Chapter 15

41 3 3
                                    

Tila ba parang sirang plaka na nagpabalik-balik sa isip ko ang sinabi niya.

Hanggang sa marating namin ang tapat ng unit niya ay iyon parin ang sumasakop sa akin.

Gusto niyang alagaan ko siya?

Patago akong umiling saka ko binalingan si Bulldog. Gulat kong ipinagtaka nang makita kong nakaipit na sa bibig niya iyong key card.

Napaismid ako at saka ay inilahad ang palad upang kunin iyon sa kanya. Ibinuka niya ang bibig dahilan upang mahulog ang key card sa mismong palad ko.

Pasuray-suray siyang pumasok kasunod ako saka ko isinara ang pinto. Malakas ang loob at mukhang ayaw nang magpaalalay.

"Shit!" iritadong aniya nang mabangga ang tuhod niya sa kanto ng mesa.

"Tss." iling ko at kapagkuwan ay inalalayan siya.

Ganito ba talag 'to kapag lasing? Tahimik lang at iritado? Kanina pa mab doon ay mukha siyang mananapak ng tao.

"Dahan-dahan." agap ko nang sugurin niya pabukas ang pinto. "Alam kong masakit ang ulo mo, kaya----"

"Whatever."

Napamaang ako sa sinabi niya at kaagad siyang tinignan. Magkaiba ang tangkad namin kaya ay nakatingala ako sa kanya.

Mabilis siyang humiwalay sa akin nang tuluyan kaming makapasok sa kwarto niya na siyang unang beses ko.

Kaagad siyang bumagsak sa sopa nang nakatihaya. Hawak-hawak ang sentido hanggang sa tuluyan na siyang pumikit.

"Bagsak." tawa ko.

"Shhh." suway niya sa akin. Iritado.

Nakangiwi ko siyang tinitigan. Dahil hindi ko na alam ang gagawin ay inilibot ko nalang ang paningin sa buong silid.

Wala rin naman akong masyadong makita bukod sa iilang pirasong picture frame at dresser. Madilim kasi at tanging iyong dim light na nasa likod ng uluhan niya ang nagsisilbing ilaw.

Lumapit ako sa kama hanggang sa tumama na ang tuhod ko sa paanan niya.

Nakabuka ang parehong kamay at paa. Bagaman tulog ay kunot ang noo. Lalong gumagwapo dahil sa bagsak at magulong buhok nito.

Hindi ko alam kung paanong nasa harap ko ang ganito ka guwapong nilalang. Noon pa man ay napansin ko nang may hitsura siya, ngunit bakit ngayon at tila pangunang beses ko palang nakita.

"S-Stop...staring." garalgal at pumapaos na aniya.

"Teka't kukuha ako ng bimpo at tubig." sambit ko. "Matulog ka diyan."

Tumalikod na ako saka ay naghanap ng paglalagyan ng tubig sa kusina. Madali ko rin naman iyong nakita dahil organisado at kakaunti lang ang gamit doon. Nilagyan ko iyon ng tubig saka ay bumalik sa loob ng kwarto.

Kinapa ko ang switch ng ilaw sa gilid ng pinto at binuksan iyon, napuno kaagad ng liwanag ang sulok ng buong silid.

"Ahhh, damn." ungol niya at napatakip sa mata. Nasisilaw kaya'y mabilis niyang inabot ang unan at tinakip iyon sa mukha niya.

Kumuha ako ng bimpo sa loob ng banyo at pagbalik ko ay kaagad kong napansing nakasandal na siya sa headboard ng kama.

Wala ng masitatalim pa ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Papikit-pikit man ay hindi nagpatinag. Subalit sandali lang iyon at kaagad din siyang pumikit.

Ganyan ba siya kapag lasing? Hindi nga maingay, napaka iritable naman. Tsk!

Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan ang kanyang estado. Napaisip tuloy ako kung ano ba ang dapat na gawin sa kanya.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 2Where stories live. Discover now