CHAPTER 41

427 54 2
                                    

FENRIZ'S POV


Nang makabalik ako sa field ay saktong nagsimula na ang pangalawang half. Todo pangaral pa sa amin si coach bago kami pinalusong sa laro. Ang amigos ang magsisimula ng laban, nakapuwesto na si Fawadz sa pinakagitna habang kami ay nakapalibot sa kaniya. Matalim at deretso ang pagkakatitig niya sa goaling line kung nasaan nakaabang si Valdez.

Lahat ay seryosong naghihintay ng pito ng referee. Ngunit ako ay todo ngiting kumakaway kay Mei mula sa stadium! Suot-suot pa rin niya ang pink panther na costume kung kaya't wala talagang makakaalam na siya iyon. Ang wirdo talaga ng babaeng 'yon! Pero sa tingin ko ay mas wirdo ako, dahil tinamaan ako ng husto sa kaniya! Hahahaha!

Dahil sa pagtitig ko sa kaniya ay saka ko lamang napagtanto na pumito na pala ang referee at nagsimula na silang magtakbuhan! Humabol ako sa pagtakbo at hindi malaman kung saan ba ako tutungo. Sipa-sipa ni Dallas ang bola at nakatingin na siya sa akin. Bigla naman akong kinabahan! Putcha 'di ako ready! Malakas niyang sinipa ang bola upang papuntahin sa akin pero hindi nga ako ready! Si Hadrien ang siyang nakasalo ng bola at kinakabahan naman akong nakipagsipaan sa kaniya!

"Chicken legs." Nakakainsultong sabi niya sa akin habang nakangisi!

Sa halip na bola ang sinipa niya ay ang binti ko ang tinamaan! Napangiwi na lang ako sa sakit dahil do'n at tumigil sa pang-aangaw ng bola. Libre siyang nakatakbo papalayo nang wala akong nagawa. Tuloy-tuloy naman ang paghabol sa kaniya ng team ko. Napapailing na lang akong sumunod sa kanila.

Kinakabahan ako dahil alam kong nanonood si Mei sa akin. Kung kanina ay hindi ako mapakaling nakakapaglaro dahil sa pag-aakalang wala siya, ngayon naman ay hindi parin ako mapakali dahil alam kong nakatutok siya. Nanlalamig ang kamay ko at para bang nawawala ako sa sarili. Tuloy ay hindi ko alam ang dapat na sana'y gagawin ngayon. Si Mei-Mei lang talaga ang may kakayahang magpalipad ng mga paru-paru sa tiyan ko. Talagang nakakakaba!

"AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS! AMIGOS!"

Palakas nang palakas ang sigawan ng mga estudyante dahil malapit na si Hadrien sa goaling line! Nagtilian ang lahat nang sipain niya ang bola sa ere, lampas sa kaniyang ulo. Lumundag siya ng mataas at pinasok ang bola gamit din ang sarili niyang noo!

"GOOOOOOOOOOOOOOOAAAAAAAAAAAALLLLLLLLLLLL!!!!!!!"

Parang nagwala ang halos lahat ng estudyante sa kanilang panig! Samantalang kami ay natahimik at kailangan pa ring gumalaw sa kinapupwestuhan. Lumapit sa aking si Freon at malakas na tinapik ang likod ko.

"Ikaw na ang sisipa sa kickoff! Galingan mo, Wolfie!" Sinapak niya ang dibdib ko.

Matunog naman akong napalunok at napatitig sa kaniya. "Freon, k-kinakabahan ako."

"Ay sus! Kanina pa tayo narito sa field, kinakabahan ka pa rin?" napatawa siya.

"Hindi naman dahil doon! Si Mei kasi! N-Nanonood siya e, kaya kinakabahan ako."

Nanlaki ang mga mata niya. "Nandito siya? Weh? Nasaan? Bakit hindi ko naman siya makita kanina pa?"

Naagsalubong ang mga kilay ko. "Hinahanap mo ba siya kanina pa? Bakit?"

Natigilan siya sa tanong. Sumama naman ang mukha ko. Kung gano'n ay hindi lang ako ang naghihintay sa kaniya!? Sinasabi ko na nga ba, Freon!

"H-Hoy! Hindi naman sa gano'n! Mali ka ng iniisip!" Pabiro niya akong tinulak pero hindi ako natutuwa.

THE DEAD GIRL HAS COME ALIVEWhere stories live. Discover now