Chapter 5

41 4 0
                                    


ZAIN'S POV

"Time out! Time out muna coach!" sigaw ni Nathan na ngayon ay habol-habol ang hiningang tinakbo ang kabilang field.

Napailing ako at bahagyang natawa. Wala paring nagbago sa kanya. Tsk! Sayang at kung kailan may gana na akong maglaro eh nagtawag pa ng time out si Nathan. Wala rin naman akong choice kundi bumalik nalang rin sa bench at doon maghintay. Napansin ko rin kasing ako nalang ang nakatayo kanina sa field nang mag time out samantalang silang lahat ay pumanhik kaagad at nagpahinga.

Inalok pa ako ng tubig ni Nathan ngunit tumanggi ako. Hindi naman ako nauuhaw at pakiramdam ko hindi rin ako pagod.

Naagaw ni Luke ang atensiyon ko nang bahagya niya akong sikuhin. Nagtatakang tingin ang pinukol ko sa kanya kasabay nang pag-irap ko.

"Kaya pala napaka energetic mo," sabi niya.

"Bakit?" taas kilay na sambit ko.

Nagtaka ako nang matawa siya kasabay nang pag-nguso niya sa harap namin. Pailing kong sinunod doon ang tingin at kaagad na nagsalubong ang mga mata namin ni Grace na naroon sa kabilang banda ng field. Nakapayong at nakatingin na sa akin.

Lumakad siya palapit sa akin habang may nahihiyang ngiti sa mga labi. Hindi ko alam kung ano ang isusukli ko ngunit sa huli ay ngumiti nalang din ako.

"Hi," bati niya. Bigla ay inabot niya sa akin ang isang bottled water na ngayon ko lang napansin na hawak niya na pala.

"Naks, kaya pala tumanggi sa akin." bulong ni Nathan na nasa gilid pa. Bumaling ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin. Muli kong ibinalik ang tingin kay Grace.

"Thanks," nakamot ko ang ulo.

"Y-Yeah, uh by the way... Zain. Nakuha ko na ang kotse ni Gabbi."

"Good... that's good to know." buti naman at nakuha na nila. Lampas isang linggo din kasi ang tinagal ng repair. Mabuti at inuna kami ni tito Ted kahit marami pa siyang gagawin.

"Hmmm...Zain," mahinang sabi niya. Hindi ko napigilan ang pagkunutan siya ng noo dahil sa biglaang pagbabago ng mukha niya. Parang may gusto siyang sabihin sa akin na hindi niya masabi.

Nang mapansin niya ako ay biglang umayos siya ng tayo, narinig ko pang bumuntong hininga siya.

"You okay?" tanong ko.

Tumango siya.

"May sasabihin ka?" tanong ko ulit. Matagal pa bago siya tumango.

"Eh kasi, yong kapatid ko, si Gabbi. It's---" naputol ang sasabihin niya nang sumigaw ang mga teammates ko na magsisimula na ulit ang laro namin. Tumango lang ako sa kanila at sumenyas na hintayin nila ako.

Muli kong ibinaling ang tingin kay Grace na ngayon ay doon din nakatingin sa gitna ng field at mabilis dinh ibinalik sa akin.

"Tinatawag na nila ako, what do you want to say?" sabi ko.

"Ah, mamaya nalang. Sige na, punta ka na don. I'll just wait here." ngiti niya.

"You sure?"

"Oo, sige...goodluck." nakangiting aniya. Tumango ako sa kanya at sa huling beses ay nakita kong kumaway siya sa akin. Isang simpleng ngiti lang ang ginawa ko at patakbong lumapit sa mga teammates ko.

"Ano? Sinusundo ka na ba?" tukso ng isa kong ka grupo. Hindi ko nalang siya sinagot sa halip ay umiling nalang ako.

Mabilis na nagsimula ang laro namin. Hapon narin kasi at may mga pupuntahan pa ang iilan sa amin. Sa totoo lang ay wala naman kaming laro na sasalihan, nag-usap lang kami na maglaro dahil ngayong araw ay wala masyadong mga ginagawa. Buti at pumayag naman sila, kahit kulang ay marami parin kaming nandito.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 2Where stories live. Discover now