MEI'S POV
Nakayuko ang aking ulo habang nakatayo sa aking harapan si ama. Batid kong dismayado siya sa akin, ngunit hindi niya mapapantayan ang pagiging mas dismayado ko sa'king sarili. Naririnig ko nag pagtikhim niya at pagbuntong hininga. Mas lalo lamang akong napapayuko at napapatitig sa mga maliliit na bato sa lupang aming kinatatayuan.
"I don't know how to start, Mei Yezidi." Mahina niyang pagkausap sa akin. "I'm clearly disappointed in you.
"Patawarin niyo ako, ama." Pag hingi ko nang paumanhin.
Bigla na lamang bumakas sa aking alaala ang unang beses na tinawag ko siyang ama. Noong magmulat ako ng mga mata matapos ang gabing iyon, at ang itsura na hinarap niya sa akin. Napaangat ako ng paningin sa kaniya nang tinapik niya ang aking balikat.
"Talaga bang nagustuhan ninyo ang isa't-isa... more than siblings love?" Aniya na ikinalunok ko. Nagpakawala siya ng mabigat na hininga. "Sa inyong dalawa, ikaw ang may mas nakakaalam ng totoo kaya't sa'yo ko 'to sinasabi. Haa... Pero ano pa nga bang magagawa ko? Ang mahala ay hindi masama ang pagsasama niyo rito sa loob."
"Hmm..."
"Gusto mo na bang bumalik kasama namin at ako na'ng bahala sa lahat? O itutuloy parin?"
Dahan-dahan akong umiling-iling. "Gusto ko pong maghiganti, ama. Iyon ang dahilan kung bakit ako nabubuhay. At iyon ang huling bagay na gagawin ko bago mamatay."
"Don't say that! Lagi kitang poprotektahan. Hindi ba't iyon ang pinangako sa'yo?" puno ng pag-aalala ang boses niya. Tumingala ako para salubungin ang mga mata niya at nakita ang malungkot na paraan ng pagtitig niya sa akin.
"Hindi mo po kailangang mag-alala sa kalagayan ko... sapat na sa aking inaasikaso niyo ang ama ni Mal para maipaghiganti si mama."
"I feel very distant from you, even if you're also my daughter." Nag iwas siya ng paningin at tumingala sa kalangitan. "It's all my fault. I'm really sorry for what happened many years ago. I was too late."
Napalunok ako at napayuko muli sa mga daliri ko sa kamay na nuo'y puno ng mga peklat at sugat.
"But thank you... thank you for keeping your brother safe here, Mei. At hihintayin ko rin ang paglabas mo sa eskwelahang 'to sa oras na matapos ang lahat." Mas lumapit siya sa akin at marahan akong niyakap na parang isang tunay na ama, na minsan ay hindi ko naramdaman sa kinilala kong ama noon, naming dalawa ni Mal. Napapikit ako at dinama iyon. "It's your turn to make them suffer, Mei. Don't let your sister win this time again. I know it has never been a happy ending for you, and it makes me sad too." Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.
Unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi at yumakap sa kaniya pabalik. "Salamat po sa tulong niyo. Dahil hindi ko magagawa ang lahat ng 'to kundi dahil sa pagligtas niyo sa akin. At kayo na po ang bahala kay Fenriz."
"Hmm... Pagpasensyahan mo na ang sitwasyon ninyong dalawa sa ngayon. At sa ngayon ay kailangan na naming magpaalam, Mei Yezidi. Iuuwi ko na ang batang 'yon at ikaw na ang bahala sa mga susunod na hakbang mo. Mas magagawa mo ang mga plano mo kung walang sagabal sa iyo."
Umiling ako at kumalas sa yakap saka siya tiningala. "Kahit kailan ay hindi ko tinuring na sabagal si Fenriz. 'Di hamak na mas naging maganda ang mga araw ko rito dahil sa pananatili niya pero para hindi na siya madamay pa ay dapat lang na umalis na siya... bago rin mangyari ang kaguluhan."
Tumango-tango siya, mabigat ang mga smatang tumitig sa akin. "Thank you for everything, Mei."
Tipid akong ngumiti. Siguro'y mas nakikita ko na siya ngayon bilang isang tunay kong ama kung kaya't ganoon ako kakomportable at kapayapa sa kaniya. Hindi tulad ng aming tunay na ama ni Mal. Na siya pa mismo ang nagtutulak upang mapag laban kaming dalawang magkapatid. Kung nasaan man siya ngayon, sana'y matutuwa siya at hahanga sa kahahantungan ng laban namin ni Mal.
YOU ARE READING
THE DEAD GIRL HAS COME ALIVE
Mystery / ThrillerMei Yezidi is one of the best students at Murim School. She was killed by her half-sister, Mal Yaotzin, a year ago, but suddenly appeared again at Murim School as a new student. Mei Yezidi wants revenge for what happened in the past. During the proc...