KAZE'S POV
"Hindi ka ba uuwi sa unit mo?" tanong sa akin ni Rex nang madatnan niya ako sa kusina.
Umiling ako kasabay nang pag bukas ko sa draw at kumuha ng baso doon. Nauhaw ako sa kakasigaw.
"Mamaya pa siguro." sagot ko at kumuha ng malamig na tubig mula sa dispenser saka ko nilagok iyon.
"Umuwi ka na, kaya na namin to dito." boses ni Jax na nasa hamba ng malaking pinto mula sa sala. Mula rito ay natatanaw ko siya.
Umirap ako at inilagay ang hawak kong baso pabalik sa dishwasher.
"Bakit ba at lahat kayo ay pinapauwi ako?" may bahid ng inis sa boses ko. "Dito ang bahay ko, baka di niyo alam. Tss." sa pangalawang beses ay pareho ko silang inirapan.
"Kahapon pa kasi tawag ng tawag sa akin si Kate, gusto kang makita ng kaibigan mo...alangan namang dalhin natin siya dito?" sarkastikong ani Jax na bahagyang lumapit sa amin.
"Bakit? Ano bang kailangan niya?" tanong ko.
"Ikaw nga, Tsk! Bahala nga kayong mag usap ni Rex. Nakakabobo ka." asik niya at padabog na iniwan kami. Kunot noo ko siyang sinundan ng tingin. Bakit ganoin nalang ang inis niya. Tss.
Napailing nalang ako sa biglaang inakto niya. Huwag ako, tss. Baka siya ang gustong makita si Kate. Utot niya.
"Hoy, Jax!" sigaw ko nang hindi siya nililingon mula sa sala. "Kung gusto mong makita si Kate ay puntahan mo nalang." seryosong sabi ko.
Minsan na lang rin kasi kami magkita ni Kate. Inaamin kong hindi na kami masyadong nagkikita at nag uusap dahil sa masyado akong abala. Siguro ay ganoon din siya lalo pa at pumapasok pa siya sa eskwela. Mamaya naman siguro ay magkikita kami.
Inis akong sumulyap sa orasan nang hindi man lang ako nakatanggap ng tugon mula kay Rex. Alas sais na ng hapon at wala pa akong balak na umuwi. Kahapon pa kasi ako nandito at sa hindi malamang dahilan ay hindi ko naisipang umuwi sa unit ko. Siguro'y gusto ko munang malibang dito ngunit hindi ko rin iyon nagawa dahil narito si Jax at binubwiset na naman ako. Kahapon ay si Master na ang kumuha ng mga gamit ko sa condo, hindi niya ako pinayagang mag maneho nang ganoong oras kahit na maaga pa. Ang rason niya ay hindi pa raw siya nakakapunta doon sa condo ko at gusto niyang makita. Hindi na ako nakipagtalo sa halip ay hinayaan ko nalang ang kung anong gusto niyang gawin.
Ngayon ay pareho kaming pagod ni Master. Kaya nga ako napadpad rito sa kusina ay dahil sa nauhaw ako kakasigaw kanina. Narito parin kasi si Kalem at hindi pa nagsasalita. Matigas ang bungo at ayaw ilaglag ang mga animal na kasabwat niya. Umiinit ang ulo ka sa tuwing bubuka ang bibig niya. Iyong mga sinasabi niya kasi ay malayo sa tinatanong namin. Napaghahalataang bobo. Tch.
Malalaki ang hakbang kong umakyat sa itaas kung saan naroon si Kalem. Pagbukas ko ng pinto ay tumambad na sa akin ang pawisang mukha niya, tila ba kaya na iyong paliguan ang buong katawan niya.
Binaling ko ang tingin kay Master na ngayon ay nakaupo ba sa swivel chair kung saan kaharap niya si Kalem.
"Matigas pa talaga iyanv bungo mo no?" sarkastikong sambit ko sa pagmumukha niya at nginisihan siya. "Pakuluan kaya natin?" nangiinis na tanong ko.
Ganoon nalang kasama ang mukha niyang tumitig sa akin. Na para bang papatayin niya ako sa ganoong paraan. Tss. Masuwerte nga siya at nakakapgpigil pa kami rito, paano nalang kung iyong mga animal na Tanis ang kumanti sa kanya. Siguradong hindi siya lilipasan ng oras at malalaman nalang namin na bangkay na siya.
"Tutal nabanggit mo sa amin ang pangalang 'Tanis', bakit hindi mo nalang sabihin kung nasaan sila at kung ano ang koneksiyon mo sa mga yan?" mahinahong sabi ko. "Mahilig ka talagang mambitin ng tao, ano?" tatawa-tawang dadag ko. Plano kong inisin siya hanggang sa mangati ang katawan niya.
YOU ARE READING
BOLD AND BRAZEN | BOOK 2
AçãoSequel to book 1 formerly, GANGSTERS. This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all the details of what has been written in this book remains the same. Thank you for understanding! I have plans to discontinue...