MEI'S POV
Pinanood ko si Fenriz na kumaripas ng takbo pagkatapos sumigaw habang pinamumulahan ng mukha. Naitabingi ko ang aking ulo, hindi mawari kung nahuli ko ba ang kiliti niya o kinilabutan siya sa sinabi ko.
Pabuntong-hininga akong naglakad sa madilim na pasilyo patungo sa kawalan. Napakaliwanag na ng bilog na buwan sa kalangitan at nagsisimula nang magpahinga ang iilan sa kani-kanilang mga kwarto, habang ang lahat ay kumakain parin sa canteen. Iilang ilaw lamang sa mga poste ang nakabukas kung kaya't may kadiliman sa paligid.
Natigil lamang ako sa ginagawa nang makarinig ng mga yapak ng paa na panigurado akong naglalakad papalapit sa gawi ko mula sa likuran. Palihim akong napangisi at tinuloy lamang ang paglalakad. Nang makarating sa bahagi ng gubat ay saka lamang ako huminto sa paglalakad.
Natigil na ang mga yapak ng taong iyon kasabay ng paghinto ko. Ramdam kong limang metro ang layo niya sa akin. Dahan-dahang akong tumalikod upang harapin siya at napangisi nang malamang hindi nga ako nagkakamali.
Nagsalubong ang paningin naming dalawa at naroon agad ang nananaliksik niyang mga mata. Ang isa niyang kamay ay mayroong hawak na kinakalawang na bakal na hinahaluan patusok sa alambre. Nakatutok na iyon kaagad sa akin.
"Mei Yezidi." Nagkikiskisan ang kaniyang mga ngipin sa umaalab na galit. Mukhang handang-handa siya sa pagsugod sa akin.
"Rimmon." Sambit ko sa kaniyang pangalan. "Kumusta kayo ni Ashlee?" Nang aasar ko pang tanong.
Kumibot ang labi niya. "Hayop ka, Mei Yezidi."
"Huli kong kita sa inyo ay magkalapat pa ang mga labi niyo, ah?"
Nag-igting ang kaniyang panga at nagdilim ang mga mata. "Sa tingin mo ba hahayaan kita sa mga plano mo, ha?"
"Hindi naman ako tanga, Rimmon. Kitang-kita na nga sa itsura mo ngayon na hindi mo ako hahayan." Sarkastiko kong tugon.
Tinaas niya ang bakal na hawak. "Alam mo na pala kung ano ang bubungad ko sa'yo?"
Humigpit ang pagkakahawak niya sa dala-dalang armas. Nang muling magtama ang mga mata namin ay nakita ko kung paano niya itago at pigilan ang galit. Nag-aapoy ang kaniyang mga mata, napaka-agresibo kung umasta na para bang iniisip na kung paano ako brutal na patatahimikan nang sa gayon ay hindi sila maparusahan ni Ashlee.
Nakaisip naman ako ng paraan upang palalimin pa ang kaniyang galit. Bahagya akong naglakad papalapit sa kaniya.
"Alam mo ba na katumbas ang katumbas ng paglabag niyo sa batas ay ang paglatay ng latigo ni Dean Chicago nang isang daan? " Napailing ako. "Nakakaawa... Isipin mo na lang kung tumama iyon sa maselang likod ni Ashlee... Mabubuhay pa kaya siya? Eh ikaw kaya? Mabubuhay ka pa kaya? Gayong mas maselan ka kaysa sa kaniya?"
Nakuntento ako nang marinig ko ang malalim niyang paghinga. Madilim na madilim ang kaniyang awra, hindi inaalis ang paningin sa akin.
"Nakapagtaka na ikaw ngayon ang sumusugod sa akin na walang ibang kasama." Hindi ko napigilang tumawa. "Kailan ka pa nagsimulang tubuan ng bayag?"
Nalukot ang kaniyang mukha. Hindi na napigilan ang galit at malakas na sumigaw kasabay ng pagsugod sa akin.
"FUCK YOUUU!!" Itinaas niya ang armas na akmang ihahampas sa akin. "Mamatay ka na!!!"
Hindi ako pumayag na matamaan nito. Bawat tangka niyang paghampas sa akin ay nakakailag ako. Panay ang yuko ko sa iba't ibang posisyon habang siya ay hindi malaman kung saan ako mahahampas.
"Aaahhh!!!" Inisan niyang sigaw nang hindi tumitigil sa paghampas ng mapusok na bakal.
Natatawa akong umilag-ilag. Bawat hampas niya ay binibigay niya ang buong lakas kung kaya't matunog itong humahampas sa hangin. Samantalang bawat kilos ko ay magaan na hindi pinapagod ang aking sarili. Kapapalit ko lang ng damit pantulog, ayaw ko itong madumihan ng kawalang ng bakal o kaya'y mapawisan ko man lang.
"Kaya pa ba?" Insulto kong tanong.
Sa halip na sumagot ay muli siyang sumugod sa akin. Malakas na sumigaw na parang nilalabanan ang lakas ng ulan.
"FUCK YOU MEIII!!! DIE YOU ASSHOLE!!!"
Bumwelo siya ng malakas upang ihampas muli sa akin ito. Sa pagkakataong ito ay hindi na ako umilag pa. Sinalo ko gamit ang isang kamao ang bakal na puno ng patusok. Nagugulat siyang tumititig sa akin nang makita ang pagtalsik ng dugo sa kaniyang mukha mula sa aking palad. Hindi ako gumawa ng kahit anong reaksyon dahil wala naman akong naramdamang sakit buhat nito. Nanlalaki ang mga mata niyang nakipagtitigan sa akin. Mas nilapit ko ang mukha ko sa kaniya. Ngumiti ako at mas binaon pa ang aking palad sa patusok-tusok ng hawak niyang armas.
"Payo lang, Rimmon. Kung magtatago kayo ng sekreto ng nobya mo, galingan niyo. Ayan tuloy, nagkakadaugaga kang mapatahimik ako." Ngumisi ako. "Sa susunod, isama mo na rin si Ashlee... baka siya makatama pa sa akin."
Dahan-dahan siyang napalunok. Hindi niya magawang ialis ang paningin sa akin. Inagaw ko sa kaniyang kamay ang bakal saka ko siya itinulak palayo sa akin gamit ang isang kamay.
"Sa akin na lang 'to, ang angas eh." Pinagmasdan ko ang armas saka hinugot ang nakabaon na patalim niyon sa palad ko. "Nakakabutas 'to ng palad..." Maganda sigurong ibigay kay Fenriz.
Ilang linggo nang nag-aaral ang lalaking 'yon dito pero hindi parin magaling humampas ng kampilan. Ilang araw at isang linggo na lang ay magkakatapusan na ulit. Kahit sarili niya ay mukhang mahihirapan siyang proteksyunan. "Tsk, tsk, tsk!"
"M-Mei.." Napaatras siya. "Who the fuck are you?" Napaatras siya ng napaatras. Bakas na bakas na ang takot sa itsura. "No... Hindi ikaw... Hindi ikaw si Mei!"
Bumilis ang paghinga niya dala ng tako at kaba. Nakikita ko iyon habang pinakatitigan siya. Naitabingi ko ang aking ulo at may pagtataka siyang tinitigan. "Ako si Mei, Rimmon."
"Hindi siya ikaw!! M-Matagal nang patay si Mei... Magkaibang-magkaiba kayo!!"
Talagang hindi ko maiwasang malito sa kanila kung ako ba talaga ang Mei na hinahanap nila o hindi. Napangiwi ang labi ko nang makita si Rimmon na kumakaripas na ng takbo! Hindi ko maiwasang mapatawa. Subalit nawala iyon nang may makitang guwardiya na may hawak ng flashlight. Dahil wala na akong pagkakataon na tumakbo ay mabilis na lamang akong umakyat ng puno. Nagtago ako sa makakapal na dahon niyon at namahinga sa makapal at matibay na sanga. Nakakaginhawa ang posisyon na nahanap ko at piniling manatili roon ng ilang oras.
Hindi talaga ako nagkakamali. Alam na alam ko ang bawat kinikilos ng mga grupong 'yon. Kahit ano pang pagpaplano nila, tsk! Kahit dumikit ka pa sila kay Mal. Wala na silang mapapala. Dahil una pa lang, sinasabayan ko lang ang mga kalokohan nila. Lalo na si Dean Chicago.
Fritzyland | Thank you for reading!
YOU ARE READING
THE DEAD GIRL HAS COME ALIVE
Mystery / ThrillerMei Yezidi is one of the best students at Murim School. She was killed by her half-sister, Mal Yaotzin, a year ago, but suddenly appeared again at Murim School as a new student. Mei Yezidi wants revenge for what happened in the past. During the proc...