Chapter 1

105 3 2
                                    

5 years later...

ZAIN'S POV

Tinatamad kong inabot mula sa pagkakalapag sa mesa ang telepono ko. Pabuntong hininga ko iyong ibinalik sa mesa nang makita kong kaparehong pangalan parin ang tumatawag.

Ngayong araw ay pangsampung beses na akong nakatanggap ng tawag. Noong unang beses ay sinagot ko pa syempre, ngayon ay hindi na. Paulit-ulit lang rin naman ang sasabihin sa akin.

Ngayon ay nasa bahay lang ako, tanghali na at mamayang alas dos pa naman ang klase ko. Sa katunayan ay tinatamad akong pumasok. Pero kailangan, hindi na ito kagaya ng dati noong nasa high school pa lang ako. Ngayon nasa third year college na ako sa SHU, sa kaparehong paaralan parin ako nag enroll. Wala namang dahilan para lumipat. Sa tatlong taon ko sa college ay nakasama ko parin ang mga ugok kong mga gangmates. Iyon nga lang ay bihira nalang kaming magkita ngayong week kasi busy kaming pare-pareho.

Isa lang ang hindi busy sa amin at iyon iyong tumatawag sa akin. Muli akong napabuntong hininga nang tumunog na naman ang telepono ko.

"Oh?!" naasar kong singhal sa telepono. Si Nathan itong tumatawag sa akin, noong nakaraang araw pa ako kinukulit, kahit sa campus ay panay ang ungot sa akin.

"Kalma dre, invited ka parin, hehe. " parang tangang sambit niya.

"Ayoko sabing pumunta! Busy ako, Nathan! Busy!" iyon lang ang sinigaw ko at binaba ko na kaagad ang linya.

Gusto niya kasing sumama ako sa party nila, eh hindi nga ako pwede kahit pa mga kaibigan ko ang nandon. Focus muna ako sa pag-aaral lalo na ngayon at may kailangan akong tapusin.

Napakaraming requirements ang kailangan kong i comply. Iba pala talaga kapag nasa college ka na, hindi pwedeng pa chill chill lang.

Matapos maukupa ng kung ano ang utak ko sa loob ng ilang minuto ay nag desisyon akong maligo nalang at pumunta ng campus. Ayos lang naman kung maaga ang punta ko doon, wala narin naman akong gagawin dito sa bahay.

Nang dumating ako sa campus ay sumalubong kaagad sa akin ang malaking gate. Hindi kagaya sa SHA ay nasa labas ang parking lot, dito sa SHU ay nasa loob. Mas malaki rin ang campus dito at mas malalayo ang building. Talagang literal na malayo dahil para kang nasa gubat. Napakalaki talaga, hindi mo kayang libutin ng isang araw.

Nang lumabas ako sa kotse ay bumungad sa akin ang malaking field at mga puno sa paligid. Tinatanaw ko ang building namin na nandon pa sa may bandang likod malapit sa gymnasium. Ang SHU rin ang may pinakamalaking floor area ng gymnasium. Halos lahat ng events sa college, regional man o district ay dito ang venue.

Nang nasa kalagitnaan ako nang paglalakad ay natanaw ko na mula sa unahan ang nakangiting mukha ni Nathan. Tangina.

Napairap nalang ako sa kawalan sa katarantaduhan niya.

"Zain, dude!" malakas na sambit niya, dahil doon ay may mga students na lumingon sa akin.

"Ano?" walang gana kong tanong kahit na alam ko naman na ang sasabihin niya. Tss.

"Talagang hindi ka sasama?" muling pangungulit sa akin ni Nathan.

"Hindi nga, kulit mo." usal ko at naiinis na nilagpasan siya.

"Dude, teka! Bakit ba ayaw mong sumama?" pahabol niya.

Sa inis ko ay hindi ko na siya pinansin at nagtuloy na sa paglalakad. Narating ko na ang loob ng building namin. Akmang liliko na ako sa kanan upang pumasok na sa klase ko ay napansin kong may sumusunod sa akin.

Napapikit ako sa inis nang mukha na naman ni Nathan ang tumambad sa akin pagkalingon ko.

"Nathan, hindi nga ako sasama. Marami akong gagawin---"

BOLD AND BRAZEN | BOOK 2Where stories live. Discover now