Chapter 22

28 1 0
                                    

ZAIN'S POV

Naririnig ko mula rito sa labas ang tilamsik ng tubig mula sa shower. Napakalakas ng ragasa ng tubig na siyang tanging naririnig ko mula dito sa labas. I did expected her to come out that fast, I know, mahapdi ang tubig sa sugat. And she only has not one but plenty of it.

She's wrapped with a robe, stepped out of the bathroom and looked at me. Blangko ang tingin niya, walang emosiyon at naaawa ako sa kanya.

Kaagad siyang dumiretso sa closet at doon kumuha ng kulay itim na sports bra. Nakatalikod man ay nabigla ako nang bigla niyang hinubad ang itaas na parte ng kanyang roba. Huli na upang tumalikod ako nang gulat kong nahuli ang tingin niya sa repleksiyon ng salamin. Napakaseryoso ng mukha niya.

Alam kong nasa mata niya ang titig ko ngunit may ibang bagay pa akong nakikita kaya ay umiwas na ako ng tingin. Tumalikod ako at napapikit na nahilot ang sentido sa hiya.

Maya-maya ay dumaan siya sa harap ko, nakasuot na ng may kaiksiang cycling shorts at sports bra. Naiilang ko siyang sinundan ng tingin. Nakikita ko na naman iyong mga sugat niya. Maging iyong dressing ng sugat niya sa tagiliran na ngayon ay napupuno na ng dugo.

Tumayo ako at kinuha ang bandage na hawak niya. Maluha-luha ang mata niyang tumingala sa akin saka ay umiwas ng tingin.

Hindi na siya nag matigas pa at hinayaan niya ako sa ginagawa. Bawat sugat niya ay nilagyan ko ng paunang lunas. Napapakapit siya sa akin dahil sa hapdi at kirot na nararamdaman niya sa bawat pagdampi ng bulak sa mga sugat niya.

Lumuhod ako sa harap niya upang tingnan ang malalim na sugat niya sa gilid ng tiyan. Nagtama ang paningin namin.

"N-nasasaktan ako..." bigla ay kumapit siya sa balikat ko.

Marahan ang galaw kong kinuha ang unang dressing na ngayon ay napupuno ng dugo. Malalim ang daplis niya, kahit ako ay ramdam kung gaano kasakit ang isang ito.

"I'll slowly move." agap ko.

Napapikit siya ng simulan kong linisin iyon. Kahit hindi ko man sadyain ay nadidiinan ko minsan kaya ay napapangiwi siya.

Nang matapos kami ay tumayo na ako at pinakatitigan lang siya.

"S-salamat." mahinang sambit niya.

"This is what I must do." tugon ko.

"Kaya nga, salamat." tumingin siya sa akin, tumitig. "Hindi ko alam kung saan sisimulan ngunit...sa tingin ko ay dapat mo nang m-malaman...ang lahat."

Hindi ko napigilang mabigla sa sinabi niya. I don't want her to feel the need to do it. Ang gusto ko ay iyong handa na siya.

"Kusang loob ko 'to Kaze. Kung naaawa ka lang o na gi-guilty ka, huwag mo nalang gawin." mapait kong sabi.

Tumayo ako at napatitig sa kawalan. I don't want to beg, just like what I did before. Ayokong kaawaan ako. I want her to tell her life to me dahil gusto niya. Dahil alam niyang parte ako ng buhay niya kaya dapat kong malaman. Hindi iyong ganito.

"Akala ko ba gusto mong mas makilala ako?" rinig ko ang basag na boses niya.

Napabuntong hininga ako. Nang lingunan ko siya ay napakaseryoso ng mukha niya. Nakatitig sa akin.

"How many times did I asked you about that before? Maraming beses na, but you refused to tell me. Alam ko, naiintindihan kita. Hindi naman kita pwedeng pilitin na sabihin sa akin. Kaya hinayaan ko ang desisyon mo. I don't know why but, you never remember me. Naalala mo lang ako kung kailan kumplikado." mahinahon kong sabi dahil ayokong isipin niya na galit ako sa kanya. O di kaya ay pinagagalitan ko siya.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 2Where stories live. Discover now