PROLOGUE

365 5 2
                                    

This story is a product of the author's imagination. Mentioned places, characters, events, names and person living or dead are used in a fictitious manner. Any resemblance to the actual places, characters, events, names and person living or dead is purely coincidental. Unethical practices such as plagiarism is prohibited and is punishable by law.

PLAGIARISM IS A CRIME.

©All Rights Reserved

-PamelaLodia

A/N:

Sana ay hanggang dito suportahan ninyo ako! Maraming salamat! Mahal ko kayo.❤

Warning: Errors are present ahead.

*****

Le Marais, France
10:50 pm


"Comment est-elle? L'a-t-elle déjà découvert?" isang hindi pamilyar na boses ang gumising sa akin. Pilit kong pinapakiramdaman ang sarili, ngunit sadyang pinanghihina ako ng sakit at mga sugat sa katawan dahilan upang hindi ko masyadong magawa ang dapat. (How is she? did she already find out?)

Pinilit kong inangat ang ulo. Gusto kong malaman kung nasaan ako, maging kung sino ang nagmamay-ari ng mga boses na naririnig ko. Unti-unting sinalubong sa mga mata ko ang puting liwanag nang marahan kong binuksan ang aking mga mata.

Kasunod niyon ang pagbungad ng makalat na paligid at hindi pamilyar na imahe ng mga tao. Nanghihina kong inaninag kung sino ang mga iyon ngunit sa kasamaang palad ay hindi ko nagawang makilala.

Napansin kong nakatali na ako sa upuan, parehong kamay at paa. Hinding-hindi ako hahayaang makawala.

"Content que tu sois réveillé, Gassia Allarie!" ganoon nalang ang gulat ko nang mangibabaw ang nakakakilabot na tinig ng isang lalaki. Mahihimigan ang sarkastikong tono. (Glad you're awake, Gassia Alarie!)

Hindi ko nakikita ang mukha niya sapagkat natatabunan siya ng dilim. Hinintay kong marinig ang tunog ng sapatos niyang papalapit sa akin. Nang tuluyan nang masakop ng liwanag ang kabuuan niya ay ganoon nalang ang pagkunot ng noo.

Hindi ko siya kilala. Hindi ko kilala ang taong ito.

"Content que tu sois réveillé, Gassia Allarie." muli ay inulit niya ang naunang tinuran. Ngunit mas pinababa ang sumeryoso ang tinig. Naghatid ng kilabot sa akin iyong paraan niya ng pagtawag sa pangalan ko.

"Qui êtes vous?" galit man ay pinili kong pakalmahin ang boses ko.

Matunog siyang ngumisi at binuntutan iyon ng halakhak. Nanunuya at anumang oras ay handang sunggaban ako ng sapak. Napakaarogante ng kilos maging ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi mo nananising magbiro. Ngunit hindi uubra ang ganoong katangian niya sa akin. Hindi ako natatakot sa kanya.

"Bonjour, Gassia..." hindi ko nagustuhan ang pagtawag niya sa ganoon kong pangalan. "I am Israfel Tanis, pleasure to finally meet you." malademonyo siyang ngumiti sa akin.

Kahit alam niyang nakatali ang kamay at paa ko ay nanunukso niyang inalahad sa akin ang kamay upang makamusta ako. Gago. Naaasar kong diniraan ang kamay niyang nakalahad sa harap ko.

Ganoon nalang ang pagngisi ko nang makita ko siyang mainis sa akin. Hinihintay kong tumindi pa ang galit niya sa akin.

"Merde!" sigaw niya at akmang sasapakin ako nang may mangibabaw na boses ng isang babae. Pati iyon ay hindi pamilyar sa akin.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 2Where stories live. Discover now