CHAPTER 44

534 61 18
                                    

MEI'S POV


Kung kanina ay hindi ako kumurap, ngayon naman ay ilang beses pa akong napakurap habang pinagmamasdan ang kabuuan niya. Gusto ko na lamang patigilan sa pagtibok ang aking puso kaysa maramdaman ang lakas at bilis nang pagdaugdong nito. Bakit.. Bakit ko ba ito kailangang maramdaman?

"Not on my fucking watch." Naroon ang galit na diin sa kaniyang tinig habang dinidiinan ang pagkakakapit sa kamao ni Mal na unti-unti ring inilalayo sa akin.

Bakas na bakas ang pagkabigla ni Mal. "Bitawan mo 'ko at huwag kang makisali!!"

Ngunit napasinghap ang lahat sa gulat nang mabilis na ibinalibag ni Fenriz patungo sa kalapit na pader si Mal. Kumalabog iyon sa sobrang lakas dahilan upang mapaawang ang bibig ng lahat.

"Hell yeah. Who wants to hold your fuckin' filthy hand, anyway?" Matutunog na salita ni Fenriz sa kaniya na siya pa nitong kinaamang.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Halatang ininda ni Mal ang sakit ng pagkakahagis sa kaniya sa pader.

Gumalaw ang panga ni Fenriz. Ganoon lamang kadilim ang paningin niya kay Mal. Halos hindi ko mabasa ang kung anumang tumatakbo sa isipan niya ngayon. Paanong naririto siya? Anong nangyari sa kaniya kanina noong hinahanap ko siya?

Ganoon lamang ang pagkatigil ko sa kinapupwestuhan nang titigan ni Fenriz ang kabuuan ko. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagkuyom ng kaniyang kamao at ang pagsiklab ng galit sa mga mata niya. Galit din ba siya sa akin ngayon?

"Pakawalan niyo siya." Madiin niyang pag uutos, nasa likuran ko ang paningin. "Sinabi nang pakawalan niyo siya eh!!"

Sa lakas ng boses niya ay nagtunog nakakatakot iyon sa buong lugar. Awtomatikong nagsikalasan ang mga kamay na kaninang ayaw bumitaw sa akin kanina. Napapalunok akong hindi na makagalaw pa sa kinapupwestuhan. Muling nagtama ang mga mata naming dalawa. Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang emosyon niya.

"Get up, please." Marahan, nangungusap niyang sabi sa akin. "I hate seeing you like this, Mei!"

Nagbaba ako ng paningin. Nang akma na sanang tatayo ay napaangat ako ng paningin dahil sa biglaang pag atake ni Vee kay Fenriz. Ngunit sa halip ay si Vee pa ang siyang tumilapon sa sahig dahil lamang sa kaunting pagtulak sa kaniya ni Fenriz.

Tuluyan akong tumayo at napabaling kay Mal na kasalukuyang umiling-iling. Maya-maya pa ay sarkastiko na siyang tumatawa at pumapalakpak. Dahilan upang mapatingin ang lahat sa kaniya.

"I see! Wow! Ang galing naman!" Namamangha, natatawa siyang tumingin kay Fenriz. "Itong si Mei pala ang gusto mo, huh, Fenriz? Wow! Sa dinami-dami ng babae? Siya pa talaga? What the heck is that? Kalokohan!"

Nag igting ang panga ni Fenriz at nginisihan siya. "Mas isang kalokohan kung sa tingin mo na ikaw ang gusto ko."

Mapaklang tumawa si Mal. "You're unbelievable, Fenriz Wolf. Ayos ka na sana para sa'kin. Kaso malalaman ko na panig ka pala sa maduming babaeng ito." Tinuro niya ako at nginisihan. "Itong babae na ito na mahina. Nagmamakaawa sa tuwing sinasaktan! Umiiyak sa tuwing pinagkakaisahan! Walang kalaban-laban! Isa kang duwag, Mei Yezidi! Sana talaga ay namatay ka na lang!! I wish you were dead and never came back alive!---"

Nahinto siya sa sinasabi nang mabilis siyang sugurin ni Fenriz na kinagulat na naman ng lahat. Pinagdiinan siya nito sa pader kasabay nang paghawak nito nang madiin sa kaniyang leeg.

"Those brutal words of yours make me want to cut your tongue." Nagdidilim sa galit na sambit ni Fenriz sa kaniya.

Sandali akong natigilan lalo pa nang makita kung paano niya ipitin sa sariling mga palad ang leeg ni Mal na ngayon ay nahihirapan na sa paghinga. Kusa na lamang gumalaw ang aking mga paa upang humakbang papalapit sa gawi nila kung hindi lamang dumating si Freon na mabilis umawat kay Fenriz.

THE DEAD GIRL HAS COME ALIVEWhere stories live. Discover now