ZAIN'S POVI was smiling the whole time like a crazy man. Walang pagsidlan ang saya ko nang gabing iyon. It felt like it was surreal. Hindi ako makapaniwalang nangyari talaga iyon na pwede pala. Tuloy ay panay ang buntong hininga ko hindi dahil sa panlulumo o kung ano mang negatibo kundi ay dahil pinakakalma ko ang sarili. Kulang nalang at baka lulundag na ako sa saya.
Hindi ko akalaing ganoon ang magiging tugon niya sa akin. Na hahayaan niyang gawin ang gusto niya kahit makita ko pa. It felt like she was sure of what she's doing, not hesitating.
Nang gabi ring iyon ay hindi ko alam kung makakatulog pa ba ako. Pakiramdam ko kasi ay baka kapag hindi ko sinulit itong pagkakataon ay magbabago na naman ang kung anong meron kami bukas. Per hindi, sigurado ako, alam niya kung ano ang pinahihiwatig ko.
Kinabukasan ay nagising ako nang nasa kondisyon. Kakaiba ang pakiramdam ko, masaya at ganado. Kaagad akong bumangon upang magsipilyo at maghilamos kaya'y pumanhik na ako sa banyo. Alam kong may kakaiba sa araw ko ngayon at alam ko mismo kung ano ang dahilan.
Ang lahat ng naalala ko kagabi ay idinaan ko nalang sa ngiti nang makita ko ang repleksiyon ng sarili sa salamin. I was able to finish washing my face in an instant, the mood last night is just so perfect that it stayed until now.
Nang matapos ay lumabas na ako sa kwarto at tumungo sa kusina. Gusto kong ipagluto ng breakfast si Kaze. Hindi ko alam, pakiramdam ko ay dapat ko siyang alagaan.
Hinanda ko na ang mga sangkap at kagamitan sa pagluluto. Naisipan kong lutuan siya ng adobo. Siguro ay magugustuhan naman niya.
Nasa kalagitnaan ako nang paghuhugas ng kamay nang marinig kong tumunog ang doorbell. Siguro ay si Zardi iyon, mambuburaot na naman ng ulam. Tsk!
Pabuntong hininga kong kinuha sa lababo ang maliit na bimpo at pinunas iyon sa kamay ko habang papalapit ako sa pinto.
"Tsk! You're here again?!" nang buksan ko ang pinto ay bigla akong nabalot ng hiya nang makitang si Kaze pala ang nasa labas at hindi si Zardi!
Ganoon nalang ka lamig ang titig niya sa akin.
"Sorry, I thought it was---" hindi ko pa man nakukimpleto ang sasabihin ko ay sadya ko na iyong pinutol nang tila ba ay naasar siyang nag-iwas ng tingin sa akin.
"Tch."
Kumunot ang noo ko nang hindi man lang siya tumitingin sa akin. Tila ba nahihiya.
"What's wrong?" I asked. Nakakunot ang noo kong sumandal sa hamba ng pinto at pinagkrus ang parehong braso.
"Wala." aniya na ngayon lang tumingin sa akin.
"So rude!" kunwari ay pag iinarte ko. "Wala man lang good morning?" I raised a brow.
Ganoon din ang ginawa niya saka muling umiwas ng tingin.
"Tss. Asa." nakangusong aniya. Natawa ako at kapagkuwan ay bumuntong hininga. Cocky as hell.
"Tara sa loob, I cooked something just for you." akma akong lalapit nang bigla ay iharang niya ang parehong kamay sa akin. Doon na mas lalong kumunot ang noo ko. "Ano bang problema mo?" tanong ko at lalapit pa sana sa kanya nang sinalubong niya ako ng masamang tingin.
"Tsk! Magdamit ka nga!" bigla asik niya. "Tanga ka at bakit apron ang suot mo! Tss." umiling siya.
Gulat man ay patago ang naging pag-ngiti ko. Kaya pala, HAHAHA! Kaya pala hindi ka makatingin sakin kanina.
"Why? Malamang nagluto ako. Duh?" sagot ko.
"Tch. Tabi." sumenyas pa siya sa akin na tumabi ako saka siya dire-diretsong pumasok sa loob.
YOU ARE READING
BOLD AND BRAZEN | BOOK 2
AçãoSequel to book 1 formerly, GANGSTERS. This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all the details of what has been written in this book remains the same. Thank you for understanding! I have plans to discontinue...