Chapter 36

8 0 0
                                    

ZAIN'S POV

"I guess we'll go home." bigla ay anunsyo ni Master matapos ang ilang minuto. Kanina pa kami natapos kumain at mag iisang oras narin silang nandito sa hospital.

Pinanood kong mag bago ang mukha ni Kaze nang sabihin iyon ni Master. Kagaya ni Master ay sumulyap rin siya sa relong pambisig saka ay tumingin sa kapatid niya.

"It's getting late and Zain needs to rest." tumingin sa akin si Master.

Hindi ko alam ang sasabihin o gagawin ko sa harap niya. Suminghap ito at tumayo na mula sa kinauupuan.

"If you need anything just contact me or Vior. I'll provide whatever you want immediately." sambit niya at tumingin sa akin. "Get well." tanging sabi niya saka tumango.

Nakita ko sa likod niya si Kaze na tumayo narin at hinatid siya patungo sa pinto. Si Vior naman ay tinanguan din ako at sumunod na sa kanilang dalawa.

"We'll head home, take care." mahinang sambit ni Vior sa akin na siyang pinasalamatan ko.

"Thank you." tipid kong sagot sa kanya.

Muling sumulyap si Kaze sa akin bago niya binuksan ang pinto at hinatid sa labas si Vior at Master.

Napabuntong hininga nalang ako nang makalabas silang tatlo. Kakaiba ang nararamdaman kong tensiyon sa pagitan nilang dalawa ni Master. Hindi niya man sabihin ay ramdam at nakikita ko iyon sa mga mata niya.

Kung ano man ang nangyayari ay wala rin akong magagawa dahil wala akong ideya sa kahit na ano. Tch!

Kinuha ko ang cellphone na nakapatong sa maliit na mesa na nasa tabi lang ng kama ko. Nasapo ko ang noo nang makita ang mga missed calls at text galing kay mommy. Na try ko naman na hindi umuwi kinagabihan pero nag te-text ako kah mommy hapon o tanghali palang. Ngayon ay hindi niya alam na nandito ako sa hospital at hindi ko rin alam paano ko sasabihin sa kanya na nandito ako.

Aside from the fact that I don't know what's going on, the reason is I don't want her to get worried.

Napahiga ako sa kama at nasapo ang noo ko. Tinitigan ko lang ang number ni mommy at ilang segundo pa bago ako nag compose ng message sa kanya.

Ngunit kapag na ta-type ko na ay buburahin ko din dahil pakiramdam ko hindi dapat malaman ni mommy na nasa hospital ako. Kinalaunan ay sinabi ko nalang na kila Nathan ako natulog.

"Fuck!" nasambit ko nang maalala ko na doon pala talaga ang punta ko kanina. Tsk. Chineck ko ang messenger at nakita ko nga ang mga chat ni Nathan sa akin.

Hindi ko nalang siya nireplyan at initsa ang cellphone sa kama. Muli kong nasapo ang mukha gamit ang dalawang kamay nang nakaramdam ako ng kirot mula sa sugat ko.

"Ah!" daing ko at dahan-dahang ibinaba ang braso ko.

"Anong nangyari sayo?"

Kaagad akong napalingon sa pinto nang bigla kong narinig ang boses ni Kaze. Hindi ko man lang napansin na nandoon siya.

"May masakit ba sayo?" sunod na tanong niya at lumapit sa kama.

"Wala." sagot ko. "Medyo kumirot lang tong sugat ko."

"Huwag ka masyadong gumalaw." aniya at inayos ang unan na nasa likod ko. Napatitig ako sa kanya.

Iniisip ko kung bakit nagawa ko siyang yakapin kanina gayong masakit ang sugat ko kapag naigalaw ko ang braso.

Hindi ko inalis ang mga mata kong nakatitig sa kanya hanggang sa mapansin niya iyon at natigilan sa ginagawa.

Nakatitig na kami sa isa't-isa ngunit walang nagsalita sa aming dalawa. Napatingin siya sa malayo, kalmado man ay ramdam ko ang tensiyon sa pagitan naming dalawa.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 2Where stories live. Discover now