ZAIN'S POV
Napatingin muli ako sa cellphone ko nang mag ring na naman ito. Ngunit hindi kagaya kanina ay naka silent na ito dahil ayokong marinig ulit iyon ni Kaze.
Sa totoo lang ay hindi ko alam kung sino ang uunahin ko. Dahil sa sitwasyon ngayon ay pareho silang importante sa akin.
Muli kong sinulyapan ang pangalan ni mommy na nasa screen ng cellphone ko. Napabuntong hininga nalang ako.
Nalala ko ang sinabi sa akin ni Master na mas makakabuti raw kung uuwi muna ako sa amin dahil importante ang graduation ko. Kaya nga rin ako namomroblema dahil doon.
I'm stuck in this situation where I don't know how to get out. Iniisip ko si mommy habang iniisip ko si Kaze. Parang na gi-guilty ako kung iiwan ko siya sa ganitong sitwasyon. Naiisip ko rin na baka maging pabigat lang ako sa kanya. Tsk!
Nandito ako sa loob ng kwarto at inayos iyong mga bagay na nagamit ko. Ilang oras narin akong nandito simula nong matapos kaming kumain kanina.
Dahil wala naman akong dadalhin ay inayos ko ang loob ng kwarto. Sila Kaze ang bumili ng lahat ng mga gamit na kailangan ko sa pag stay ko dito.
Napatingin ako ulit sa cellphone ko nang mag ring ito. Dinampot ko ang cellphone at sinagot ang tawag.
"Yes, mom..." kaagad na bungad ko. "Im going home."
"I'm glad you answered my call, anak." bakas ang kasiyanan sa boses niya. Mapakla akong napangiti.
"Don't worry, mom. Napatagal lang ang stay ko dito kila Nathan kasi medyo nag enjoy ako dito."
"Ah ganon, ba... I'm sorry anak if I keep on calling you, ha. It's just that hindi ako sanay na hindi ka umuwi dito sa bahay for how many days." nag-aalala ang boses niya.
"I'm sorry, mommy. Na busy lang talaga." hindi ko mapigilang makonsensya dahil sa pagsisinungaling ko but what can I do? I have to do it.
"Ah, it's okay now anak. I'll wait for you here ha, ingat ka diyan."
"Yes, mom. Thank you." iyon lang ang huli kong sinabi saka ko binaba ang tawag.
I don't feel good lying to her. Mabigat ang loob ko.
Napa-upo ako sa kama at nasapo ko ang sariling noo gamit ang dalawang kamay. I don't want to make her worried but at the same time I don't want to make Kaze feel that she's accountable for what happened to me. Tsk!
Gusto kong kausapin si Kaze. Gusto kong sabihin at ipaintindi ulit sa kanya na hindi niya kasalanan ang nangyari. Kasi alam ko na hanggang ngayon ay sinisisi niya parin ang sarili aa kung ano ang nangyari sa akin.
Napagdesisyunan kong bumaba nalang at hanapin si Kaze upang kausapin sana siya. Ngunit nang makababa ako ay naroon silang dalawa ni Master sa may daan patungo sa kusina.
Napansin kaagad nila ang presensiya ko kaya ay sabay silang lumingon sa gawi ko. Hindi ko alam pero merong kakaiba sa mga tinginan nila.
"Zain." tawag sa akin ni Kaze.
Hindi ko naman alam kung ano ang gagawin kaya ay hindi ako kumibo lalo pa at nasa harap namin ang kuya niya.
"Uuwi ka na diba?" kaagad na bungad niya sa akin, blangko ang mukha.
Napatango nalang ako at lumapit sa kanila kahit na naiilang ako sa presensiya ni Master.
"You don't have to explain to her why you needed to go home." boses ni Master, tumingin ako sa kanya. "She understands it well."
Ramdam ko ang tensiyon sa pagitan nilang dalawa. Matalim ang titig ni Kaze sa kung saan. Para bang mayroon silang hindi pinagkakasunduan.
"Ako na ang maghahatid sa kanya." malamig ang boses ni Kaze nang sabihin iyon at tumingin sa akin.
YOU ARE READING
BOLD AND BRAZEN | BOOK 2
ActionSequel to book 1 formerly, GANGSTERS. This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all the details of what has been written in this book remains the same. Thank you for understanding! I have plans to discontinue...