Chapter 16

48 1 3
                                    


KAZE'S POV

Hindi ko alam kung ano ang bigat na nararamdaman ko sa aking katawan. Gusto ko mang imulat ang aking mga mata ay hindi ko iyon magawa kaagad. Dala siguro ng lambot ng kama at katamtamang lamig na siyang nagtatali sa akin pabalik sa pagtulog. Ngunit alam ko at ramdam ko na ang taas ng sikat ng araw.

Isang buntong hininga ang kumawala sa aking mga labi. Kasabay ng marahang pagmulat ng aking mata ay ang mas lalong pagbigat ng aking nararamdaman. Papikit-pikit ako nang maaninag ko ang kakaibang sikat ng araw, napakaliwanag nito at tila hindi ko matagalan ang sumisilip nitong liwanag sa makapal at mahabang kurtina ng bintana.

Nang maimulat ko na ang aking mata ay ganoon nalang ang gulat ko nang makitang halos daganan na ako ng katawan ni Bulldog. Shit.

Masyadong malapit ang aming mukha, tila ba nahimlay sa presensya ng isa't-isa.

Mahimbing pa ang kanyang tulog. Nakasandal sa bandang balikat ko at tila mas lalong isiniksik ang mukha sa aking leeg.

Ganoon nalang ang kaba ko nang maramdamang gumalaw ang kamay niyang nakayapos sa akin na naroon sa loob ng t-shirt ko. Isiniksik niya rin iyon sa likod ko.

Napabalikwas ako dahil sa hindi malamang dahilan. Shuta, ano itong ginawa ko.

Alam kong sa pinakadulo ako ng kama nahiga kagabi. Paanong narito ako at yakap namin ang isa't-isa na parang mag asawa!

Panay ang iling ko, napatakip pa ako ng  mariin sa aking bibig at pinagmasdan ang ngayon ay nakakunot na mukha ni Bulldog.

Sapo ang ulo at tila ba minamasahe ito.

Bahagyang nangunot ang noo ko nang makitang tila may masakit sa kanya. Panay ang taas at baba niya ng kanang kamay tila ba namamanhid ito.

"You slept on my arms too much." sa garalgal at makapal na boses na aniya habang nakapikit parin ang mata.

"Pasensya." tanging nasambit ko.

Nagmulat siya ng mata at kaagad na nagtama ang mga paningin namin. Gayunpaman ay papikit-pikit parin dahil siguro sa hangover niya. Tss.

Bigla kong naisip na ito ang unang beses na makita ko ang mukha niyang bagong gising. Kasunod non ang isiping natulog kami sa iisang kama, nahihiya man ay napamura nalang ako sa nagawa. Tsk!

Nang mag angat ako ng tingin ay mataman na ang titig ni Bulldog sa akin.

"Somethings bothering you, I know." aniya na ngayon ay nakaupo na sa kama.

"Wala naman...ah ano...magsisipilyo lang ako." alam kong kahihiyan ang nararamdaman ko ngayon ngunit tinatago ko lang. Hindi ko alam kung ano ang iisipin niya matapos kong hayaan ang sarili na matulog sa tabi niya. Tsk!

"Wala kang sipilyo dito."

"Oo alam ko, doon ako sa unit---" bago ko pa man matapos ang sasabihin ay hinila niya na ako pabalik sa kama.

Masama ang tingin ko sa kanya na siyang sinuklian niya naman ng isang pilyong ngiti.

"Nawala ata ang angas mo?" panunukso niya sa akin. "Relax at iyong tipikal na tulog lang ang ginawa natin."

"Alam ko!" kaagad sambit ko bago mauwi pa sa kung ano itong usapan. "Kung ano ang naaalala ko kagabi ay iyon lang talaga." tango ko.

"Hmmm yes." tango rin niya, nanunukso.

Tumayo na ako mula sa kama ganon din siya. Tinitigan niya ako ng mabuti saka ay napangiti kasunod ng pagkamot niya sa kanyang batok. Ginulo niya pa ang kanyang buhok.

Tila ba nahihiya rin, tss.

"Come on, let's make breakfast." aniya at naunang maglakad.

Ngunit bago pa man siya tuluyang makalabas ng silid ay tinawag ko ang pangalan niya.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 2Where stories live. Discover now