CHAPTER 32

378 49 0
                                    


MEI'S POV

Kasabay ng pag-agas ng tubig sa gripo ang paglabas ng mga dugo sa likuran ko. Kakaiba nga naman ang latigo ni Dean Chicago. Hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang iniwan niyang markha.

Kaunti na lamang ang panahon na kailangan kong tiisin. Kaunting buwan na lamang ang aking hihintayin. Ibabalik ko ang sakit na naramdaman ko noon, Dean Chicago.

Niligo ko ang katawan sa napakalamig na tubig na umaagas sa gripo. Ang tubig na dapat malinaw ay nahaluan ng kulay pula. Hindi lamang ito ang una o pangalawang beses na naligo ako sa sariling dugo. Kaya naman lumalakas ang pagkadesperado kong bumawi ng buhay sa mga gumawa sa akin nito.

Lahat ay nadadaan sa tamang panahon. Matatapos din ang lahat ng 'to sa pagdating ng araw na pinakahihintay ko.

"Mei? Nandiyan ka ba sa loob?" Kumatok sa pintuan ng banyo si Eunecia. "Mag-hahapunan na, kakain na tayo at naghihintay na sila sa canteen."

"Hmm," padaing kong tugon.

"Mauuna na ako, ah?"

Nagpakawala ako ng marahas na hininga. Tumayo ako at nagsuot ng pantapis sa katawan. Tinuyo ko ang sarili at nagsuot ng mahaba at puting bestida. Nang matapos sa pagsuklay ng aking buhok ay lumabas na ako ng dorm. Tinahak ko ang daan patungong canteen at naroon na nga sila.

"Mei-Mei!" Bungad ni Fenriz sa akin. Preskong-presko ang bangas sa pisngi at labi niya na ako mismo ang may gawa. Marahil ay tinadtad ko siya ng walang tigil na pag-eensayo kaya't ganiyan ang inabot niya.

Dumikit siya sa akin at bumulong-bulong. "Alam mo ba na usap-usapan ngayon ang pagging pangalawa sa ranggo ni Mal Yaotzin? Narinig ko na nagwawala siya kay Dean Chicago dahil panigurado raw na may daya 'yung nangyari nung gabing 'yon! At malamang, hinding-hindi nila matatanggap na ikaw ang nangunguna sa ranggo..." walang tigil ang pagbibigay niya ng balita sa akin na para bang nasagap lahat ng impormasyon. Napangiwi na lang ako, at magkatabi kaming naupo sa bakanteng upuan. "Ha! Hindi ko talaga ma-gets kung bakit gustong-gusto nilang lumabag sa mga batas at mandaya, pero ayaw na ayaw naman nilang naiisahan! Hindi ba? Ika nga, 'don't do unto others what you don't want done unto you!'"

Tahimik lang akong nakinig sa pinagkukwento niya. Lahat, kinuwento niya sa akin simula nang magmulat ang mga mata niya hanggang sa matapos kaming kumain.

"Sige, bukas na lang ulit." Pagpapaalam ni Eunecia kay Freon at Fenriz nang marating namin ang kuwarto nila.

"Goodnight," Palihim silang naglandian. "Mahal ko."

Napalabi ako. Kahit na bumulong pa sila ay rinig na rinig naming tatlo sa gilid.

"Psh! May mahal ko pang nalalaman, humaharot naman sa ibang babae." Pagpaparinig ni Fenriz.

"Ha? Bakit, ano 'yon?" Tumaas ang kilay ni Eunecia. "Fenriz?"

Ngumisi siya at akmang tutugon nang harangan siya ni Freon. "Wala 'yon! Nababaliw lang 'yan si Wolfie!"

Masungit si Eunecia at kaagad naging sensitibo. "Ayusin mo lang, Freon. Hihiwalay talaga ulo mo sa katawan mo."

"W-Walang iba, Eune!" natataranta at galit nyang binalingan si Fenriz na siya namang kinanguso nito.

Maya-maya'y binalingan niya ako at nagpaalam. "Mei-Mei, goodnight."

Tumango ako. "Hmm...matulog ka na."

Bagaman mas nauuna ang kuwarto nila kaysa sa aming mga babae ay hindi na kami pumayag na nagpahatid sa kanila. Pinanod kong pumasok si Fenriz sa loob at kalauna'y sumunod na rin si Freon kaya't umalis na rin kami.

THE DEAD GIRL HAS COME ALIVEWhere stories live. Discover now