Chapter 28

12 0 0
                                    

KAZE'S POV

"You should go home." malamig na sambit ni Zain. Naiwan akong nakatulala sa ere at halos hindi ako makagalaw. Parang nanlbot ang tuhod ko sa mga narinig mula sa kanya.

Mas lalong sumasakit ang dibdib ko ngunit kailangan kong pigilan ang lahat ng emosiyon ko dahil bukod sa sakit ay hiya ang nararamdaman ko ngayon.

May punto ang lahat ng sinabi niya. At napakatanga ko na hindi ko man lang iyon naisip. Pinangunahan ako ng kaba at takot ko sa mga posibleng mangyari kaya ay nabulag ako sa kung ano ang mas importante. Mali...dahil sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang uunahin.

Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil ayokong makita niya na nanunubig na ang aking mga mata sa halip ay pinilit kong tumayo.

"I'm sorry, Kaze." rinig ko rin sa boses niya ang pagpipigil ng hikbi. Ngunit ayoko tumingin sa kanya, hindi ko kaya.

"Aaminin ko na naging makasarili ako." pinipigilan ko ang pag buhos ng aking luha. "Maging ako kasi ay hindi alam kung ano ang uunahin...maraming nangyayari." paliwanag ko. Halos hindi ko iyon masabi ng tama dahil parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko.

Ngunit kahit gaano ko man kagustong mag makaawa sa kanya na huwag gawin ito ay hindi ko rin magagawa. Wala akong karapatang mag reklamo at magalit sa ngayon dahil wala akong ibang sinisisi kundi ang sarili ko.

Parang dinurog ang puso ko. Hindi ko alam kung saan isisilid ang halo-halong emosiyon na nararamdaman ko.

"Thats why I'm doing this." mahinahon niyang sabi. "It'll help us clear our minds. We are both hurting each other."

Hindi ko alam ang sasabihin. Tama nga siya, pareho naming sinasaktan ang isa't-isa. Ako itong gago na naging makasarili, anong karapatan kong magalit sa kanya?

Nasapo ko ang noo, lumalabo na ang mga mata ko dahil sa luha na pilit kong pinipigilang huwag kumawala. Alam kong hahantong sa ganito ngunit ano ang magagawa ko? Nakakulong ako sa ganitong klaseng buhay at hindi ko mababago yun. Kasalanan ko kung bakit humantong kami sa ganito.

Ngunit sa mga oras na ito ay hindi ko alam kung tatanggapin ko nalang bo o di kaya ay magpaliwanag sa kanya. Ngunit, ano man ang gawin ko hindi niyon mababago na ako ang may kasalanan.

"Hindi ko kayang iwan ang responsibilidad ko sa pamilya namin." mahinang sambit ko.
"Pareha kayong importante sa akin."

"As you should, Kaze. The right thing you should do now is be present on what your family is facing." gumaralgal ang boses niya. "Hindi ko na ipagpipilitan pa ang sarili ko."

"Hindi mo naman ipinagpipilitan ang sarili mo sa akin." malambing na sagot ko, pinaiintindi sa kanya na mali ang iniisip niya. Sa wakas nagkaroon na ako ng lakas ng loob na tingnan siya.

Nakikinita ko malungkot na ekspresiyon sa mukha niya dahil sa liwanag ng buwan mula sa labas na sumisilip sa malaking bintana. Tanging itong pwesto lang namin ang may kaunting ilaw dahil patay ang ilaw niya.

"Really?" malungkot na aniya. "But... that's how I feel. Kaze." pahina ng pahina ang boses niya.

Parang sinaksak na naman ang puso ko sa narinig.

"That's what you made me feel. Your actions... it's telling me to let you go." dagdag niya.

"P-Pasensya k---"

"I said stop being sorry. This is not the time to say that. Kahit hindi ka pa mag sorry ngayon ay tanggap ko na." lumakas ang boses niya.

Napatakip ako sa mukha ko gamit ang sariling palad. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Parang wala na akong maiharap sa kanyang mukha dahil tama ang sinabi niya.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 2Where stories live. Discover now