STARTING POINT.............
Hokkaido japan: December 16 1966
Umuulan ng nyebe ng gabing iyon,ang bawat pamilya sa kani-kanilang bahay ay magkakasama,nagtatawanan,nagkukwentuhan at nagsasaya dahil sa paparating na kapaskuhan.bawat bahay na madaanan ay maaamoy mo ang simoy ng hanging nanggagaling sa hotpot na isa sa mga tradisyunal na kinakain ng mga tao rito,ang pagsasalu-salo ng bawat miyembro ng pamilya ay simbolo rin ng pagkakaisa at pagmamahalan
"Oh mga anak,maghugas na kayo ng kamay at tayo'y kakain na!"
Napatingin ang magkapatid na lalaki na nasa siyam na taong gulang sa babaing nakapameywang pa sakanila,kakamot-kamot sa ulo na tumayo ang dalawang bata at tinapos na muna ang kanilang paglalaro.ayaw nilang mas lalo pang magalit ang nanay nila dahil kapag nagkataon ay baka palo sa puwit ang kanilang abutin
"Mahal,galit ka na naman? Pwede mo namang pakiusapan ang dalawang bata eh?"
"Haynaku! Sato alam mo naman 'yang mga anak mo? Puro pasaway at kaylangan ko pang tarayan bago sumunod!"
Naputol lang ang pag-uusap ng mag-asawa ng makabalik na ang kanilang mga anak galing sa paghuhugas ng kamay,matapos ay kani-kaniyang upo na sa maliit na unan sa kani-kanilang pwesto para kumain,napakasaya ng oras na iyon para sa mag-anak dahil palagi silang magkakasama at nagba-bonding sa hapag
Natigil ang pagtatawanan ng mag-anak ng may biglang kumatok sa pintuan,takang nagkatinginan ang mag-asawa habang abala ang dalawang anak nilang lalaki sa pagpili kung ano ang uunahing kainin sa hotpot na nananatiling pinapakuluan
"Mahal may inaasahan ka bang bisita?"
Napailing si Mina sa asawang si Sato,para masagot ang katanungan ay tumayo ito at nagtungo sa pintuan,nakalipas ang ilang minuto pero hindi pa nakakabalik si mina kaya nagtaka na talaga si sato,nilingon nito ang isang anak pagdaka'y inutusan
"Shin,pakitignan mo nga ang nanay mo?kanina pa nagtungo sa pintuan para tignan kung sino ang kumakatok pero hindi pa bumabalik,lalamig na ang pagkain"
"Opo itay!" Agad tumalima ang bata saka na nagtungo sa daanan papuntang pintuan,habang hinihintay ay tinapik ni sato ang kamay ng anak dahilan para magulat ang huli
"Ano ka ba San? Wag puro karne ang kainin mo,tirahan mo ang iyong ina at si shin,kainin mo itong kabute at patatas para lumakas ka!"
Sasagot pa sana si San ng makarinig sila ng napakalakas at matinis na sigaw ng batang lalaki,nagkatinginan muna si san at sato bago tumayo at patakbong tinungo ang kinaroroonan ni shin.Halos manlaki ang mga mata ng mag-ama ng makita si shin,nakaupo paharap sa pintuan,may tinuturo ito gamit ang nanginginig na kamay
Hindi makapaniwala si san at sato ng makita si mina,nakasabit sa pintuan ang walang buhay nitong katawan at halos hindi na makilala dahil sa puno ito ng sariling dugo.dilat na dilat pa ang mga mata at nakanganga na halatang nahirapan bago tuluyang malagutan ng hininga,gumapang si shin papunta sa dalawa na nanginginig,maging si san ay pumalahaw na ng iyak sa nakikita
Hindi pa man sila nakakahuma ay may isang babae ang biglaang sumulpot sa harapan ng pinto.kung mamasdan ay muka lang naman itong ordinaryong tao pwera lamang sa bibig nitong puno ng dugo,maging ang kamay nito ay puro dugo,ang lente ng mata nito ay kakulay narin ng dugo,kababakasan narin ito ng pagkaputla na animo'y hindi kaylanman nasinagan ng araw ang balat

BINABASA MO ANG
Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]
VampiroAfter the tragic escape from his parent's gruesome death,San hides from the forest far away from the city and trained himself to become the strongest and bravest vampire assassin to seek revenge from his parent's death. However to San--things turned...