Chapter 4

51 5 2
                                        


Walang emosiyon ang mukha kong tumungo sa kusina. Kaagad kong nakita si Gabraiel na mabilis ang ginawang pag-iwas ng tingin nang malamig ko siyang tinitigan.

Sunod na dumapo ang mga tingin ko kay Rex at Jax na ngayon ay seryoso ang mukha na nakatingin sa kung saan. Si Master ay ganoon din, nang magtama ang paningin namin ay walang kasing seryoso iyon. Batid kong may pinaguusapan sila dahil nang mapansin nila ang presensiya ko ay natigil sa pagbuka ang mga bibig nila.

"Anong pinag-uusapan niyo?" tanong ko.

"Nandiyan ka na pala, upo ka." si Master at mabilis na hinila iyong silyang nasa bandang kanan niya.

Umupo ako doon nang hindi inaalis ang mga titig sa kanya.

"Anong pinaguusapan niyo?" ulit kong tanong.

Umiling lang siya sa kawalan at tumikhim na para bang may akmang sasabihin. Pansin kong may malalim siyang iniisip, hindi ko lang matumbok kung ano iyon.

"Tungkol kay Kalem," tipid na sagot niya kinalaunan.

"Oh?" nasabi ko, hindi kuntento sa sagot na binagay niya. "Ano naman ang tungkol sa kanya?" dagdag ko.

"Nakita siya ng mga tauhan ni Attrius sa Pilipinas, nakumpirma niyang naroon nga si Kalem." ngunit imbes na makakuha ako ng sagot mula kay Master ay si Gabraiel na ang sumagot sa akin. Binalingan ko siya ng tingin at naghintay pa sa kanyang mga sasabihin.

"Base sa nalaman namin na mga impormasyon, mag aapat na taon ng naroon si Kalem. Nagtago siya ng husto upang walang makaalam na naroon siya. Kaya't natagalan tayo ay mayroong mga taong pumuprotekta sa kanya." mahabang paliwanag ni Gabraiel.

Napukaw niyon ang interes ko. Pinakatitigan ko siya at wala sa sariling naasar na napangisi sa ganoong ginawa ni Kalem.

"Sino naman ang pumuprotekta sa kanya?" naguguluhang tanong ni Jax.

"May ideya na ako kung sino sila. Nasabi na saakin noon ni Kalem na inuutusan daw siyang kantiin ang pamilya natin." nagpakawala ako ng naasar na tawa. Nabaling ang lahat ng atensiyon nila sa akin. "Noong una ay akala ko si Attrius iyon," umiling ako. Inaalala ang mga panahong iyon. "Napatunayan kong matagal na niyang nakalimutan ang pagkaanimal niya---"

"Kaze," suway sa akin ni Master.

"Tss..."

"Ituloy mo," pabuntong hiningang utos niya.

"Mukhang iyong mga taong tinutukoy ni Attrius na siyang gumawa ng lahat ay iyon din ang pumuprotekta kay Kalem. Para sa kanila at napakalaking papel ang ginampanan ni Kalem upang mahanap nila tayo. Iyon din ang sinabi ni Attrius, kaya nga ay pumunta tayo sa Pilipinas upang magtago sa kanila. Dahil alam ni Attrius na maging siya ay titirahin ng mga yon...Ang hindi ko alam ay kung bakit pa nila tayo hinahabol. Iyon ang nagpapagulo sa isip ko." bumaling ako kay Master. "Ngayon ay si Kalem lang ang pwede nating maging susi. Siya ang magsasabi at magtuturo sa atin kung sino ang mga iyon." kalmado akong nagsalita kahit na kumukulo na ang dugo ko sa galit. Nagngingitngit ako sa kadahilanang gustong-gusto ko ng matapos ang gulong ito.

Magbabayad ang mga Tanis.

"Isa lang ang dapat nating gawin," nagsalita si Master. "Pupunta tayo ng Pilipinas." seryoso at ma otoridad na sambit ni Master.

Bigla ay napagkunutan ko siya ng noo sa gulat. Natahimik ang lahat, inaasahan ko na ito ngunit hindi ko parin napigilang magulat. Hindi ko inaalis sa isipan kong makakabalik pa kami sa Pilipinas. Ngunit iba iyon sa naiisip kong sitwasyon, na makakabalik kami roon ng tapos na ang mga problema. Iyong wala na akong iniisip na maaari kaming mapahamak. Ngunit sa halip ay kabaliktaran ang lahat ng mga iyon, ngayon ay babalik kami sa Pilipinas ng problema parin ang dahilan.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 2Where stories live. Discover now