"What is it that you want him to stay at my house?" bungad ni Master sa akin nang magkasalubong kami sa hallway ng ospital pagkakinabukasan."Hindi tayo ligtas dito." sagot ko habang sabay kaming lumakad pabalik sa kwarto ni Zain.
"I'm monitoring Kalem's activity and he seems far from my radar." ani Master at sumulyap sa akin.
"Kahit na..." muli kong naalala ang sinabi sa akin ni Claude.
"I'm not invalidating your concern but knowing him, he won't make a move one after another."
Napatigil ako sa paglalakad.
"Hindi kita maintindihan." usal ko at pinakatitigan siya.
"It's not that I am opposing you, Kaze. It's just that..." napabuntong hininga siya. "Fine. We'll transfer him to my house. Vior can take care of him." anya at nauna nang maglakad.
"Master..." tawag ko dahilan upang tumigil siya sa paghakbang at nilingon ako. "Si Claude, alam ni Claude ang mga plano ni Kalem."
Nakita ko na natigilan siya sa sinabi ko. Sumeryoso ang mukha niya at kinunutan ako ng noo.
"Claude Arnault?" aniya sa nagtatakang boses.
Tumango ako.
"You have been communicating with him?" hindi makapaniwala niyang sabi.
Napalunok ako, "Oo. Kailangan niya rin ng tulong natin." bahagya akong lumapit sa kanya. "Nalaman ko na hindi totoo ang kasal ni Crista. At tama ako na siya ang pakakasalan ng babaeng yon."
"Why didn't you tell me sooner?"
Hindi ako makapagsalita, wala akong masagot sa tanong niya.
"Was he the one who informed you about Kalem? Siya ba ang nagsabi sayo na mangyayari ang ganon kay Zain?" sunod sunod niyang tanong.
"Oo." sagot ko.
"And you didn't even bother to tell me?"
"Wala siyang kinalaman sa mga plano ng Israfel na iyon."
"Kahit na, Kaze." tinitigan niya akong ng mabuti. "What if he's trying to get in to your mind?"
"Hindi." umiling ako kaagad. "Kung gagawin niya man yon ay ako mismo ang papatay sa kanya." seryoso kong sabi.
Natahimik kaming dalawa at walang nagsalita sa amin. Hindi ko alam kung sino ang pakikinggan ngayon. Maaring tama si Master pero maaari ring tama ako.
Pero paano kung biguin ako ng sarili ko? Tss.
"Aasikasuhin ko lang ang paglabas ni Zain. Mauna na ako." huling sambit ni Master saka ay umalis na.
Nasapo ko ang sariling noo at napasandal nalang sa malamig na semento. Pinakalma ko ang sarili dahil para na namang sasabog ang kaluluwa ko. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin.
Nang pumasok ako sa loob ng elevator paakyat sa palapag kung saan naroon ang kwarto ni Zain ay mas lalong sumisikip ang dibdib ko.
Kailangan kong malaman kung ano ang totoo at gagawin ko yon kahit ano pa ang mangyari.
Nang pumasok ako sa loob ng silid ni Zain ay nadatnan ko siyang naroon na sa pinakadulong bahagi ng kama. Nakaupo habang nasa harap niya si Vior at nag-uusap sila.
Naagaw ko ang atensiyon nila kaya ay sabay silang lumingon sa akin.
"Did you meet your brother?" tanong ni Vior habang naka upo sa monoblock chair. Nakadekwatro at magka krus ang braso. Nagmumukha tuloy na maliit iyong upuan dahil sa malaki ang katawan niya.
YOU ARE READING
BOLD AND BRAZEN | BOOK 2
ActionSequel to book 1 formerly, GANGSTERS. This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all the details of what has been written in this book remains the same. Thank you for understanding! I have plans to discontinue...