EPILOGUE

717 70 27
                                    

Nanghihina akong naglakad patungo sa kinaroroonan nila Fenriz, Freon, at ang walang malay na si Eunecia. Pakiramdam ko'y naubos na ang lakas ko. Saka ko lamang naramdaman ang mga sugat sa katawan ko na napuwersa dahil sa ginawa ko kay Mal.

Nilibot ko ang paningin ko sa gubat, halos lahat ng mga estudyante kanina ay nakahandusay na sa putikan at ang iba'y batid kong tumakbo palayo rito sa gubat. Ngunit alam kong wala na rin naman silang mapupuntahan kahit anong takas nila. Ang apoy ay patuloy na nagsisikalat. Sira na ang eskwelahan. Maging itong gubat na ito.

Naabutan ko pa si Freon na kinakarga sa mga braso niya si Eunecia at paulit-ulit itong sinusuyo na huminga. Binalingan ko si Fenriz na nakatingin na sa akin. Ang mga mata niya ay kumikinang dahil sa mga namumuong luha.

"M-Mei.." Walang kasing lambing ang tinig niyang 'yon sa tuwing pangalan ko ang binibigkas.

Pinilit kong ngumiti sa kanya at nanlalambot na inilahad ang aking kamay. "U-Umuwi na tayo?"

Awtomatikong umawang ang mga labi niya, ganoon na lamang ang pag iyak niya sa kanyang mga braso. "I-Is it over? Sasama ka na sa akin, Mei?"

Nanghihina akong tumango at mas ngumiti sa kaniya. "Gusto ko nang magpahinga, Fenriz. Uwi na tayo."

Tinakbo niya ang pagitan naming dalawa at mahigpit na yumakap sa akin. Halos mapigil ko ang sarili kong hininga sa higpit nang yakap niyang 'yon.

Naramdaman ko ang kanyang hininga sa aking tainga. "Let's go home."

Tumango ako, humiwalay na siya ng yakap at parehong humawak sa pisngi ko. "I promise to take care of you. You will no longer live in pain. I'm here, Mei Mei. I want to stay with you forever."

Deretso siyang nakatingin sa mga mata ko. Ang mga salita niyang 'yon ang lalong nagpapahina sa akin. Kumibot ang labi ko at bigla na lamang akong napapikit nang tumulo ang aking luha. Alam kong madungis ang itsura ko, alam kong marumi akong babae, alam ko ring walang naging tama sa pagkatao ko. Pero bakit may isang tao ang kayang tumanggap sa akin sa kabila nang lahat ng 'yon? Hindi ko ng magawang mahalin at matanggap ang sarili ko. Pero bakit si Fenriz nagawa niya?

Ang totoo ay mas matindi ang galit ko sa sarili ko kumpara sa mga taong nanakit sa akin. Sana'y hindi na lang ako si Mei Yezidi. Sana'y ibang tao na lang ako. Kung mangyari iyon ay baka maranasan ko ring sumaya ng husto nang walang hinihinging sakit.

Pagod na ako.. Pagod na pagod na ako. Gusto ko na lamang magpahinga sa kahit na anong paraan.

"Freon, umuwi na tayo... kailangan nang maagapan ni Eunecia." anyaya ni Fenriz sa kaniya at sabay-sabay naming nlisan ang lugar.

Hindi ko na narinig ang sumunod nilang pag uusap nang sabay-sabay kong maramdaman ang mga sugat sa katawan ko. Saka ko lamang napagtatantong madami ng dugo ang nawala sa akin. Nanlabo ang paningin ko at nakaramdam ng pagkahilo. Talagang nanlalambot ako..

Maging ang pandinig ko ay nawawala-wala. Kamuntikan na akong bumagsak nang maramdaman kong may sumalo sa akin.

"M-Mei!" Naramdaman ko si Fenriz na umalalay sa akin subalit hindi ko siya makita nang malinaw. "Mei Mei! I'll t-take you home.."

Nadatnan ko na lamang ang sarili ko na nakapasan sa likod ni Fenriz at ang mabilis niyang pagtakbo. Gusto nang bumigay ng mga mata ko.. Gusto ko nang pumikit..

"D-Don't sleep, please, Mei Mei! Hang on!"

Lumanghap ako ng hangin at yumakap sa leeg ni Fenriz. Sa malakas na hangin na sumasalubong sa aking mukha ay batid kong gano'n na lang kabilis ang pagtakbo niya.

"M-Mei! 'Wag kang matutulog!"

"Hmm.." Padaing kong tugon kahit na ang totoo'y nakapikit na ang mga mata ko.

"Mei-Mei!"

"Ayos lang ako, Fenriz.." Mahina kong bulong.

Narinig ko ang munti niyang mura, nang magmulat ako ng mga mata ay naroon na kami sa gate ng Moorim. Ngunit nakasarado pa iyon.

"W-Where's dad? H-He's not here! He's supposed to be here!"

"H-Hintayin natin..." ani Freon.

"W-We can't wait for too long, mamamatay na sila!" pagtukoy niya sa amin ni Eunecia. Kinurot ko ang tagiliran niya na kinadaing niya pa.

"Fenriz.." Binaon ko ang aking mukha sa kanyang leeg at pumikit. "Mahal kita."

Naramdaman kong natigilan niya, maging ang bilis ng pagtibok ng puso niya ay nararamdaman ko. Matunog siyang napalunok at bumilis na ang sumunod niyang paghinga.

"Mei Mei!! N-Nagpapaalam ka na ba sa'kin? N-No.. please don't say that!" sa tinig niya ay talagang nababalot iyon ng takot.

Pareho kaming natigilang dalawa nang bumukas ang gate ng moorim. Hindi pa man iyon tuluyang bumubukas ay mabilis nang tumakbo si Fenriz upang lumabas. Bumungad sa amin ang nakakaisilaw na ilaw ng sasakyan.

Subalit hindi iyon nagtagal nang mamatay ang ilaw at lumabas mula sa sasakyan ang kanyang ama.

"D-Dad.." naramdaman ko ang pagiging emosyonal ni Fenriz.

"Mga anak!!" mabilis siyang sumalubong sa amin. Bahagya pang nagulat nang makita ang lagay ko. "Dalian niyo, at pumasok na kayo lahat dito sa loob!"

Maging sa pagpasok sa sasakyan ay naging maingat sa pag alalay sa akin si Fenriz. Mabilis na umandar ang sasakyan at talagang harurot iyon. Naging seryoso ako nang bumaling ako ng tingin kay ama. Nakatingin na rin siya sa akin nang seryoso.

"Handa ka nang pasabugin ang Murim School?"

Tumango ako ng dalawang beses. "Ito na ang oras."

Hindi ako ang siyang may hawak ng mga bomba, kundi nasa sa kanya. Napatingin ako sa aking kamay nang mahigpit na humawak doon si Fenriz. Nag angat ako ng paningin sa kanya at sinserong ngumiti. Napasinghap ako ng hindi ko inaasahang dadapo ang labi niya sa aking noo.

"You're safe now, Mei Mei." mahigpit siyang yumakap sa akin. "No one can hurt you anymore."

Napapakit ako nang maramdaman ang init sa aking mga mata. Ang puso ko ay sumasang ayon sa kanya. Napamulat lamang ako ng mga mata ng mula sa malayo ay lumiwanag ng napakalakas. Ang tunog ng pagsabog ay rinig na rinig kahit na malayo na kami at nasa loob ng sasakyan na patuloy lang umaandar.

Pinagmasdan ko mula sa labas ng bintana ang malakas na pagsabog na iyon. Wala na ang eskwalahan.. Wala na ang masasamang alaala..

Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko kung hindi ko pa nakita ang sarili kong repleksyon sa bintana.

Kasabay ng pagkawala ng mga malulungkot na alaala ay hindi ko rin maiwasang maisip ang mga taong espesyal sa paaralang iyon.

Inihilig ko ang aking ulo sa balikat ni Fenriz habang nasa labas pa rin ang aking paningin. Ipinatong naman niya ang kanyang ulo sa akin. Pinasadahan ko pa ng paningin si Freon at Eunecia na hindi napaghihiwalay at parehong nakapikit ang mga mata.

"Dad, we're going to marry." natigilan ako sa sinabi ni Fenriz.

Maging si ama ay nagugulat na bumaling sa kaniya. "You are too young to get married! At nakalimutan mo bang magkapatid ka---"

"WE ARE NOT!!"

Napangisi ako at hindi maiwasang mapatwa sa loob-loob ko. Ngayong nakalabas na kami sa bangungot ng eskwelahang iyon... panahon na para simulan ang bagong yugto ng aming buhay nang magkasama, at hindi na mauulit pang karanasan.





END

THE DEAD GIRL HAS COME ALIVEWhere stories live. Discover now