loob ko. Palibhasa'y takot siya na mabunyag ko sa mga opisyales ang pinaggagawa niya rito sa loob! Duwag!
"Mal! Mal!" Nagsisigaw si Vee na pumasok sa dormitoryo namin.
Napatingin kami ni Ashlee sa kaniya. Sa nakalipas na mga araw ay unti-unti ng naghihilom ang sugat ni Ashlee sa mukha na ako ang may gawa sa hindi sinasadya. Pareho kaming nagpapahinga sa sarili naming mga kama dahil katatapos lang din ng nakakapagod na klase kanina.
Naupo si Vee sa kama niya at interesadong tumingin sa akin. "Nabalitaan mo na ba? May lalaking panay ang dikit kay Mei nitong mga nakaraang araw!"
Tumaas ang isa kong kilay sa sinabi niya. Lalaki? Si Mei?
"Anong ibig mong sabihin?" Dahil hindi ko na nakikita ang babaeng 'yon ay hindi ko na alam ang mga nangyayari sa kaniya.
"Sa palagay ko may pinoprotektahan na siya! At 'yung lalaking 'yon ay baguhan lang! Nalaman ko na kakapasok lang niya isang araw bago ang katapusan. Nakita ko 'yung lalaki na parang linta makadikit kay Mei!" May bahid ng pandidiri sa reaksyon niya. "Kung nakita mo lang, Mal. Malamang wala 'yung alam tungkol kay Mei! Sino ba namang nasa tamang pag-iisip ang makikipagbiruan sa kaniya!" Hinimas niya ang magkabila niyang braso na para bang tinatayuan ng mga balahibo.
Dahil sa narinig ko ay hindi ko maiwasang mapaisip ng malalim at mapangisi ng nakaloloko. "Ha! May pinoprotektahan siya? At baguhan?? Kung gusto niya lang pala ng suicide, bakit hindi na lang siya magpapatay sa'kin?" Sarkastiko pa akong napatawa.
Kung iisipin, wala siyang mapapala sa pag-pares sa isang baguhan kaya hindi ko maiwasang maging sarkstiko. Pero dahil siya si 'Mei', ano naman kaya ang binabalak ng babaeng 'yon?
Pero dapat lang bang ipalagay na lahat ng ginagawa niya rito sa loob ay may katuturan? Tsk! Sa susunod na katapusan, hinding-hindi ko na siya hahayaang makatakas sa paningin ko!
"Sabihin mo, anong pangalan ng lalaking pinoprotektahan niya?" Seryoso kong tanong kay Vee.
"Sa pagkakatanda ko, ang apelyido niya ay DeCavalcante, na madalas banggitin ng mga guro. Dahil hindi siya kilala, halos lahat ng mga kaklase niya na pinagtanungan ko ay nakalimutan na rin ang pangalan niya."
What a loser! Seryoso, ano namang mapapala ni Mei sa lalaking 'yon? What trick is she still playing with me?
"DeCavalcante, huh?" Napasinghal ako. Kung totoo man ang sinabi ni Vee, mas magiging madali para sa akin na tapusin silang dalawa ni Mei.
"Tuloy niyo lang ang pagmamasid sa Mei na 'yon. Lalo ka na Ashlee." Matalim ko siyang binalingan. Napaintag siya habang namamahinga sa kama niya. "Talasan mo ang paningin mo kung ayaw mong sumunod kay Terra."
Nalukot ang mukha niya at tahimik na tumango. Napailing ako. Siya pa naman ang pinakaduwag na taong nasa grupo ko. Tsk! Mabuti na lang at hindi siya ang kapares ko.
Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa pader. Malapit nang mag-alas singko. Kaagad kong inayos ang sarili para sa pupuntahan. Naglakad ako hanggang sa makalabas sa dormitoryo.
Sumalubong kaagad sa akin ang papadilim na kalangitan. Dahil napapalibutan ng mga puno ang lugar ay gano'n na lang kakulimlim kahit hindi pa tuluyang lumulubog ang araw.
Tinahak ko ang daan patungong canteen at napansing ako lang ang nag-iisang nagpakalat-kalat sa campus. Sapagkat ang mga estudyante ay madalas pagod tuwing pagtapos ng mga klase ay sinusulit nila ang pahinga bago mag-hapunan.
Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad nang makaramdam ng kakaiba. Nanliit ang mga mata ko nang may maramdamang yapak ng mga paa ang sumusunod sa akin mula sa likuran. Binilisan ko ang paglalakad nang bumilis din ang paglalakad ng taong 'yon.
Mariin akong napalunok at hinanda ang sarili. "Shit!" Asik ko bago humarap sa aking likuran. Walang sabi-sabi at walang salita kong itinulak sa pader ang isang lalaki na siyang sumusunod sa akin.
Napalakas ang pagtama ng likod niya sa pader dahilan upang mapasigaw siya sa sakit dulot nito. "AHH!!"
Mariin siyang napapikit habang hinahawakan ko siya sa magkabilang kwelyo at pinagdidikdikan pa lalo sa pader. "Sino ka?! Bakit mo 'ko sinusundan?!"
Nagugulat siyang nagmulat ng mga mata at tumitig sa akin. Bakas na bakas ang pagkabigla sa mukha niya. Habang ako ay masama ang paningin sa kaniya. Hindi pamilyar sa akin ang lalaki ito. Ngayon ko lamang nakita ang pagmumukha niya sa Murim. Baguhan?
"TSK! Bingi ka ba?!" Muli kong sigaw nang hindi pa siya makatugon.
Napapikit siya sa lapit ng mukha ko sa kaniya. "Get off of me! What are you---Help me!!!"
Nagsalubong ang mga kilay ko at hinawakan ang leeg niya "Ahh! It hurts!!" muli niya pang sigaw na kinataka ko.
Hindi naman mahigpit ang pagkakahawak ko sa leeg niya at hindi ko naman nilalakasan ang pagdiin sa kaniya sa pader! Bakit ba ang hihina ng nga junior students? Tsk!
Pwersahan ko siyang pinakawalan dahilan ng pagkawalan niya ng balanse at kamuntikang bumagsak. Kaagad siyang napahawak sa pader.
Nang makatayo siya ng tuwid ay saka ko lang napansin ang katangkaran niya. Iritado niya akong tinitigan. "Hindi kita sinusundan! Sino ka ba?"
Tinaliman ko ang titig sa kaniya. "Matuto kang kumilala."
Bumakas ang pagtataka niya ngunit agad na napalitan nang buntong hininga. "Hindi kita sinusundan. Bakit naman kita susundan? T'saka nasa rules na bawal magsimula ng away! Isusumbong kita sa ginawa mo!"
Nalukot ang mukha ko. "Rules? HA!" Halatang hindi niya ako kilala. "Magsumbong ka. Alagad ni Dean Chicago! Parehong duwag!"
Mas lalo siyang nagtaka. Ngunit agad ding napailing-iling at napabuntong-hininga. "May sinusundan ako pero hindi ikaw. Hindi kita kilala at hindi ako interesado sa'yo. Kaya please lang? Para wala nang gulo, puwede na ba akong dumaan?"
Inikutan ko siya ng mga mata. Kumukulo ako dugo ko sa mga hindi importanteng mga tao na bigla-biglang humaharang sa dinaraanan ko! Tsk!
Hindi ako nagsalita at tiniis ang sama ng loob. Hinayaan ko rin siyang inis na magpatulot sa paglalakad. Inayos niya pa ang kuwelyo niya na nilukot ko sa paraang nayayamot. Hinimas niya rin ang likuran niya na batid kong nananakit dahil sa paghampas ko sa kaniya sa pader.
"What a loser!" Bulong ko sa sarili at tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.
"What loser?" Nabura ang pagkalukot ng mukha ko nang may malalim na boses ang siyang nagsalita sa likuran ko.
Walang emosyon ko siyang hinarap. Bumungad sa akin ang presko niyang mukha. Gano'n na lang kalinis ang itim na damit niyang suot kagaya ng lagi niyang itsura tuwing humaharap sa akin.
"Rhett, kailangan nating mag-usap." Kalmado kong sabi.
Matagal niya akong tinitigan at sumilay ang napakaliit na ngiti sa sulok ng kaniyang labi, na siya namang hindi bumabagay sa matatalim niyang mga mata.
"Tungkol sa kaniya?" Mas lalong lumiit ang mga mata niya at sandaling pumikit. "Ang babaeng 'yon... sa tingin ko, siya si Mei."
Palihim akong lumunok, hindi inaasahan ang tugon niya. Unti-unting lumakas ang tibok ng puso ko at kinakmot ang sarili kong palad.
"Hindi... Hindi siya si Mei." Paninindigan ko.
Nabura ang emosyon sa mukha niya at isang beses na tumango. "Hm... Mal."
Fritzyland | Thank you for reading!
YOU ARE READING
THE DEAD GIRL HAS COME ALIVE
Mystery / ThrillerMei Yezidi is one of the best students at Murim School. She was killed by her half-sister, Mal Yaotzin, a year ago, but suddenly appeared again at Murim School as a new student. Mei Yezidi wants revenge for what happened in the past. During the proc...