Nang marating ko ang lugar ay agad na bumungad sa akin ang malapad na basketball court. Para bang matagal na itong hindi nagagamit dahil puno na ng talahib ang paligid nito. Sa kabilang parte naman kaharap nito, sa kanang bahagi ko ay ang isang subdivision na tila ba hindi pa natatapos ang ilang mga bahay. Sumulyap ako sa relong pambisig upang tingnan ang oras at nakitang bago lang mag alas tres ng hapon.Muli kong inilibot ang tingin sa paligid. Mayroong entrada ang subdivision na wala namanh guwardya, wala rin itong gate kaya ay makakapasok ang kung sino mang may gusto.
Hindi pa man ako nakakababa ng sasakyan ay nakita ko na ang pamilyar na kotse ni Claude na nanggaling sa kung saan. Naroon siya sa harap mismo ng entrada ng subdivision kung saan siya bumaba at nilapitan ako.
Wala masyadong dumadaan sa lubak at bitak-bitak ng kalsada kaya ay naka tawid siya ng mabilis bukod doon ay hindi rin matao ang lugar. Kung tutuusin nga ay inasahan ko nang ganitong lugar ang makikita ko noong papunta palang ako rito.
Kinatok ni Claude ang bintana ng sasakyan na siyang binuksan ko naman.
"They're inside this subdivision." ani Claude.
Nag-usap na kami ni Claude noon pa na alam niya na kung nasaan ang mag-amang Arnault kasama si Kalem. Hindi mahirap na matunton ito ni Claude dahil alam niya ang mga posibleng pinagtataguan nila.
Tumango ako at napagdesisyunan naming pumasok na sa loob kaya'y hindi na ako lumabas pa ng sasakyan sa halip ay pinauna kong mag maneho si Claude.
Mabagal ang takbo namin nang makapasok kami. May mga bahay pala sa loob na maayos na, hindi ko lang alam kung may nakatira pa na dahil tahimik ang lugar na nadadaanan namin at walang mga sasakyan. Lumiko si Claude sa unahang kanto at tumigil sa pinakadulong bahay. Hindi ako bumuntot sa kanya sa halip ay binagalan ko ang takbo at pinagmasdan ang nag-iisang bahay sa tapat namin.
Nang makita kong lumabas na ng sasakyan si Claude ay saka ako sumunod sa kanya at bumaba na rin ng sasakyan.
"How long have they been here?" tanong ko at nakapamulsang tiningnannang taas at lapad ng bahay.
Masasabi kong luma na ang bahay na ito dahil bukod sa kinalawang na ang bakal na gate nito ay hindi na rin matingkad ang kulay ng mga pader nito. May mga lantang bulaklak at may iilan ring mga damo na nagkalat sa loob. Ngunit hindi naman ito mukhang abandunado, sadyang hindi lang palaging may tao.
"I don't know..." iling ni Claude, "I've just known that they're here last day."
Tumango nalang ako. Nabalot ang isip ko nang mga posibleng mangyari sa amin pag pasok gayunpaman ay buo ang loob ko.
Seryoso ang mukha kong tumango nang sabay kaming mag desisyon ni Claude na pumasok na. Bumungad sa amin ang bilog at malalaking haligi ng tanggapan. Mayroon itong dalawang malapad na pinto. Tahimik at walang ilaw ang ilang parte ng bahay at halatang hindi na ginagamit ang mga kagamitan na mayroong mga kulay puting tabing.
Naging alerto ako sa pagpasok bagaman kalmado. Hindi pa man kami tuluyang nakakapasok sa pinaka gitnang bahagi ng bahay ay narinig na namin ang tunog ng sapatos ng kung sino mang papalapit sa amin.
Maya-maya ay dumungaw na mula sa itaas si mr. Arnault na may kakaibang tingin.
"As I said...I came here with that you need!" malakas na sabi ni Claude at tumingin sa akin.
"Very well then...get up here." makapal ang boses ng matanda.
Hindi ko inalis ang matalim kong titig sa kanya habang paakyat ako sa marmol na hagdan. Pinapakalma ang sarili dahil hindi ko gustong gumawa ng eksena.
![](https://img.wattpad.com/cover/239633726-288-k825256.jpg)
YOU ARE READING
BOLD AND BRAZEN | BOOK 2
AçãoSequel to book 1 formerly, GANGSTERS. This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all the details of what has been written in this book remained the same. Thank you for understanding! I have plans to discontinue...