FENRIZ'S POV
Matapos kumain ng hapunan ay binalikan ko ang maliit na kuting para isilong sa kuwarto namin ni Freon. Gumawa rin ako ng maliit niyang higaan sa ilalim ng kama ko kung saan siya hindi madaling makita.
Noong gabing iyon ay hindi ako masyadong nakatulog nang maayos dahil sa naging usapan namin ni Mei. Hindi maiwasang sumikip ng dibdib ko para isipin na wala na ang taong sinundan niya rito sa loob, at ang taong may pakana niyon ay buhay na buhay pa---umaaligid dito sa loob ng Murim.
"Psh! Basta ako hindi tatraydurin si Mei." binulong-bulong ko na lamang ang sama ng loob ko hanggang sa makaramdam ng pagkaantok.
Kinabukasan ay hindi ko inaasahan ang bubungad sa akin. Nakapaskil na sa bulletin board ng hall way ang mga ranking ng mga students. At unang-una ro'n si Mei!!
"Wow, paano niya nagawa 'yon?" namamangha at nababahalang usal ni Freon sa tabi ko.
Napalunok ako habang tinititigan parin ang pangalan niya sa kapiraso ng nakapaskil na papel. "H-Hindi ko rin alam... tanungin na lang natin."
"Sakto walang klase ngayon at sinabi ni Mei sa'kin kagabi na magkikita tayo sa bakanteng classroom."
Unti-unting umangat ang isa kong kilay na binalingan siya. "Nag-usap kayo? Bakit hindi niya sa'kin sinabi?"
Nginisihan niya 'ko. "Selos agad?"
Napaintag ako. "Nagtatanong lang!"
"Kalma, meron na 'kong Eunecia."
"Ha! You get me wrong." napaasik ako. Bakit ba kasi hindi na lang sa'kin sinabi ni Mei na magkikita? "Para saan ba? T'saka ano pang sabi niya?"
"Basta." Nagpa-una siyang maglakad at kaagad akong sumunod nang may nalulukot na noo.
Nilisan na rin namin ng tuluyan ang lugar na iyon matapos magkumpulan ang mga estudyante at mapuno ng sari-saring reaksyon, lalo pa't pangalawa lang sa listahan ang reyna-reyna nila na si Mal. Ayoko nang pakinggan pa 'yon at baka sumama na naman ang loob ko.
"Bilisan mo, malamang naghihintay na sila ni Eunecia ro'n."
Marami mang tanong ay tahimik lang akong sumunod sa kaniya kaysa maasar pa at pabalang niyang sagutin. Sa kalagitnaan ng paglalakad ay biglaan siyang lumiko ng landas at agad niya rin akong kinaladkad. Hindi na ako nagpumiglas pa. Tutal naman ay dadalhin niya ako kay Mei.
Nang makarating kami sa isang abandonang silid na puno ng mga armas at iba't-ibang tambak na kagamitan ay bumungad sa akin si Wendy na may malaking-malaking pagkakangiti sa akin. Kasama niya si Eunecia na lumapit agad kay Freon.
"Fenriz! Sa wakas dumating ka!" nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang pinulupot ang braso niya sa kanang braso ko at masiglang tumingila sa akin.
Hindi ko malaman kung bakit din siya nandirito at kung saan siya nakakuha ng kapal na mukha na gawin iyon sa'kin.
"Hm..." Hinatak ko ang sarili kong braso pero hinabol niya 'yon at hinatak pa ako papasok sa loob!
"Bakit ka nandito, Wendy?" Bakas ang hindi pagtanggap sa boses ni Freon nang itanong niya iyon sa kaniya nang makapasok kaming tuluyan sa loob.
"Ah! Narinig ko kasi kina Mei at Eunecia ang gagawin nila ngayon kay Fenriz kaya sumunod na rin ako! Tutal wala namang gagawin ngayon."
Ah... So hindi ka invited.
"Gagawin sa'kin?" Kuryoso kong tamong sa kabila ng pag-irap sa kaniya. "Anong gagawin?"
YOU ARE READING
THE DEAD GIRL HAS COME ALIVE
Mystery / ThrillerMei Yezidi is one of the best students at Murim School. She was killed by her half-sister, Mal Yaotzin, a year ago, but suddenly appeared again at Murim School as a new student. Mei Yezidi wants revenge for what happened in the past. During the proc...