Chapter 24

14 0 0
                                    

Lumipas pa ang mga araw ng ganoon kabilis. Sa pananatili ko sa bahay na iyon kasama si Vior at Gabraiel ay mas lalo ko silang nakilala. Araw-araw rin kung tumawag si Master sa akin at sinasabi ang mga nasasagap niyang balita, iyon nga lang ay hindi tiyak ang oras ng tawag niya. Kung tutunog ng madaling araw ang telepono ko o gabi man ay alam kong siya iyon.

Wala muna kaming pinahihintulutan na malaman kung nasaan kami o kung ano ang ginagawa namin ngayon. Si Master ay naroon sa opisina sa loob ng bahay niya kasama sina Rex at Jax. Ako naman ay narito parin kasama si Vior ar Gabraiel.

Habang patagal ng patagal ang pagtira ko dito ay mas lalong naging klaro ang detalye ng mga plano namin. Balak naming bumalik sa Pransya dalawang buwan mula ngayon. Kung bakit matagal pa ay hindi ko alam kay Master. Mayroon siyang plano na hindi sinasabi sa akin.

Umayos ako ng upo at pinakatitigan ang mensaheng pinadala ko kay Master. Naglalaman iyon ng mga impormasyong nakalap ni Gabraiel mula sa pagmamasid niya at pag hire ng mga tauhan.

Nag latag siya ng mapa sa mesa, mapa iyon ng siyudad. Kinuha niya ang ballpen at binuksan iyon gamit ang bibig niya.

"Ano iyan?" tanong ko. Ngayon ko lang siya nakita na markahan ng ekis ang iba't-ibang bahagi ng mapa.

"Sinisigurado kong wala akong nakaligtaan." aniya at tinitigan ang mapa.

Marahil iyon ang mga lugar na pinuntahan niya. Hanggang ngayon ay patuloy kami sa pagkalap ng impormasyon kung saan nagtatago ang mga Tanis. Mailap ang mga iyon at hindi namin makita.

"Marahil ay wala na sila rito si Pilipinas?" kutob ko.

"Malabo iyon. Ilang araw lang ang nakalipas ay may nakakita raw kay Kalem sa isang eskenita. Puno raw ng pasa at tila may kausap sa telepono." tumingin siya sa akin. "Malaki ang maiaambag niya sa mga yon at mas kabisado niya itong siyudad. Sa palagay ko ay hindi nila iiwanan si Kalem dito."

Tumango ako. "At hindi rin sila iiwan ni Kalem dahil walang bubuhay sa kanya. Kailangan niyang patunayan ang sarili niya sa mga iyon na may silbi pa siya, kung hindi ay baka lupa ang kakainin niya."

"Sa tingin namin ay ikaw talaga ang puntirya nila o kung hindi man ay baka hindi lang ikaw."

Napaisip ako sa sinabi niya. Kumunot ang noo ko sa mga naiisip kong posibleng mangyari lalo pa at wala kaming ganoong ideya kung ano ang susunod na hakbang na gagawin nila.

"Hindi ka nila nakuha sa unang beses kaya sigurado akong hindi lang iyon ang plano nila." ani Gabraiel.

"Basahin mo." sambit ko saka ay pabatong ibinigay sa kanya ang telepono ko.

Binasa niya ang mensaheng pinadala ni Master, nakita ko kung pano mag bago ang reaksiyon niya.

"May bibili raw ng lupa niya sa Isabela. Gusto niyang sumama tayong dalawa." sabi ko at kinuha ang telepono ko mula sa kanya.

"Kailan?"

"Bukas na kaagad. Medyo nakakainis raw at masyadong makulit ang taong yan."

"Akala ko ba ay hindi ka muna pwedeng pumunta sa kahit saan?"

"Anong tingin mo sa akin, bata? Kaya lang naman ako sumunod sa utos ni Master na dito muna ako ay dahil sa ayaw ko siyang kulitin ako." inirapan ko siya.

"Sa dina----"

"Buhay ako ngayon at hindi ako mahina." pinutol ko siya sa sasabihin niya.

Hindi makapaniwala akong umiling saka ay tinalikuran siya.

Kinabukasan ay maaga ang alis namin kaya naman ay maaga akong nagising. Paglabas ko ng bahay ay nakita ko na kaagad si Gabraiel na nakasandal sa shotgun seat ng kotse at bihis na bihis. Nakasuot siya ng pang beach at tila ba parang turista.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 2Where stories live. Discover now