Nang papasok na kami sa loob ay kaagad kong natanaw si Master na naroon sa may gazebo na may katamtamang laki at malapit sa dalampasigan. Hindi pa man kami tuluyang nakakalapit sa kanya ay ramdam niya na ang presensiya namin. Bahagya siyang lumingon at hinintay kaming tuluyang makalapit sa kanya.
Nakatingin na siya sa malapad at tahimik na dagat. Dumaan kami sa pathway na gawa sa kahoy papunta doon.
Nang makalapit na kami sa kanya ay ilang segundo pa bago siya nagsalita.
"Cocktail?" alok niya at sinenyas ang dalawang cocktail na naroon sa maliit na mesa. Sumimsim siya sa sariling baso na hawak niya.
"What happened to you?" aniya na nasa dagat ang tingin. "Did you clean my house?"
Napakamot ako sa ulo nang maalala kong hindi ko nalinis ang mga kalat ko doon. Sumulyap ako kay Gabraiel na nasa tabi ko ngunit kagaya ni Master ay naroon din ang tingin niya sa karagatan.
"I was the one who cleaned your house." bigla ay sambit ni Gabraiel.
"What happened there?" humarap sa akin si Master. "You drank almost half of my beer."
"Hindi mo rin naman iniinom ang mga yon." sabi ko.
"Don't act like you didn't get what I mean, Kaze." seryosong sabi niya.
"Gabraiel. Anong nangyari?" bumaling siya kay Gabraiel.
"Hindi ko rin alam. Papasok na ako sa loob." bigla ay paalam niya.
"No. Stay here. I want to talk to you, too." pigil ni Master.
Sinamaan ko ng tingin si Master. "Hayaan mo siyang umalis. Hindi naman niya kailangang makinig sa usapan natin."
" She's right. Mauuna na ako sa loob." paalam nito. Bago pa man siya tumalikod ay nagtama ang paningin namin.
May kung anong emosiyon sa blangkong mukha niya ngunit hindi ko iyon mabasa. .
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa loob ng function hall.
"Now, tell me. Where the hell have you been?" bumalik ang atensiyon ko kay Master nang magsalita siyang muli.
Napalunok ako dahil pakiramdam ko ay may kung anong nakabara sa lalamunan ko.
"Pumunta ako sa bahay ni Zain." diretsong sagot ko.
"That head of yours." batid ko ang inis sa boses niya. "What if someone saw you together? Did that come to your mind?" hinarap niya ako.
"Kaya nga... mali ako don."
Naiintindihan ko ang punto niya. Iniiwasan niya lang na mapahamak ang mga tao sa paligid namin. Kaya tanggap ko kung magalit man siya sa akin ngayon.
"Remember when we left the venue? I know you saw something. What was it?" bigla ay sumeryoso ang boses ni Master.
Pilit kong inalala ang gabing iyon. "Hindi ako sigurado pero malakas ang kutob ko. May nakita akong lalaki na naroon sa harap ng hotel at nakatingin sa atin."
"I know who it was."
Gulat akong napatingin sa kanya. Bigla ay kumabog ang dibdib ko.
"Sino?"
"Israfel Tanis." makabuluhang sagot niya habang direktang nakatingin sa akin.
Nagtagis ang bagang ko at inis na napakuyom.
"See? Wherever we are...I know they've been tailing us. We're not safe anywhere we go, Kaze." paalala niya.
"Paano mo nalaman?" nagtataka paring tanong ko.
YOU ARE READING
BOLD AND BRAZEN | BOOK 2
ActionSequel to book 1 formerly, GANGSTERS. This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all the details of what has been written in this book remained the same. Thank you for understanding! I have plans to discontinue...
