Chapter 19

35 2 8
                                    

ZAIN'S POV

Napangiti ako nang umalis na si Shitzu sa harap ko. Iyong napapangiti ka dahil bilib na bilib ako sa kanya. Napakangas ng dating niya, natural iyon at kusang kumakawala hindi lang sa kamao maging sa mga titig niyang kanina pa man ay nadadaplisan na ako. Ganoon katalim ang mga mata niya ngayon. 

Napatango-tango ako nang mapagtanto kong hindi nga talaga siya aatras sa laban. Nagawa nga niyang patamaan ako ng suntok, ako na kilala niya. Ano pa kaya kung sa ibang tao diba? 

Hindi mo makikitang takot siya sa kahit ano. Sa katunayan nga ay sa pagkakaalam ko, hindi ko alam kung anong bagay ang kinatatakutan niya. Nakilala ko siya sa personalidad niyang ganito, iyong walang pakialam kung magunaw man ang mundo.

Iyong ugali niyang kahit kailan ay hindi ko nakitaan ng kahinaan. Na sa bawat pagkakataong nakikita ko siya ay palagi kong napapansin iyong mga mata niya. Walang emosiyon, tila ba walang interes sa kahit ano. Pero ang totoo niyan, sa loob looban niya ay matindi ang epekto nito sa kanya. 

Kakaiba siya, hindi basta-basta. Hindi siya iyong tipo ng babaeng mapapsunod mo sa gusto mo, dahil siya? Isang salita palang niya ay tila ba batas ang lumalabas sa bibig niya. Na kahit ako, hindi ako magkakamaling suwayin iyon.

Mayroon siyang ugali na kahit hindi niya sadyain ay nagiging dominant siya. At iyon mismo ang gusto ko, gusto kong igiya niya ako.

Napabuntong hininga ako sa naisip. Saka ay patagong itinago ang ngiti ko sa mga labi.

"Should we start?" seryosong tanong ko nang lumingon ako sa kanya. Hayon na naman ang mga mata niya. 

"Ikaw ang mabagal riyan, Tss." pasiring niya akong inilingan.

Maangas.

Inihakbang ko ang mga paa palapit sa kanya. At sa tamang distansya ay nanghahamon ko siyang tinitigan.

"Naalala ko noon sa Hidden Pain, nakita kita. Alam mo bang doon palang ay naangasan na ako sayo?" sambit ko.

"Oh tapos?" pilosopong sagot niya.

"Nothing...Whatever you did there, I want you to fucking do it to me."

"Sigurado ka ba? Hmmm...sige."

At sa isang iglap ay mabilis niyang naihakbang ang mga paa palapit sa akin kasabay nang isang nakakagulat na sipa. Bigla akong napaisip na seryoso talaga siya sa paglaban sa akin. Gayunpaman ay alam kong kalkulado ang bawat galaw niya. 

Mabilis akong umilag nang sugurin niya ako at pinalibot ang parehong binti sa bewang ko at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nararamdaman ko kung gaano kalakas ang paghatak niya sa akin dahilan upang tumiwarik ako at padapang nahiga sa sahig. 

Napakabilis ng galaw niya at sa ganoon ka iksing segundo ay napadapa niya na ako. 

"Easy, Kaze." nakangiting sambit ko kahit na medyo hiningal ako. Nakadagan siya sa likod ko hawak ang kamay kong nakapilipit sa likod ko. Ramdam na ramdam ko ang diin at higpit ng pagkakahawak niya sa akin. 

Hindi ko alam kung wirdo ba ako pero gusto kong matikman ang suntok niya, iyong totoo. 

"Umayos ka." banta niya, naramdaman sigurong hindi ako masyadong lumalaban sa kanya.

"Fine, let me go and let's start again." ani ko na siyang sinunod naman niya.

Habol ang hiningang tumayo ako at tumingin sa kanya. Wala paring nagbago sa malamig at seryoso niyang mga titig sa akin.

Dahil maliksi at mabilis ang galaw niya ay mabilis rin akong umiwas nang sumuntok siya bandang mukha ko. Nasangga ko ang magkakasunod-sunod niyang mga sipa. Lahat ng kombinasiyon ay tila ba nakita ko sa kanya. Sa bawat palad at kamao naming nagtatama ay katumbas niyon ang hapdi sa balat ko. Napakalakas ng pwersang pinapakawalan niya sa tuwing sumusuntok siya na karamihan ay tumatama lang sa mga palad ko. 

BOLD AND BRAZEN | BOOK 2Where stories live. Discover now