Chapter 20

29 1 0
                                    


THIRD PERSON'S POV

~Because we have de quoi frimer, we have Brassens, Brel and Ferré

We have Boris Vian, Barbara, Gainsbourg, Trenet, Prévert, Kosma Because we have de quoi choisir we have Aznavour, Reggiani,

Bécaud, Nougaro, Moustaki, Édith Piaf Cloclo and Johnny Oui, oui, oui, oui~

Nakapikit at sumasabay sa indayog. Iyan ang una mong masisilayan kung iyong papasukin ang malapad na silid. Bawat himig ng kanta ay siyang sabay na iindayog ang baywang niya. Ano man ang gawing galaw ay kamanghamanghang kailanman ay walang natatapong alak mula sa hawak niyang baso.

Napapangiti at sinasayaw ang sarili. Sumasabay sa ugong ng kanta na siyang hindi rin nagtagal nang biglang mamatay ang kanta.

Marahan niyang iminulat ang mata, na para bang kagagaling sa idlip. Pilit na ibinubuka ang mga mata.

"You have all the time, Nadjeja. And you chose dancing?" wala nang mas isasama pa sa mukha ni Israfel nang sambitin iyon. Kunot na kunot ang noo at sampok anh kilay.

"Give me some time to relax and free my face from stress, brother." kapansin-pansin ang matigas at baluktot na tono nito. Tila ba natatali ang dila niya sa Ingles, may katuturan naman sapagkat lumaki ito sa Pransya.

"This is not the time to waste our only chance. I have been working damn much for you to just dance here around." galit na sabi nito. Tinuturo pa ang sahig na gawa sa kahoy, pinapahiwatig ang kawalan niya ng pasensya.

"I am working, my brother. This is just my way to celebrate my success." malungkot man ang mga mata ay nagawa parin nitong ngumiti. Napapahiya man sa tinuran ng kapatid ay pilit tinatago ng pekeng ngiti.

"What success, Nadj?"

"I have known a property that I want to own."

"And what makes that worth to celebrate?" napapahilot sa sentido si Israfel. Nagpapasensiya, hindi alam kung seryoso ba ang kapatid niya.

Suminghap si Nadjeja saka ay inilapag sa pabilog at salaming mesa. Nakangiti na at marahan ang bawat hakbang niyang lumapit kay Israfel.

Rinig na rinig ang tunog ng sapatos niyang may pulang takong sa tuwing inihahakbang niya ang paa sa sahig na gawa sa kahoy.

Sumasabay ang ritmo niyon sa himig ng musika na hanggang ngayon ay hindi pa namamatay.

Isang nakakalokong ngiti ang kumawala sa mga labi ni Nadjeja. Nakakakilabot at nagmumukha siyang baliw sa ganoong ginawa niya.

"There is a house that I find astonishing. I want it and I am planning to own it." ngiti nito. Hindi parin mawala ang seryosong mukha ng kanyang kapatid. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan lang siya nito. "And then, I found out it was owned by the...Alarie's."

"Don't waste my time with this bullshit, Nadjeja!"

Gulat na napaigik si Nadjeja nang sa hindi niya inaasahang ganoon na lamang kalakas ang sigaw ng kapatid.

Halos manginit ang likod ng kanyang leeg dahil sa gulat at takot.

"I promise, brother. I won't. Listen to me, s'il vou plaît." nagmamakaawang sambit ng kapatid. Nanunubig na ang mga mata.

Napahilot sa sariling sentido si Israfel. Hindi niya kayang nakikita ang kapatid na ganyan ngunit hindi niya mapigilan sapagkat pagod na ang isip at katawan niya.

Napabuntong hininga siya saka ay niyakap ang kapatid. Wala siyang ibang sinisisi kundi ang mga Alarie sa ganitong kalagayan ng kapatid niya.

"I'm sorry." anito saka ay humiwalay mula sa maluwang at hindi sinserong yakap. "Let's talk by tomorrow." kapagkuwan ay tinawag ang pangalan ng mayordoma.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 2Where stories live. Discover now