Kinabukasan ay hindi ko namalayang nakatulog pala ako ng ganoon katagal. Nang iminulat ko ang aking mga mata ay mataas na ang sikat ng araw sa labas, kaya pala ay ramdam kong kumukulo na ang aking sikmura.
Kagabi ay natulog akong gutom, ngayon ay gumising parin akong gutom. Napabuntong hininga ako kapagkuwan ay napailing nalang sa pinaggagawa ko. Sino ba naman ang hindi mawawalan ng gana kapag puro galit ang nasa katawan mo. Tss.
Mabagal ang kilos kong bumangon mula sa pagkakahiga sa aking kama. Magkasunod na hikab ang ginawa ko at tila ba tinatamad na tiningnan ang kabuuan sa salamin. Napailing nalang ako nang makitang ganoon parin ang suot ko simula kagabi.
"Amoy ano na kaya ako, tss." bulong ko sa sarili at mabilis na pumasok ng banyo at doon nag sipilyo. Mainit ang panahon ngayon kaya'y naligo nalang ako kahit wala sa plano.
Nang lumabas ako ng kwarto na nakabihis na ay tumunog na naman ang sikmura ko. Pakiramdam ko ay maduduwal na ako sa sobrang gutom, maging ang lalamunan ko ay sumasakit narin.
Hindi pa man tuyo ang buhok ko ay mabilis ang lakad kong pinihit ang doorknob saka nagmamadaling lumabas ng condo. Hindi na magsisilbing pagkain iyong nasa ref ko, panis na ang karamihan sa naroon kung hindi man ay hindi niyon maitatawid itong gutom na nararamdaman ko.
Malakas pa sa kabag ang tunog ng sikmura ko, sa bawat hakbang ay hiya ang nararamdaman ko lalo pa at may nakasabay ako sa elevator. Kahit anong pigil ko ay hindi talaga kaya, sa huli ay nayuko ko nalang ang ulo at tumitig sa mga paa ko.
Matagal pa bago tumunog at sumara ang elevator, batid kong may pumapasok pa kaya ay hindi na ako nag-abalang tignan pa ang pinto. Ngunit napatingin din ako sa harap at nakitang may kamay pang sumisingit sa pasarado ng pinto ng elevator. Bumukas ulit iyon at nakita ko ang isang pamilyar na mukha ng lalaki.
Nanlaki ang mata ko at mabilis na nagtago sa gilid. Nasisiguro kong si Zardi iyon. Bukod sa tumangkad siya ng husto ay kilalang-kilala ko ang mukha niya.
Nang sumilip ako ay nakalingon siya sa bandang gawi ko kaya't mabilis akong umiwas ng tingin. Hindi ko gustong makita niya ako, ano ang dahilan? hindi ko rin alam. Tss.
Tuloy ay gusto ko nang marating kaagad ang ground floor at umalis na dito ng hindi kami magkaengkwentro ni Zardi. Tsk!
Lumipas ang ilang segundo at huminto ang elevator, pinauna kong lumabas ang ibang tao dahil kapag nauna ako ay paniguradong mapapansin niya ang presensya ko. Nang makita kong lumabas na ng elevator si Zardi ay napabuga ako sa hangin. Mabagal ang lakad kong lumabas na rin at sa hindi inaasahang pagkakataon ay kaagad kong nakasalubong ng kanyang tingin.
Ganoon nalang kagulat ang mukha niya, iyong para bang multo ang nakikita.
"What the? You're really here?!" gulat na sambit niya. Wala na akong magawa kundi ay tumango nalang at nagpakawala ng pekeng tawa.
Bigla ay may hinahanap ako, alam ko kung sino. Hindi ko napigilan ang sariling lumingon sa kahit saang gawi. Hinahanap ko nga, tsk! Nang matauhan ay kaagad kong binaling ang tingin kay Zardi. Pinagalitan ang sarili kung bakit ganoon nalang ang naging reaksyon ko. Wala dito si Bulldog! Paulit-ulit ko iyong sinasabi sa sarili.
"Uh, may hinahanap ka ba?" ang akala ko ay hindi niya mapapansin. Tsk! Marahil ay ganoon ako ka obvious. Pambihira. Hindi ko na naman napigilang maasar sa sarili ko, hinihilang na sana ay umayos ako.
"Wala..." tipid na sagot ko. Tsh.
Tumango-tango si Zardi na tila ba naghahanap ng masasabi.
"So, anong ginagawa mo dito?" excited na tanong niya. Dahil gutom ako ay lumilipad pa ang utak ko. Hindi ko siya nasagot at gusto kong magpaalam na. Napakamot ako sa batok bago ako tumingin muli sa kanya.
YOU ARE READING
BOLD AND BRAZEN | BOOK 2
ActionSequel to book 1 formerly, GANGSTERS. This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all the details of what has been written in this book remains the same. Thank you for understanding! I have plans to discontinue...