CHAPTER 21

398 53 0
                                    

FENRIZ'S POV



"Gusto kita, Mei Mei..." Humigpit ang yakap ko sa kanya. "Gustong-gusto kita."

Malamig ang bawat hampas ng hangin, lalo akong nanginginig sa naghalong kaba at takot sa kaniya. Natatakot ako sa kung anong pwede niyang sabihin, sa kung anong pwedeng mangyari sa amin ngayong inamin ko ang nararamdaman para sa kaniya.

Lumipas ang isang minuto na saka ko lamang napagtanto ang nangyayari! Ang ginagawa at sinasabi ko! Nanlalaki ang mga mata ko at kaagad napabitaw sa kaniya ng pagkakayakap! Gulat na gulat ako sa sarili ko habang nakatingin sa kaniya!

Ano bang inaasahan ko! Gusto ko bang maparusahan?! Bakit hindi ko pa galingan ang paglabag sa rules!! AHH! Fenriz you, idiot! Shameless!

Gusto kong sampalin ang sarili ko nang paulit-ulit! Masyado akong madala sa sarili kong emosyon dahil sa mga narinig ko kay Freon!

"Fenriz." Walang 'sin lamig ang kanyang tinig.

Hinarap ko siya at pilit na pinupunasan ang mga luha ko. Nanginginig ang aking mga labi kahit anong kagat ko dito. Pinangungunahan na ako ng takot.

"Mei-Mei..." Hindi ko siya magawang tingnan ng deretso. "H-Hindi ko sinasadya..."

"Hindi sinasadyang alin?"

"Na m-magustuhan ka.." Napatakip ako ng bibig sa muli kong pagbulgar sa sarili. "Ang ibig kong sabihin--!! Hindi ko sinasadya lahat ng sinabi ko ngayon at pati pagyakap sa'yo!! Walang malisya 'yon!"

"Ha? Ginagawa mo ba akong tanga, Fenriz?"

"H-Hindi!! Ang ibig kong sabihin---oo gusto kita! Pero bilang kaibigan! 'D-Di ba? K-Kaya kahit anong nakaraan mo, hindi magababago ang pagtingin ko sa'yo! Gustong-gusto parin kitang maging kaibigan!"

Narinig ko ang matunog niyang pag-asik dahilan para mapaintag ako. Nararamdaman ko ang titig niya sa akin at hindi niya iyon inaalis. Napayuko ako sa kahihiyan sa sarili. Kasalanan 'tong lahat ni Freon!! AHH!!

Paniguradong iiwasan niya ako o hindi kaya ay palalayuin ulit! Ayaw ko ng mangyari 'yon gaya ng nakaraang mga araw.

"S-Sorry... Si Freon kasi eh," Bigla ay nakaramdam ako ng inis. "Kung hindi niya kasi sinabi sa akin na..."

"Patay na ako?" Pagtuloy niya sa sinasabi ko.

Nakagat ko ang ibabang labi. Kinurot-kurot ko ang nga daliri ko sa kabang nararamdaman. "H-Hindi ko 'yon kayang paniwalaan. Lahat sila natatakot sa'yo. Maging si Freon. Marami akong naririnig na isa kang multo o hindi naman kaya ay engkanto.. May mga nagsasabing hindi ikaw si Mei Yezidi.. Ibang tao ka na raw. Tapos may mga nagsasabing d-demonyo ka..." Napayuko ako. "Ang sabi naman ni Freon," Napalunok ako at hindi magawang ituloy ang sasabibin.

Yukong-yuko na ang ulo ko at halos mapanguso na lamang. Narinig ko ang pagtawa niya na kinainit pa ng mga pisngi ko! Nakakahiya ang mga lumalabas sa bibig ko!

"Talagang lumabas ka pa sa oras ng curfew para lang sa ganitong bagay?" Nakangisi man ay seryoso ang mga mata niya. "Alam mo ba na delikado ngayon?"

"Ha! Lagi namang delikado sa school na 'to."

Bumuntong-hininga siya. "Mas espesyal ang araw na 'to... dahil may mga estudyanteng naghahanda na sumugod sa'kin ngayon."

Natigilan ako at hindi makapaniwala siyang tiningnan. "Nagbibiro ka ba?"

Umiling-iling siya. "Bumalik ka na sa kuwarto mo at magpahinga, Fenriz."

"Ha? E-Eh ano namang gagawin mo rito, Mei? Alam mo namang may kaparusahan kapag lumabag ka sa rules! Makikipag-away ka ba ngayong gabi?"

Nagpakawala siya ng hininga. "Kailangan mo nang pumasok sa loob, Fenriz."

Nagsalubong ang mga kilay ko at gano'n na lang kalukot ang noo ko! Mukhang hindi siya makikinig! Talaga bang gagawa siya ng kalokohan ngayon! "Hindi ako babalik nang mag-isa! Bakit hindi na tayo sabay na bumalik!"

Hinatak ko ang kamay niya at akma na sana siyang hihilain nang ilapit niya ang kaniyang bibig sa aking tainga. "Fenriz." Napakaseryoso nang kaniyang boses. Bigla na lamang lumakas ang ihip ng hangin at mayroon siyang ibinulong sa akin. "May matang nakamasid sa atin ngayon."

Namilog ang mga mata ko. "Mei..."

Sa akin nakaharap ang ulo niya ngunit ang mga nata ay pasimpleng nasa malayo ang tingin. "May nakatutok sa'ting pana." Nanliit ang mga mata niya na para bang may tinatanaw.

Bumilis ang pintig ng puso buhat ng kaba. "A-Anong---"

Hindi ako nakagalaw, mabilis niya akong hinawakan sa magkabilang braso at inilipat ng pwesto sa kaniya. Nagpalitan kami ng pwesto sa sa isang segundo lamang. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay nadatnan ko na lamang siya na hinarang ang sarili upang hindi ako matamaan ng bala ng pana. Ngunit sa halip, siya ang natamaan...

"MEI-MEI!!!"



Fritzyland | Thank you for reading!

THE DEAD GIRL HAS COME ALIVEWhere stories live. Discover now